Chapter 7

36 4 0
                                    

"Bakit mukhang nalugi ka yata, best? Anyari?" bungad na tanong ni Mark. Kakarating n'ya lang rito.

"Kasama kasi si Lawrence sa group study," Bulong ko sa kanya. Malapit lang kasi si Lawrence sa akin, baka marinig n'ya. Kung hindi lang kami shinip ng classmate namin ay wala sanang problema.

"Kaya pala. Okay lang 'yan, best. Bawing-bawi ka naman sa dress na sinuot mo ngayon. Infairness, maganda s'ya, best. Hindi ko knows na maganda ka palang pumili ng dress," sabi nito.

Regalo 'to ni kuya sa girlfriend n'ya.

"Si kuya kasi ang pumili nito para sa akin," nag-iwas agad ako ng tingin nang sabihin ko 'yon, baka malaman n'ya na nagsisinungali pa ako.

"Guys, complete na ba tayo?" biglang sabi ni August. Nasa labas na kasi kami sa Zoey Cafe.

"Yes, oppa. Complete na tayo," sabi 'nung kasama rin namin na babae. May ibang babae pa rin pala nagkakagusto sa August ko, at tinawag pa n'yang oppa.

"May bruha na naman, ang nagkakagusto kay Fafa August," bulong ni Mark sa akin. Natawa naman ako sa sinabi.

"Sasakay na lang tayo ng jeep," sabi ni August. Pinara agad n'ya ang jeep na dumaan sa harapan namin.

Sumakay na kami rito. Tatabi na sana ako kay August, pero na unahan agad ako ng babae na tumawag ng oppa kay August ko. Tumingin naman ang babae sa akin at inirapan ako.

Tama nga si Mark, bruha talaga ang babae na 'yan. Tumabi na lang ako kay Mark.

Binilang ko na lang, kung ilang ang kasama namin. Walo lang pala kami. Napatingin naman ako sa babae, ng mas dumikit pa ito kay August. Mukhang hindi naman ito na pansin ni August dahil nakasuot ito ng headset at tumitingin sa labas. Matalim ko s'yang tiningnan ng tumingin sa akin ang babae.

"Kalma lang, best," bulong ni Mark sa akin.

Bumuntong hininga ako at tumingin na lang ako sa labas. Ilang minuto ang lumipas ay huminto na ang jeep sa harapan ng bahay nila August. Bumaba na agad kaming lahat.

Hindi naman maalis ang tingin ko sa bahay nila August. Ang laki at ang ganda. Hindi ko mapigilan na mamangha dahil sa ganda. Para nga itong mansion. Grabe, dito pala nakatira ang August ko.

"Pasok na tayo," pagyaya ni August sa amin.

Hinila naman ako ni Mark dahil hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa bahay.

                               ***

Nandito na kami sa study room. Hindi ko pa rin akalin na ganito pala kalaki ang bahay nila, August.

May dalawang table rito. Apat ang upuan sa bawat table. Si Mark, Lawrence, at Kiesha ang kasama ko rito sa table na ito.

Nagsimula na kaming mag-group study. Tahimik kaming nag-aaral. Nag-focus na ako sa pag-iintindi ng topic na lalabas sa exam. English ang inuna kong subject.

Lumipas ang ilang oras ay nag-aaral pa rin kami. Pag-may hindi kami naindintihan ay nagtatanong kami sa iba naming kasama.

Pag-inaantok ako ay tiningnan ko nang palihim si August. Para ma-motivate naman ako. Nakakaantok kasi mag-aral.

Lumipas ulit ang ilang oras ay gano'n pa rin ang routine. Bigla namang tumayo si August. Kaya naagaw ang atensyon namin sa kanya.

"Tapos na ang group study natin, guys. Gabi na rin kasi. Kumain na muna kayo rito," sabi ni August. Napangiti naman ako sa sinabi n'ya.

"No need na, August. Sa bahay na lang ako kakain. Kanina pa kasi nag-te-text si Mom," pagtanggi ni Kiesha.

"Ako rin, August. Uuwi na ako" pagtanggi rin ng isa.

"Me three, August," sabi rin ng isa.

Bakit ang daming ayaw? Gusto ko pa naman dito kumain.

Tinaas naman ni Mark ang kamay n'ya. "Kailangan ko na rin umuwi, August. Ilang beses nang tumatawag si Mama sa akin," pagtanggi na rin n'ya.

Pati rin ikaw, Mark.

"Uuwi rin ako, August," sambit ni Lawrence.

"Okay, ihahatid ko na lang kayong lahat sa labas," sabi ni August. Sayang.

Isinabit ko na ang bag ko sa balikat ko. Sabay kaming lumabas na sa study room.

Maya maya pa ay nasa labas na kami.

"Be safe, guys," sabi ni August at kumaway sa amin bago isinara ang gate.

May dumaan naman na jeep sa harapan namin kaya sumakay na kami rito ni Mark, Lawrence at Kiesha. Ang iba naman ay may sundo na naghihintay sa labas.

Tiningnan ko naman ang cellphone ko.

8:30 pm na. Kaya naman pala walang ng energy ang kasama ko sa group study.

I Want To Tell You The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon