Chapter 8

993 42 9
                                    

Inakbayan ni Richard si Dawn pero tinanggal naman ni Dawn ang kamay nya.

Dawn: Uhmm. E-excuse me muna. M-may titignan l-lang ako sa may k-kwarto.

Alex: Okay mommy. Baba ka agad ah. Nagugutom na din kase ako.

Dawn: O-oo sige.

Umakyat na si Dawn.

Dawn's P.O.V.

Urgh. Grabe, nakakahiya yung ginawa ko kanina. Ano bang pumasok sa isip ko at nagawa ko yun? Pero nung hinalikan ko sya, parang may kuryente akong naramdaman. Tapos habang nag-uusap kami kanina, feeling ko nangyari na din yun, hindi ko lang alam. Tsaka parang pamilyar yung pangalan na binanggit nya kanina. Austin?

Biglang nakaramdam ng sakit ng ulo si Dawn. Napa-upo sya sa kama at napakapit sa may frame nito. Unti-unting lumabo ang paningin nya at sya'y nahimatay.

***

Alex: Ang tagal naman ni mommy. *pouts

Richard: Siguro may hinanap lang yun doon. Dibale, ako na lang ang magluluto.

Alex: Okay. Uhm, daddy. Ang weird talaga ni mommy ngayon. Do you have any idea why?

Richard: Baka nga naninibago lang.

Alex: Ah, ganon? So pag kiniss ka ulit ni mommy ng bigla-bigla, naninibago lang sya ulit?

Richard: Haha! Basta, long story anak eh. Baka hindi mo maintindihan.

Alex: Wait, dont tell me. Preggy na naman si mommy.

Richard: Well, siguro. Hahaha!

Alex: Haaaaaaayyy! Seriously, dad?!

Richard: Bakit? Haha! That's possible. Haha!

Alex: *speechless*

Richard: I'll go check your mom muna ah.

Alex: Okay? Sama din ako dad.

Richard: Wag na, tatawagin ko lang naman sya.

Alex: Hindi, kasi para sure na hindi na kayo magtatagal sa kwarto nyo. Baka kasi may gawin pa kayo tapos magtagal kayo. Gutom na talaga ako eh. *pouts

Richard: Hay. Haha! Okay. Sige, lika na.

***

Pagkamulat ng mata ni Dawn, may binanggit syang isang pangalan.

Dawn: Anton. A-anton? Tama! Naalala ko na ang lahat.

***

Umakyat na sila Alex at Richard. Nagulat sila nang makitang nagiimpake si Dawn habang umiiyak.

Richard: Dawn?? Saan ka pupunta? Bakit ka nag-iimpake?

Alex: Mommy? Okay ka lang ba? B-bakit ka umiiyak?

Richard: Dahil ba 'to dun sa kanina? Yung hinalikan mo ko?

HIndi sila pinapansin ni Dawn. Patuloy lang sya sa pag-iimpake ng mga gamit nya.

Alex: Mommy. Normal lang naman yun diba? Tsaka okay lang yun, sanay naman na akong makita kayong mag-kiss ni daddy eh. Mommy??

Dawn: Wag mo nga akong ma- mommy mommy dyan! Pwede ba?!

Lumapit si Alex kay Dawn.

Alex: Mommy, ano bang nangyayari?

Hinawakan naman ni Dawn ng mahigpit si Alex sa braso.

Alex: A-aray mommy. N-nasasaktan ako.

Richard: Dawn! Ano ba! Bitawan mo si Alex. *lumapit sa kanila at pilit na tinatanggal yung pagkahawak ni Dawn kay Alex*

Alex: M-mommy. Tama na please. *sobs*

Dawn: Sinabi ko ng wag mo akong matawag na mommy eh!

Richard: Tama na. Bitiwan mo na sya Dawn.

Dawn: Hindi pa ako tapos sayo. *binitiwan si Alex*

Tumakbo si Alex palabas ng kwarto at naiwan sila Richard at Dawn sa loob.

Richrd: Dawn, ano yun ha?! Bakit mo ginawa yun?! *pasigaw*

Dawn: Richard! Naaalala ko na ang lahat. Yung nangyari, kung bakit ako nagiging ganito.

Richard: Oh, eh bakit mo kailangang saktan ng ganun si Alex?!

Dawn: Dahil sya ang may kasalanan ng lahat. Nang dahil sa kanya,nagkaganito ako. At nang dahil sa kanya, namatay ang anak ko.

Tinigan lang ni Richard si Dawn at halata mo na nagtataka ito sa mga sinasabi ni Dawn.

Dawn: Ano?! Natahimik ka Richard noh?! Kasi totoo! Sya ang pumatay sa anak ko! Sa anak namin ni Anton!

Richard: Hindi yan totoo! Wala syang kasalanan.

Dawn: Pano mo nasabi yan?! Wala ka naman nung nangyari lahat diba?! Wala kang alam Richard!

Hindi maintindihan ni Richard ang mga sinasabi ni Dawn.

Dawn: Aalis na ako. Doon na ako sa tunay kong pamilya. Kila Anton.

Richard: Hindi. HIndi ka aalis, mas lalong manganganib ang buhay mo.

TInanggal ni Richard ang mga gamit na nilagay ni Dawn sa maleta nya.

Dawn: Ano ba?! Ibalik mo nga yan!

Richard: Sinabi ko na ngang hindi diba?! Wala kang pupuntahan! Dito ka lang.

Dawn: Bakit mo ba ako pinipigilan ha?! Ano bang pakielam mo?! Sabihin mo sakin kung bakit!

Richard: KASI MAHAL KITA! Ayaw kong may mangyaring masama sayo.

Dawn: Hindi pwede 'to! May sarili na akong pamilya. Wag mo na akong isama sa magulo mong buhay. Magsama kayo ng anak mo.

Richard: Dawn, please. Wag mo kaming iwanan. Hindi mo pa naaalala ang lahat. Hindi ganun yung nangyari, alam kong hindi kayang gawin yun ni Alex.

Dawn: Nagawa na nya Richard.

Richard: Please, maaayos natin 'to. *niyakap si Dawn na nakaupo sa kama*

Dawn: Hindi ko alam. Naguguluhan ako. May ipapakiusap lang sana ako sayo. *tinanggal ang pagkayakap ni Richard sa kanya*

Right Love At The Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon