Napayuko ako at pinigilan ang sariling mapaiyak sa kalamigang nakita ko mula sa walang buhay niyang mga mata. Kakaiba sa kaniyang paraan ng pagtingin tuwing tititigan niya ang nakakatandang kapatid ko, punong-puno ng lambot iyon at pagsuyo.
''If you don't stop crying I swear, I'm gonna break this deal and give all my time pursuing your sister instead.'' narinig kong malamig na sambit niya.
Lagi naman ganito tuwing ako ang nasa harap niya. Halos makabisado ko na ang lahat ng sinasabi niya sa daming beses ko iyong narinig. Masakit pero wala akong magagawa, ako ang may gusto nito.
Bumuntong hininga ako at pinigilan ang sariling luha na tumakas mula saking mga mata. Bago ako mag angat ng tingin ay nakita ko ang sigarilyong hawak niya, umuusok at tila bagong sindi palang.
''I'm sorry.'' halos hindi ko alam kung may tinig pa ba yun o wala na dala ng panghihina.
Tumingin lang siya sakin na para bang isa akong nakakairitang bagay. Bago pa man muling mag init ang mata ko ay ngumiti na ako sa kanya bago magpaalam na papasok na. Tinignan niya lang ako bago tumalikod, sumakay sa kotse at dere deretsong umalis.
Tuluyang nag lalagan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung ano ba ang mali sa akin at hindi niya ako magawang mahalin. Napakahirap niyang intindihin. At nakakasawa din palang makuntento sa wala.
''Kailan mo ba'ko mamahalin? Kaonti nalang at mauubos na ako.''
Sumalampak ako ng higa sa kama pagpasok na pagpasok sa kwarto. Gustuhin ko mang kumain ay hindi ko magawa sa kawalan ng gana. Napatitig ako sa litrato namin ng nakakatandang kapatid ko sa bedside table, magkamukha naman kaming dalawa, magkaugali din minsan, anong dahilan at hindi niya ako magawang mahalin?
Napatayo ako mula sa kama ng marinig ko ang boses ni Mommy. Nagmamaldita nanaman at inaaway si Daddy. Dali dali akong nagsuot ng tsinelas bago lumabas para lang masaksihan ang dalawa na naghahalikan, sa hallway! Napapikit ako bago naiiling na pumasok muli sa loob ng kwarto. Ang tatanda na, mahilig padin sa PDA!
Hindi na ako tumuloy sa kama at dumiretso nalang sa banyo. Habang naliligo ay napatitig ako sa kawalan, iniisip kung paano ang sunod kong hakbang para mapaibig siya o kung hahakbang pa ba dahil nakakapagod din pala. Nangiti ako ng malungkot bago naisipang magbanlaw na ng sarili.
Nakatingin ako sa harap ng salamin, walang kahit na anong saplot sa katawan, kinukumpara nanaman ang sarili, minamaliit. Halos araw-araw nalang, nakakasawa din pala.
Napalingon ako sa cellphone ko ng sunod-sunod na tumunog ito, indikasyong marami ang pumasok na notipikasyon. Dali-dali akong nagbihis bago sumampa sa kama at inabot ang cellphone sa bedside table, sa pag aakalang si Isaiah ang biglang tumawag. Ngunit laking dismaya ko ng makitang si Ismael iyon, ang masugid na manliligaw ko noon, na kapatid din ni Isaiah. Sinagot ko ang tawag.
"Hello, Ismael. What is it? Gabi na at al-" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay pinutol niya na ito.
"AC! Akala ko ba ay kayo ng kuya ko? Ano itong nakikita kong nakikipaghalikan siya, gayong ang sinabi mo kanina ay may date kayo! Nag- away ba k-" bago pa man siya matapos sa sasabihin ay sumingit na ako.
"Anong ibig mong sabihin? Nagbibiro ka nanaman ba, Ismael?! Hindi mo pa din ba matanggap na kami na ni Isaiah?! Bakit nanggugul-" and again, he cut me.
"Then take a look at the photo I sent three minutes ago! Alam mong hindi ako nagbibiro ng ganto!"
I hanged up and look for the photo that he sent. That I regret immediately. What Ismael said was true. He was still wearing the same office attire, and there's a girl in his lap, kissing him, holding him and he is holding her also, in inappropriate place.
Nagsinungaling siya kung ganoon? Ang sabi niya ay hindi daw tuloy ang date namin dahil may importanteng meeting siya. Napakaimportante naman. I smile bitterly as my tears started to flow again. Umiiyak ako ng tahimik habang nakatingin sa picture na sinend sa akin. Humihikbi ako ng walang tunog ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Ate sa kwarto ko at nag aalalang tumakbo ng makitang umiiyak ako. And that's when I lost it.
''Ate!'' umiiyak na tawag ko sa kanya bago ko siya sinalubong ng yakap. Para akong batang nawawala. Napakabigat ng pakiramdam ko. Ang sama-sama ng loob ko.
''Hush, AC! What happened? Why are you crying?!'' natatarantang tanong niya habang pahigpit ng pahigpit ang yakap sa'kin. Inaalo ako ng pilit. Nag-aalala.
Hindi niya ako pinilit na magsalita, bagkus ay dinamayan niya ako at pinaramdam na hindi ako nag-iisa. Iniyak ko ang lahat ng kinimkim kong sama ng loob, lahat ng sakit at pighati. Pagkatapos ng mahigit tatlumpung minuto ay unti-unti akong kumalma, pero hindi nabawasan ang bigat na dala.
''Hush AC. You will be okay. Do you want water?'' umiling lang ako habang naluluhang nakatingin sa kanya. ''mind telling to Ate what happened?'' tanong niyang muli. Umiling lang ako bago pinilit ang sarili na magsalita.
''C-can I ask for a favor, Ate? P-pwede bang pilitin mong sumama sa'kin si Isaiah sa Batanes.. kahit isang linggo lang pagkatapos ng Graduation ko? Please.. pagkatapos noon ay hindi na ako mangungulit pa..'' naiiyak kong bulong sa kanya. Naaawa ngunit mapang intindi ang tinging ipinupukol niya sakin. Ngumiti siya bago tumango.
''Ayokong nasasaktan ka, Amelia Cassandra. Ngunit kung dito ka sasaya ay pagbibigyan kita.. but remember that you also have a feelings, AC. Tao ka na napapagod at nagsasawa, na dapat ding nagpapahinga. Tandaan mo iyan.'' nakangiti ngunit malungkot ang kaniyang mga mata.
''Come on.. let me sleep with you. Hayaan mong bawasan ko ang lungkot mo.'' Nakangiti niyang paanyaya sakin. Napakaswerte ko sakanya. At nag iisa lang siya.
Humiga akong katabi siya at nakayakap sa kanya habang iniisip ang nalaman kanina. Hindi ko pwedeng kwestyunin si Isaiah tungkol sa nakita, dahil baka magalit pa siya. Hindi na muling lumuha ang mata ko. Dahil sa pagod ay nakatulog akong iniisip ang isang linggong makakasama siya. Kung talagang hindi niya ako kayang mahalin ay okay na.. susuko na ako.
Because after all, I am just a human, who can't always be contented in a small gram of Euphoria.
2021Nocturnalqueeen
YOU ARE READING
GRAM OF EUPHORIA
RomanceDARLING SERIES NO. 1 Would you let him sniff your neck to lessen his cruelty? Amelia Cassandra Rivera, at the age of seventeen, thought that she already found her soulmate. She fell in love at first sight with the man that almost the same age as he...