"Infairness best, ang galing mong kumanta kanina," pagpuri ni Mark sa akin.
"Ano kaya ang nangyari 'no? Panget naman ang boses ko, pero sinasabi n'yo na ang galing kong kumanta kanina," takang sabi ko.
Nandito kami ngayon sa cafeteria kumain, dahil lunch time na rin.
"Wala kang tiwala sa sarili mo, best. Kaya na iisip mo na panget ang boses mo. Alam mo best, nakita ko kung paano namangha si August sa boses. Baka sign na 'to, best," kinikilig nito sabi at mahina akong hinampas sa braso.
Nakaramdam na naman ako ng kilig nang sabihin n'ya ito.
"Sign saan?" tanong ko sa kanya.
"Sign na pipiliin ka na n'ya!" napatili naman s'ya ng sabihin iyon.
Napatingin naman ang mga tao na nandito sa cafeteria sa amin. Nag-peace sign naman agad si Mark.
"Ikaw ba si Lhia Veronica?" biglang may nagtanong sa akin at tiningnan ang id ko.
"Oo, ako nga," sagot ko sa tanong n'ya. Bigla namang may panyo na tumakip sa mata ko.
"Bakit n'yo tinatakpan ang mata ko?" tanong ko.
Hindi kaya...
"May naglista kasi sa pangalan n'yo sa booth namin. Kaya kailangan ka namin dalhin doon sa booth namin. Sumunod ka na lang para hindi ka masaktan," sabi nito at inalalayan akong makatayo sa pagkaka-upo.
"Anong klaseng booth?" takang tanong ko. Hindi naman s'ya sumagot.
May humawak sa panyo na nakatakip sa mata ko, para hindi ito matanggal sa pagkakatakip. Inalalayan n'ya rin ako habang naglalakad.
"Nasa likod lang ako, best," narinig kong sabi ni Mark.
Ano naman kayang booth ito?
***
"Nandiyan na ba s'ya?" narinig kong may nagtanong.
"Oo, nandiyan na," sagot nito.
"Good," ani n'ya. "Umupo ka muna, Lhia," sabi nito sa akin. Kaya umupo ako. Tinanggal na rin n'ya ang panyo na nasa mata ko.
Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang nasa paligid ko.
"Wedding booth ba 'to?" tanong ko sa lalaki na katabi ko lang.
"Yup," mabilis nitong sagot.
Hindi kaya si August ang groom ko? Hindi ko mapigilan ngumiti nang malaki, dahil sa na isip ko.
May mga estudyante naman ang lumapit dito. Biglang namang may lumapit sa akin na babae.
"Hawakan mo ito," sabi ng babae sa akin at binigay sa akin ang hindi kalakihan na bouquet. May nilagay naman s'ya sa ulo ko.
Bigla namang umingay ang mga estudyante na nakapaligid sa akin, ng may umupo sa upuan na nasa harapan ko.
Lawrence?
Nakaramdam ako ng disappointment. Akala ko kasi s'ya ang uupo diyan. Kaya pumayag na ako.
Napatigil naman ako ng mahagip ng mga mata ko si August. Mukhang natutuwa naman s'ya sa nakikita n'ya.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Bakit parang ang saya mo pa August, sa tuwing nakikita mo kaming magkasama ni Lawrence?
Tumikhim naman ang lalaking nasa harapan namin. S'ya siguro ang gaganap na pari sa wedding booth na ito.
"Do you take Lhia as your lawful wife to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part, Lawrence?" tanong ng pari kay Lawrence. Bagsak balikat akong tumingin kay Lawrence. Wag kang sumagot ng 'Yes'.
"Yes, I do," nakangiting sagot n'ya. Baliw ka ba?
Madaming tumili at sumigaw, dahil sa kilig ng sabihin ito ni Lawrence.
Napatingin naman ako sa paligid. Wala na si August dito.
"Do you take Lawrence as your lawful husband to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish–––" hindi n'ya matapos ang sasabihin n'ya ng tumayo ako.
"Sorry pero 'NO' ang sagot ko sa tanong na 'yan," inis na sabi ko.
Tinanggal ko na ang bagay na nasa ulo ko, na nilagay sa akin kanina ng babae at nilagay ko rin ang bouquet sa upuan at tumakbo ng mabilis.
Huminto na ako ng nakalayo na ako sa wedding booth. Tumingin tingin ako sa paligid.
Kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan.
Kailangan kong gawin ito ngayon.
***
"Bakit mo ako gustong kausapin, Lhia?" takang tanong nito.
"May sabihin kasi ako sayo, August," kinakabahan kong sabi.
"Mukhang importante yata ang sasabihin mo, ano ba 'yon?" tanong nito.
Inipon ko ang buong lakas ko. Bago ito sabihin sa kanya.
"Gusto kita, August," pag-amin ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mata. Nakahinga rin ako ng maluwag ng sabihin ang tatlong salita na iyon.
Ilang segundo s'yang tumitig sa akin at tumawa.
"Prank ba 'to? Sumali ka ba sa prank booth?" natatawang sabi nito habang hawak ang tiyan n'ya.
"Hindi ako sumali sa prank booth at mas lalong hindi prank ang sinasabi ko." Napatigil naman s'ya sa pagtawa ng sabihin ko 'yon.
"Sa tingin mo ba, maniniwala ako sa sinasabi mo? Two timer ka ba? Matapos si Lawrence, ako naman." Naging seryoso na ang mukha nito habang sinasabi ito.
August.. Gano'n ba talaga ang tingin mo sa akin?
"Kahit kailan hindi ko gusto si Lawrence." Para naman s'yang hindi naniwala sa sinabi ko.
"Di ba sinabi mo sa amin sa classroom, na tinitingnan mo si Lawrence, at nakita ko rin kayong sabay kumain sa Zoey Cafe. Tapos kanina, sumali ka pa sa singing contest, para lang kumanta para sa kanya. Sumali ka rin pala sa wedding booth. Grabe Lhia, kasal na kayo. Bakit nagsisinungali ka pa sa akin?" natatawang sabi nito. Alam kong nagagalit na s'ya.
"Ikaw ang tinitingnan ko 'non, August at hindi si Lawrence. Nagsinungaling ako, para hindi mo malaman na gusto kita. Sa Zoey Cafe naman, si Lawrence ang tumawag sa akin para sabay kaming kumain. Gusto ko sanang tumanggi, pero wala na rin kasing bakanteng table. At sa singing contest naman, ikaw ang tiningnan ko at hindi si Lawrence. Kaya nga naging maganda ang kinalabasan, dahil ikaw ang nasa isip ko habang kumakanta. Si miss Natalie ang nagpa-sali sa akin sa singing contest. Kahit itanong mo pa sa kanya." Bumuntong hininga muna ako dahil kunting kunti na lang talaga ay maiiyak na ako. "Sa wedding booth, akala ko ikaw ang magiging groom ko, kaya hindi na ako umalis sa pagkaka-upo. Ikaw lang ang palaging nasa isip ko, August." Tuluyan nang tumulo ang luha ko ng sabihin ko ito.
"I'm sorry kung mali ang pagkakaintindi ko," panimula n'ya. "Pero may iba na akong gusto, Lhia. Siguro nga, ang manhid ko, dahil hindi ko alam na gusto mo ako. Hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sayo, Lhia," seryosong nitong sabi at tinalikuran ako. Nakatingin lang ako sa likod n'ya, habang naglalakad na s'ya palayo sa akin.
Unti unting na durog ang puso ko. Parang naging ulan na rin ang mga luha ko, nag-uunahan bumuhos.
Bakit ang sakit sakit? Ganito ba talaga ang mararamdaman mo, pagminahal mo nang husto ang isang tao? o sadyang malas lang talaga ako dahil hindi ako mahal ng taong, mahal ko.
Bakit ba kasi ako na in-love sa taong hindi ako mahal?
BINABASA MO ANG
I Want To Tell You The Truth
Novela JuvenilLhia Veronica, ang babaeng patay na patay kay August Lax Salvador. Matagal na n'yang gusto si August pero hindi n'ya ito masabi sa kanya. Dahil natatakot s'ya na, baka hindi rin gano'n ang nararamdam ni August para sa kanya. Kakayanin kaya n'yang sa...