"350 lahat ma'am," sabi ng cashier sa akin. Kaya kumuha ako sa sling bag ko ng pera at ibinigay ito sa kanya.
Nilagay naman n'ya ang mga binili ko sa paper bag at binigay ito sa akin.
"Thank you ma'am." Ngumiti lang ako sa kanya ng sabihin n'ya 'yon at kinuha na ang paper bag.
Lalabas na sana ako sa National Book Store pero biglang may tumawag sa pangalan ko. Kaya napatigil ako.
"Bestie Lhia! nandito ka rin pala." Nilingon ko naman kung sino ito.
"Mark," nakangiting sambit ko. Nilagay naman n'ya ang kanyang braso sa isang braso ko.
"Super excited na talaga ako." Binigyan ko naman s'ya ng nagtatakang tingin. "Alam mo na, best."
"Bakit ka naman excited?" maang-maangan kong tanong.
"Maang-maangan effect 'yan, best?" sabi nito. "Di ba, magiging classmate mo na si Fafa August. Wag mong sabihin na hindi ka excited, best. Kinikilig na 'yan," sabi n'ya.
"Oo na, excited na ako at kinikilig," pag-amin ko. Ang hirap talaga mag-lihim nang sekreto sa best friend mo kung kilalang kilala ka na n'ya.
"Sayang lang talaga, best. Hindi tayo classmate," mahina nitong sabi. "Pero make sure na makukuha mo na s'ya this time. Dahil kung hindi, ako ang kukuha sa kanya," natatawang sabi n'ya.
"Subukan mo lang," pagbabanta ko. Nag-peace sign naman kaagad s'ya.
"Joke lang 'yon. Alam mo naman itong best friend mo medyo malandi at maharot," pabirong saad n'ya.
"Agawin mo na sa akin lahat, wag lang ang baby August ko."
"Talaga, best." Nakataas ang kilay nito at lumaki ang mata n'ya ng sabihin n'ya ito.
Natawa naman ako sa itsura n'ya. Natawa na rin s'ya.
Lumipas ang ilang minuto ay nagpaalam na ako sa kanya dahil uuwi na ako. Sumakay kaagad ako sa jeep.
Maya maya pa ay huminto ang jeep sa harapan ng bahay namin. Kaya bumaba na ako sa jeep.
"Ma, nandito na ako." Kumatok ako ng malakas sa gate ng makita na sirado ang pinto ng bahay.
"Hoy tukmol, ang ingay mo!" sigaw ni kuya sa akin. Nakasilip ito sa bintana.
Ikaw 'yong tukmol. Nakita mo ang kapatid mo na kumakatok sa gate pero hindi mo binuksan.
"Buksan mo nga ang gate, kuya. Gusto ko nang pumasok," sabi ko.
"Anong kapalit, tukmol?" nakangising tanong nito.
May kapalit pa talaga.
"Ako ang maghuhugas ng mga plato mamayang gabi. Deal?" sabi ko. Sana pumayag ka.
"Deal," mabilis nitong sagot. Kaagad n'yang binuksan ang pinto at gate. "Timing dahil madami ang huhugasan mo tukmol," pang-aasar nito.
Pumasok na ako sa bahay at tumingin sa lababo. Madami nga ang hugasin. Mamaya ko na lang 'yan iisipin. Dumeretso na ako sa kwarto at nagbihis na agad ng pantulog kahit na hapon pa lang.
Humiga na ako kama at kinuha ang cellphone ko na nasa sling bag. Nag-facebook na muna ako. Ini-stalk ko kaagad si August sa facebook.
May bago s'yang profile picture na ini-upload. Ang gwapo n'ya!!
Agad kong pininton ang heart react. Gusto ko sanang i-comment na LHIA'S PROPERTY pero napatigil ako nang makita na merong nag-mine. Nakita ko naman na ni-replayan ito ni August.
"Always yours," basa ko sa reply n'ya. Bumuntong hininga na lang ako.
Hindi naman sila, Lhia. Kaya hindi na kailangan magselos pa.
Palagi ko kasing tinitingnan ang relationship status ni August. Single ang nakalagay dito, pati na rin sa babae na nag-comment na mine.
May pinsan din ako na lalaki, na close friend ni August. Tinatanong ko palagi sa kanya kung in a relationship ba si August, pero walang girlfriend si August ang palagi n'yang sagot.
Kaya alam ko talaga na single s'ya. Sa totoo lang, gusto ko talagang sabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya. Pero natatakot akong ma-reject.
Kailan kaya maging tayo, August?
Bigla namang may kumatok ng malakas sa pinto ko.
"Hoy tukmol, maghugas ka na!" sigaw ni kuya.
"Mamayang gabi ang sinabi ko, hindi ngayong hapon!" sigaw ko rin.
Natahimik naman s'ya. Ano bang akala n'ya sa akin uto-uto.
Bumangon naman ako sa pagkakahiga. Tumingin ako sa calendar.
2 weeks na lang, pasukan na.
"Excited na talaga ako," masayang sabi ko.
"Sinong kausap mo?" tanong ni kuya. Hindi pa pala s'ya umalis. "May boyfriend ka na ba?" dagdag na tanong nito.
"Wala!" mabilis kong sagot.
Hindi pa kasi alam ni kuya na may gusto ako kay August.
"Si Mark ba 'yan?" tanong pa nito.
"Wala akong kausap na ibang tao, kundi sarili ko lang," sabi ko sa kanya. Humiga ulit ako sa kama.
Nag-facebook muna ako. Bigla namang na lowbat ang cellphone ko kaya kinuha ko kaagad ang power bank.
Matutulog na lang ako.
BINABASA MO ANG
I Want To Tell You The Truth
Teen FictionLhia Veronica, ang babaeng patay na patay kay August Lax Salvador. Matagal na n'yang gusto si August pero hindi n'ya ito masabi sa kanya. Dahil natatakot s'ya na, baka hindi rin gano'n ang nararamdam ni August para sa kanya. Kakayanin kaya n'yang sa...