Kid
Katatapos ko lang maglinis ng katawan ng makarinig ako ng ugong ng sasakyan mula sa labas. Nagmadali akong magbihis ng mapagsino ang may ari ng sasakyang huminto sa tapat ng kabahayan. Mabilis kong inayos ang sarili at dali daling lumabas ng kwarto upang salubungin ang Ate kong kadarating lang. Wala pa man ako sa hagdan ay nakita ko na siyang paakyat, bahagya ko pang nasilip sila Kuya na ganoon pa rin ang pwesto at may alak pa ring hawak.
Hindi na'ko bumaba ng hagdanan bagkus ay hinintay ko na siyang makarating sa itaas. Nahihiya pa rin akong humarap kila Kuya dahil sa reaksyong aking ipinakita kanina. Sa palagay ko nga ay hindi ako makakasabay kumain sa hapag, kami ni Ate.
Sinalubong ko ng halik sa pisngi ang aking nakatatandang kapatid ng huminto ito sa pwesto ko, malayo ng kaunti sa hagdan. Bakas ang pagod sa kaniyang mukha ngunit hindi noon nabawasan ang gandang taglay niya. Ngumiti naman siya ng bahagya sa'kin bago nagsalita.
"How's your day, AC?.." malamyos ang tinig niyang tanong.
Napakahinhin talaga ng boses niya. Hindi katulad namin ni Mommy na akala'y moy nagpapalakasan kapag nagsimula ng magsalita. Kay Grandma D kasi nagmana, mother ni Daddy. Parehas silang mahinhin, kung baga'y prim and proper.
Hindi pa man ako sumasagot ay nagsalitang muli siya.
"Can you wait for me in your room? I just have to do something.. I promise, it will be quick.." may pagsuyo sa kaniyang boses, hindi ko tuloy magawang tanggihan.
Tumango lang ako at tinignan siyang maglakad palayo. Para bang lugong lugo siya at.. malungkot. Nagsimula na akong maglakad patungo sa'king kwarto ng makita siyang pumasok na din sa kaniya, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin bago isarado ang pinto, gayong katabi siya ng kwarto ni Kuya, na katapat lang ng sa'kin.
Nakakapagtaka. She wasn't like that. Does she have a problem? Usually kasi ay aayain niya ako sa kaniyang kwarto upang doon kami makapagkwentuhan. Sasabihan niya pa akong maghintay roon sa kaniyang kama habang naliligo siya. This is the first time she did something like that. There must be a problem.. or am I just overthinking?
Umiling iling ako bago bahagyang sumilip sa kaniyang pintong nakasarado. Pumasok na ako sa aking kwarto na may isipin dala ng inasal ni Ate kanina. Umupo ako sa upuang naroon sa tapat ng aking study table, hindi parin matigil sa pag iisip ng rason kung bakit ganoon siya. Wala naman siyang dalaw dahil sabay kaming dinaratnan. Does she have a problem in school? Pwede iyon lalo na't graduating siya ng college.
Kinumbinsi ko nalang ang sarili ko na baka ganoon nga, graduating kaya't problemado. Itinigil ko na ang pag iisip ukol doon at binalak nalang na tanungin siya mamaya kung may problema.
Habang hinihintay siya ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin, assignments at pinag aralan ang mga projects na gagawin. Nalibang ako at halos makalimutan na ang oras kung hindi lang kumalam ang sikmura ko. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas otso na ng gabi, halos dalawang oras akong nag aaral! Naningkit ang mga mata ko at tumayo na upang iligpit ang mga gamit ko. Pagtapos maglipit ay lumabas ako ng kwarto upang katukin at sunduin si Ate, na nakakapagtakang hindi sumipot sa'ming balak na kwentuhan.
Pagkarating sa harap ng kaniyang kwarto ay makailang beses akong kumatok, ngunit walang sumasagot. Dahil sa pag aalala ay pinihit ko na ang seradula na maswerteng hindi nakakandado. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin si Ate na payapang natutulog sa kaniyang kama habang suot pa rin ang kaniyang uniporme, ni hindi nakapagtanggal ng sapatos, dala siguro ng sobrang pagod.
YOU ARE READING
GRAM OF EUPHORIA
RomanceDARLING SERIES NO. 1 Would you let him sniff your neck to lessen his cruelty? Amelia Cassandra Rivera, at the age of seventeen, thought that she already found her soulmate. She fell in love at first sight with the man that almost the same age as he...