Chapter 3

50 4 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas ng mangyari ang pag-ship nila sa akin kay Lawrence.

Gano'n pa rin ang ginagawa nila sa akin hanggang ngayon. May pangalan na nga rin ang ship nila sa amin. Lhirence, ang panget pakinggan.

Akala ko nga paglumipas ang ilang araw, makakalimutan na nila ang sinasabi ko. Pero mali ako, mas lalong lumala pa. Ang sakit lang din sa mata na nakikisali na rin si August sa pag-ship sa amin.

'Yong crush ko na si August, ay nag-shi-ship sa amin ni Lawrence na hindi ko naman gusto. Parang pinamukha lang talaga sa akin ng tadhana na walang gusto si August sa akin.

Pero hindi pa rin ako susuko.

"Hoy! girlfriend ka ba ni Lawrence?" biglang may nagtanong sa akin, kaya nilingon ko kung sino ito. Isang grupo ng lalaki sila. Anim silang lahat. Mukhang schoolmate ko sila dahil gano'n ang uniform ng mga lalaki.

Napatingin ako sa kalangitan at sa paligid. Madilim na. Wala na ring katao-tao sa paligid.

Nakaramdam tuloy ako ng kaba.

"Hindi ako girlfriend ni Lawrence. Nagkakamali ka lang," mabilis na sabi ko at kaagad na tumakbo. Naramdaman ko naman na hinabol nila ako kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

Napatigil naman ako ng may nabangga ako. Hinawakan ko kaagad ang braso n'ya at nagtago sa likod ng isang malaking trash bin. Medyo madilim dito dahil walang ilaw. Kaya hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki na kasama ko.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nila marinig na hinihingal ako.

"Asan na s'ya!" sigaw ng isang lalaki.

"Hindi ko na nakita boss," hiningal nitong sabi.

"Subukan natin dito. Baka nandito s'ya. Bilis!" sabi n'ya. Kaya sumilip ako. Maya maya pa ay tuluyan na silang umalis.

Hindi ko namalayan na hawak ko pa rin pala ang braso na nasama ko sa pagtago sa trash bin.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Tumayo naman s'ya. Kaya tumayo na rin ako.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"August?"

"Lhia?"

Sabay naming sambit.

"Bakit nandito ka, August?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang dapat tanungin ko ng ganyan. Bakit nandito ka? Dalawang oras na ang lumipas bago natapos ang klase at gabi na rin," nagtatakang tanong nito.

Concern ka na ba sa akin, August? Napangiti ako ng maisip 'yon.

"Tsk. Bakit ngumingiti ka ngayon?" Nakunot ang noo nito. "At sino ang mga sumunod sayo kanina?" patuloy nitong tanong.

"Dahan dahan lang sa pagtatanong, August. Baka makapagkamalan kitang boyfriend ko," nakagat ko ang aking labi dahil sa sinabi ko.

"Wag mo na lang sagutin," malamig nitong sabi at tinalikuran ako. Tiningnan ko na lang s'ya hanggang sa hindi ko na s'ya nakita pa.

Ito na naman tayo, Lhia. Kumakapit sa pag-asang walang kasiguraduhan.

                

                              ***

"Tukmol, bilhan mo nga ako ng chocolate sa seven eleven," salubong ni kuya sa akin.

Tumingin ako sa kanyang nang masama dahil dito.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" inis na sabi ko. Wala na nga ako sa mood. Uutusan mo pa ako.

Hindi ko na pinansin ang ibang sinabi n'ya at dumeretso na sa kwarto ko. Ini-lock ko kaagad ang pinto.

Napa-upo ako sa sahig at sumandal sa pader. Napatingin ako sa gilid ko.

Napatigil ako ng makita ang isang pink na album na nasa bookshelf. Kinuha ko ito.

Napangiti ako ng mabasa ang title ng album.

'My moments with family.'

Binuklat ko ito. Sa unang pahina ay baby pictures namin ni kuya. Ilang buwan pa kami rito.

Ang cute namin dito. Ewan ko na lang kung cute pa rin ba kami hanggang ngayon.

Sunod kong tiningnan ang ikalawang pahina. Three years old na yata ako rito. Birthday ito ni Mama. Ang itim pa nang buhok ni Mama rito, pero ngayon madami nang kulay puti sa buhok ni Mama.

Ang bilis lang talaga ng panahon, para kailan lang bata pa ako.

Bigla namang nag-ring ang cellphone ko, kaya kinuha ko ito. Si mama pala ito. Kaya agad ko itong sinagot.

"Hello, ma."

["Lhia 'nak, magsaing ka nang kanin."] utos ni Mama.

"Okay, ma. Asan ka na pala?" tanong ko sa kanya.

["Nasa palengke pa ako, 'nak. Pagnatapos na akong bumili rito. Uuwi na agad ako sa bahay,"] Sagot ni mama.

"Okay, ma."

["Bye na 'nak."] Paalam nito at binaba na ang tawag.

Ibinalik ko na ang album sa bookself. Tumayo na ako pero napatigil ako ng mapansin ko na may na hulog sa sahig na galing sa album. Pinulot ko ito.

Napangiti ako. Isa itong litrato. Kaming dalawa ni August ang nandito. Elementary pa kami sa litrato na ito. Classmate kasi kami sa grade 4, 5 at 6. Kaya medyo naging close kami at sa tuwing magkaklase kami sa elementary ay magkatabi kami palagi.

Para nga kaming aso't pusa dati, pero hindi ko pa na realize dati na gusto ko na pala s'ya. Saka ko lang na realize, 'nung naging high school student na ako.

Kung nalaman ko sana ng maaga na may gusto ako sa kanya, may magbabago pa kaya?

I Want To Tell You The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon