Richard: Dawn hindi basta basta ang pagpapakasal.
Dawn: Richard, mahal naman natin ang isa't isa diba?
Richard: Pero hindi naman ganun kadali yun. Dapat handa tayong dalawa.
Dawn: So hindi ka handang pakasalan ako ganun?!
Richard: Hindi yun ang ibigsabihin ko Dawn.
Dawn: Yun yung ibigsabihin mo eh! Sabihin mo lang kung ayaw mo sakin Richard. Kasi nagmumukha akong desperada dito eh.
Richard: Dawn, gusto kitang pakasalan syempre. Pero kailangan muna natin hintayin yung tamang panahon.
Dawn: Tamang panahon?! Richard matanda na tayo. Kung hihintayin pa natin yun, baka naman mamatayna tayo, hindi pa rin tayo kinakasal.
Richard: Ano bang pinagsasabi mo Dawn? Hindi natin kailangan magmadali. May mga bagay pa na dapat unahin kaysa dyan.
Dawn: Hindi mo talaga ako mahal no!? Dati pa man, ikaw talaga yung umaayaw sa kasal eh.
Richard: Dawn, iba yung sitwasyon natin dati. Pwede bang wag mo ng ungkatin yung nakaraan?!
Dawn: Bakit?! Bakit ayaw mo?! Kasi nasasaktan ka?! Kasi nakikita mo kung gaano ka katanga?! Tanga ka na pumatol ka sakin?! Pinatulan mo yung babaeng napaka desperada kahit noon pa man?!
Natahimik si Richard. Nakatingin lang sya kay Dawn.
Dawn: Ano?! Natahimik ka diba?! Kasi totoo! Diba?! *hinahampas si Richard*
Richard: Oo! Totoo! Totoong tanga ako kasi pinakawalan pa kita noon! Pero Dawn wag mong isipin na pinagsisisihan ko na naging tayo. Kasi kahit kailan, hindi ko iisipin na pagkakamali lang yung mga magagandang ala-ala natin.
Dawn: Pero bakit ganito kahirap?! Masakit eh! Ang gulo-gulo ng sitwasyon natin ngayon! Kasi lagi na lang tayong ginagambala ng mga nakaraan natin! Maayos na ang lahat eh! Gumulo lang talaga noong nagkita tayo.
Richard: Dawn, may dahilan ang lahat ng bagay.
Dawn: At ano naman yun?!
Richard: Siguro ibigsabihin nito na tayo talaga ang dapat na magsama.
Dawn: Kung ganun, bakit ba ayaw mo pa akong pakasalan?! Ako na nga itong nagyayaya! Halos magmakaawa sayo.
Richard: Dawn, ikaw lang naman ang iniisip ko. Baka mas makakabuti muna kung bumalik lahat ng ala-ala mo bago tayo magdesisyon.
Dawn: Bakit pa?! Atsaka, bumalik na ang lahat ng ala ala ko Richard! At sa tuwing maaalala ko kung bakit tayo napunta sa ganito g sitwasyon, nasasaktan ako! Richard, nahihirapan na ako. Kaya please, pumayag ka na sa gusto ko. Yun lang ang tanging magpapaligaya sakin.
Richard: Hindi ko talaga alam, Dawn.
|||||||
Guys, sorry po kung hindi ko na naupdate ito ng matagal na panahon. Naging busy lang po. Sana nagustuhan nyo 😂 Itatry ko na madalas na magupdate lalo na summer vacation naman! 😂 Yun lang bye 😂
Trisha- eto na po. ☺️😘 Sorry talaga kung matagal. Nahirapan ako. Nalito na nga ako sa takbo ng story ko eh. Kailangan ko pang basahin ulit. ☺️