Chapter 17

907 36 14
                                    

Alex's P.O.V. 

Nasa baba na si Rave, hinihintay nya ako kasi aalis ulit kami. Niyaya ko sya na lumabas kasi ayaw kong matagal na nandito sa bahay. Pumayag naman, gusto din eh. Kasi naman bukod sa bored ako lagi dito, eh parang nasanay na din ako na laging nasa mall o kaya sa mga park kapag wala si daddy sa bahay. Ayaw na ayaw kong naiiwan ng si mommy lang ang nasa bahay, naalala ko kasi yung nangyari dati. Dun nagsimula yung pagiging cold ko kay mommy. 

*flashback*

Nagmamadali akong bumaba, hawak hawak ko yung plato na pinagkainan ko. Dun kasi ako sa kwarto ko kumakain kapag kami lang ni mommy dito. Ayaw nya daw kasi akong kasabay kumain. Okay lang naman, naiintindihan ko namang ayaw nya pa din sakin. 

"ALEX!!!" 

Nabitawan ko bigla yung hawak kong plato  nang ginulat ako ni Rave. Hinayupak na 'to. Nabasag tuloy yung plato tapos nagkasugat-sugat yung paa ko. Pero di ako dun kinabahan eh, kinabahan ako nung nabaling yung atensyon ni mommy sakin. Magagalit 'to sigurado. Gago kasi 'tong si Rave eh. 

"Anong nangyayari dyan?!"

PATAY! Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko lalo na nung tumayo si mommy tapos naglakad na papalapit samin. Si Rave naman, nakita kong namutla bigla.

"T-tita... A-ah, a-ano po k-kasi..."

"Ang haharot kasi eh. Kailangan pa bang dito kayo magharutan, ha?!" 

"S-sorry po... H-hindi ko naman p-po alam na m-mababasag nya yung p-plato."

Habang kinakausap nya si Rave, nagmamadali kong dinampot yung mga nabasag. Tutulungan sana ako ni Rave kaso nagsalita si mommy.

"Pabayaan mo syang magligpit nyan tutal sya naman ang nakabasag."

"Tutulungan ko na po sya. Ako naman po dahilan kung bakit nabasag nya eh."

"Mas marunong ka pa ba sakin?! Sinabi ko na sayo, hayaan mong sya ang gumawa! At saka umuwi ka na. Hinahanap ka na ng magulang mo."

"P-pero tita, kaila..."

"Umuwi ka na." Iba na yung tono ni mommy. Pero ang tikas nitong si Rave, di yata papakabog. Parang kulang na lang sabihin nya"w4L4nG t1T1b4G, iK4w LuHnGsxzc xSz4P4t nUh!!" Kala mo ang tapang, nauutal utal naman. 

"Sige na Rave. I-kamusta mo na lang ako kila Tita."

"S-sige. Yung mga sugat mo ha. Gamutin mo agad yan."

Pagkaalis ni Rave, bumalik na din si mommy sa couch. *haha natutuwa ako sa couch* Ilang sandali lang pumasok si Manang Emy tapos nakita ako na nagliligpit. 

"Hija! Ako na dyan, ang dami mong sugat. Gamutin mo muna yan, ako na ang bahala dito."

"S-salama..."

"Manang, hayaan nyo po sya at nang matuto."

"Dawn, puro sugat yung bata oh."

"Manang. Sinabi ko na po, wag nyong tulungan. Dapat lang po yan sa kanya. Kulang pa nga."

---

Ang sakit. Akala ko masakit na yung mga sugat na nakukuha ko sa pagpupulot ng mga matatalim na bubog, pero mas masakit pala yung marinig yun galing mismo sa sarili mong nanay. 

Pwes... Kung sa tingin nya na sya lang ang pwedeng maglaro ng sarili nyang laro, ts. well I'm into this game.  

---

Bumaba na ko galing sa kwarto ko, masyado naman kayong naaliw sa flashback kaya back to reality muna tayo. Habang bumababa ako, naririnig ko yung paguusap ni Mommy tsaka ni Rave.

"Rave, bumalik kayo agad ha? Gusto ko kasing makabonding si Alex. Ang tagal na naming di nakakapag bonding mag-ina."

"Sure po tita." sabay ngiti. Ang cute nya lang. 

"Nako, salamat talaga ha. Sobrang namiss ko talaga yang si Alex." Nawala naman yung ngiti ko. Tapos napairap ako. Ang plastic naman.

"Ms. Dawn" Yep yan yung tawag ko sa kanya. Kasi sabi nya yan daw itatawag ko sa kanya kapag wala naman sa paligid si daddy. 

"Alex, naman. Kailan mo pa ko tinawag ng ganyan?"

"Alam nyo po, okay lang naman na wag na kayong magpanggap sa harap ni Rave. He knows everything. Kaya wag nyo na po syang idamay sa pagpapanggap nyo."

"A-alex..." 

Hahawakan sana nya ako pero nilayo ko na yung kamay ko. 

"Mauuna na po kami. Baka gabi na din ako makauwi."

"Hindi, tita saglit lang po kami. Before lunch nandito na din po sya." 

"Uh. May lakad kami ng mga kaibigan ko. Lika na Rave."

Pagtapos namin kumain, naglakad lakad kami. Ayaw ko pa talagang umuwi. 

"Saan ba ang hintayan nyo ng friends mo? Ihahatid na lang kita dun. Hintayin natin sila."

"Look, wala naman talaga kaming lakad. Ayaw ko lang talaga sa bahay." 

"Babe naman, pagbigyan mo na si tita. Gusto nya lang naman daw bumawi sayo eh."

"Sa tingin nya ba makakabawi sya ng ganun ganun lang?! Bonding ng isang araw?! Wow naman!"

"Alex, give her a chance. Tsaka kanina bakit mo naman sinagot ng ganun si tita? She's just being nice."

"Nagpapatawa ka ba?! Natablan ka na din nung mga pag-acting nya noh? Pati pala sayo eepekto yun. Unbelievable." 

"Ang gusto ko lang naman. Ayusin nyo na ng mommy mo yang problema nyo para wala ng gulo. Spend this whole day with her. Sobrang miss ka na daw nya, kitang kita ko naman Alex eh."

"Ang daya mo! Nung isang araw lang, sa akin ka pa kumakampi. Ikaw  na nga lang yung nagiisa kong kakampi eh. Tapos ngayon parang bumaliktad na ha?!" 

"Mahirap bang patawarin mo yung mommy mo? Mommy mo yun Alex."

Tinignan ko lang sya.Dahan-dahang tumutulo yung luha ko. 

"Hindi ka naman ganyan dati Alex."

"Dati." sabi ko sabay punas ng luha ko. 

"Dati lang yun Rave. Pero kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik ang dati. Di mo na maibabalik yung mga panahong masaya kami. Yung mga panahon na tinuring nya pa akong anak."

Natahimik naman sya. Ano ba naman 'to?! Lumabas nga ako ng bahay para walang drama kaso wala yatang lugar para maiwasan ko lahat ng problema ko.

"Sige na, magtataxi na lang ako pauwi. Salamat sa oras." malamig yung boses ko. Di nya na rin ako pinigilan kasi alam nyang di rin sya mananalo. 

Pag uwi ko, dire-diretso lang ako sa paglalakad papasok sa bahay. 

"Alex..." - Dawn


Right Love At The Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon