Chapter 6

41 5 0
                                    

Narinig ko naman na may kumatok sa gate. Kaya sumilip ako sa bintana.

"Shopee ito, ma'am," narinig kong sabi ng lalaki. Mukhang nakita naman n'ya akong sumilip sa bintana.

Shopee? Hindi naman ako nag-order.

Agad akong lumabas ng bahay at binuksan ang gate.

"Anong pangalan kuya?" tanong ko sa rider.

"Leandro, ma'am," sagot nito.

Si kuya pala ang um-order. Wala pa naman akong pera. Nakaramdam naman ako ng kunting kaba. Ano naman kaya ang ibabayad ko rito. Mamayang hapon pa s'ya uuwi.

"Na bayaran na 'to, ma'am. Paki-pirmahan na lang ito," sabi nito at may binigay sa akin na papel. Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ito.

Buti naman.

"Salamat," sabi ko matapos kong pirmahan at tanggapin ang parcel. Pumasok na ako sa bahay.

Ano kaya 'to? Binuksan ko naman ito.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang nasa loob ng parcel.

Bakla ba si kuya?

"Oh. Bumili ka pala ng dress, 'nak Lhia," bungad ni mama.

"Ma, nandito ka na pala," sabi ko at nag-mano sa kanya. "Si kuya kasi ang nag-order nito. Bakla ba si kuya, ma?" kunot noong tanong ko. Natawa naman si mama sa tanong ko.

"Hay nako 'nak, sinabi ni kuya mo sa akin na first monthsary ng girlfriend nila bukas. Kaya nag-order s'ya ng dress, dahil ireregalo n'ya 'yan sa girlfriend n'ya," paliwanag ni mama. "Akin na muna 'yan," dagdag ni mama.

"Ha?" parang ayaw ko ma.

"Ilalagay ko na rito sa paper bag," sabi ni mama.

"Mamaya na lang, ma," sabi ko at tumakbo papunta sa kwarto ko. Ini-lock ko kaagad ang pinto.

Ito na lang ang susuotin. Ang ganda kasi. Isasauli ko na lang 'to mamaya, kuya. Tutal lalabhan pa naman ng girlfriend mo ito kuya, bago suotin. Pasensya na talaga.

Napatingin ako sa wall clock.

11:40 na. Ang bilis nang oras.

Isinuot ko na ito. Napatingin ako kaagad ako sa salamin. Ang ganda tingnan. Napansin ko naman na may tag, kaya tinanggal ko ito.

Light blue tea length dress. Ito yata ang pangalan ng dress na ito. Maganda pumili si kuya ng dress.

Nagsuot din ako ng hoodie, para hindi halata na sinuot ko ang dress. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na sa kwarto. Tumitingin na muna ako sa paligid, baka makita ni mama na suot ko 'to.

"Ma, aalis na ako," paalam ko kay mama.

"Asan ka ba pupuntahan, 'nak?" tanong nito mukhang nasa kwarto s'ya ni kuya.

Katabi lang kasi ang kwarto namin ni kuya kaya maririnig mo kung may magsasalita man.

"Group study, ma. Sa bahay ng classmate. Kasama ko si Mark doon. Mamayang hapon pa ako uuwi, ma," sagot ko sa tanong ni mama.

"Ingat, 'nak Lhia." Pagkarinig ko rito ay agad akong lumabas ng bahay.

Sumakay na ako sa jeep. Maya maya pa ay nandito na ako sa Zoey Cafe. Nilingon-lingon ko ang paligid. Wala pa naman sila. Tumingin ako sa oras ng cellphone ko.

12:30 pm na.

Nag-text agad ako kay Mark, na nandito na ako. Pumasok na muna ako sa cafe at umorder ng pagkain. Naghanap agad ako ng table habang dala ang tray.

"Dito ka, Lhia!" may sumigaw sa pangalan ko kaya nilingon ko kung sino ito.

Kasali rin ba s'ya? Sana hindi.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya. Nilapag ko ang tray na dala ko sa table at umupo sa upuan.

"Dahil sa group study," nakangiting sabi nito.

Bigla naman nawala ang mood ko sa sinabi n'ya.

I Want To Tell You The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon