Crush
Nagkakasiyahan at nag-iinumang kalalakihan ang naabutan ko sa lanai ng aming mansiyon pagkauwing- pagkauwi ko. Hinanap agad ng aking mata ang may pakana at nakita ang Kuya kong seryosong nakikipag-usap sa lalakeng nakatalikod sa gawi ko. Dali-dali akong nagpunta sa gawi niya ng maramdaman ang pagtigil ng kalalakihang nagkakasiyahan dahil sa presensya ko. Nakayuko akong naglakad takbo dala ng kahihiyan.
"Kuya.." mahinang tawag ko ng makarating ako sa kaniyang harapan. Narinig ko siyang nagpaalam muna sa kausap bago ako harapin.
"Why are you this late, AC? Ano ba ang sinabi ko bago ka umalis kanina?" nahimigan ko ang iritasyon sa boses ni Kuya sa kabila ng kalamigan nito.
"Maraming projects sa school, Kuya Aiszon. Alam mo namang ilang buwan na lang at graduation ko na.." mahina ang tinig na sabi ko.
Nakita ko ang pagdududa sa kanyang mga mata. Ngunit nawala din ito kalaunan nang mapagtantong nagsasabi ako ng totoo. Kaagad niya akong niyakap at hinalikan sa noo, bago ako sinabihang magpahinga na at ipapatawag na lang mamaya. Itatanong ko pa sana kung ano ang meron at madaming tao ngunit ipinagsawalang kibo ko na lamang. Nakakapanibago lang kasi, masyadong tahimik ang mansyon namin at madalang ang bisita kaya't nagtataka ako.
Bago ako pumasok ng kwarto ay sinilip ko muna ang kwarto ni Ate Aliyah, sunod siya kay Kuya at ako ang bunso. Gawain ko nang silipin siya sa kwarto upang magkwento kung ano ang nangyari sa araw ko. Nakakatuwa dahil hindi siya nagsasawang makinig sa mga kwento ko kahit halos paulit-ulit nalang. Hindi katulad nila Mommy't Daddy na sinusukuan ang pagiging madaldal ko.
Dahan-dahan ang pagbukas ko ng pinto upang sana sorpresahin siya, ngunit ako yata ang tila nasorpresa ng mapag-alamang wala siya. Nakakapagtaka. Ate doesn't like going out on the evening. She just always wants to lay on her bed while reading medical books.
Naglakad ako patungong banyo sa kanyang kwarto ngunit wala rin siya roon. I pulled out my phone from my pocket and tried calling her but eventually stop when I saw her phone on her bedside table.
Dali-dali akong nagpunta sa kwarto upang makapagpalit ng pambahay. Pagkatapos ay bumaba na ako at doon siya hinanap. Nagtanong ako sa kasambahay na dumaan at nalamang naroon lamang pala siya sa kusina, masayang nakikipag-usap sa lalaking siya ring kausap ng Kuya kanina.
Mabilis akong nagtungo sa kanyang tabi at yumakap. Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik at pag alalay ng kamuntik na kaming mawalan ng balanse dahil sa gaslaw ko. Napatawa ako ng mapatampal siya sa kanyang noo. Natawa din siya bago nilingon ang lalaking kanina ay kausap niya.
Napalingon din ako doon at nasapo ang banyagang mata noon. Napaawang ang labi ng makita kung gaano kagwapo iyon! Siguro'y may lahi dahil sa abuhing mga mata at talaga namang nagmamalaking ilong. Halos manlumo ako ng makitang hanggang dibdib niya lang ako, ni hindi man lang umabot ang 5'7 kong height sa balikat niya!
Napatagal nga siguro ang pagtitig ko dahil bahagyang tumikhim ito at muling bumaling sa Ate ko. Napapahiyang nag iwas ako ng tingin ngunit talaga yatang may kung anong magnet ang nagpapabalik ng tingin ko sa kanya. Narinig ko ang pag ubo ng bahagya ni Ate sa likod ko kaya't napabaling ako sa kanya. Pinandilatan niya ako ng pabiro bago muling bumaling sa lalake.
"Isaiah, she's my baby sister, AC. AC, si Isaiah, kaibigan namin ni Kuya sa States, kababalik lang niya mula America, and Kuya decided to throw a party for him. Anyway, you can call him Kuya Isaiah since nakakaintindi naman siya ng tagalog.. Hey? Are you alright, AC?" nabalik ako sa reyalidad mula sa pagtitig kay Kuya Isaiah ng marinig ang tanong ni Ate.
"Ah yes, yes.. I'm sorry.. I was just, just.. Nevermind. Anyway, welcome to our house, Kuya Isaiah.. Feel at home..po." mahina ang pagkakasabi ko, dala ng kahihiyan.
"Thanks, AC." was all he replied bago muling bumaling sa Ate ko. "Aiszon texted me, he's looking for me so.. Excuse me.. I'll get going. See you later, Aliyah.. AC." tinanguan niya lang ako bago nag iwan ng isang maliit na ngiti sa Ate ko.
Nakita kong may kung anong emosyon sa kanyang abuhing mata tuwing titingin sa Ate ko. Para bang may pag aalala.. pananabik o malalim na pagtingin. Ngunit hindi ko na pinansin iyon bagkus ay muli kong binalingan si Ate at itinanong kung paano nilang naging kaibigan ang lalake.
Nalaman kong kalapit bahay lang pala namin sa States iyon at naging kalaro nila ni Kuya tuwing magbabakasyon kami. Habang nagkekwento si Ate ng tungkol sa kanila noon ay hindi ko maiwasang mapangiti. Nakakatuwa ang kanilang pagkakaibigan, hindi ko tuloy maiwasang manghinayang. Kung naglalalabas sana ako doon ay baka nakilala ko din siya. Baka naging close din kami.
Maraming beses na akong nakakita ng gwapo, ngunit wala yatang tatalo sa karisma noon. May kung ano siyang ipinaramdam sa'kin mula ng makita ko siya. Parang isang mahika.. napaka misteryoso.
Sinuway ko ang sarili at inisip na siguro'y naninibago lang ako kaya't nakakaramdam ako ng ganto.
Sabay kaming naghapunan ni Ate bago naisipang umakyat patungong kwarto niya. Doon ikwinento ko ang nangyari sa buong araw ko. Tahimik na nakikinig at minsa'y nakikitawa siya sa mga biro ko. Isinama kong ikwento ang kung anong naramdaman ko kay Kuya Isaiah. Ang sabi niya masyado pa akong bata, hindi ko maiiintindihan iyon.
Malalim na ang gabi ng lumabas ako ng kwarto ni Ate. Dinig ko padin ang kasiyahan sa baba. Ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at tumungo na papunta sa'king kwarto. Naglinis muli ako ng katawan bago humiga sa kama.
Akala ko'y makakatulog na ako dala ng pagod sa maghapon kong ginawa ngunit laking dismaya ko ng manatili akong gising hanggang alas dose ng gabi. Iniisip ko ang kakaibang naramdaman ko ng makita ko ang lalake laman ng isip ko mula kanina. Kung anong kulisap ang tila naglalaro sa'king tiyan tuwing naiisip siya, dahilan kaya hindi ako madapuan ng antok.
Posible kayang crush to? Pero bata pa daw ako sabi ni Ate. Bata pa ba ang magdidisisyete?..
Naiinis na umalis ako ng kama upang mag timpla ng gatas, iniisip na makatulong ito upang dapuan ako ng antok. Pababa ako ng hagdan ay rinig na rinig pa rin ang ingay sa labas. Hindi ko na pinansin iyon at dumiretso nalang sa kusina.
Pagtapos uminom ng gatas ay papanhik na sana ako ng makasalubong si Kuya Isaiah. Napatitig muli ako sa kanyang mukha, nakatingin din naman siya sa'kin kung kaya't nalibang ako, at hindi inaasahan ang muntikang pagkangudngod. Mabuti nalang at mabilis siya kaya't hindi ako tuluyang nadapa.
Napapikit ako at napahawak sa kanyang braso na umalalay sa'kin. Napadilat ako at muling napatingin sa kanyang nakakalunod na abuhing mata.
"Are you okay?.." nabalik lang ako sa reyalidad ng marinig ang malamig na boses niya.
Nakakahiya! Nahuli nanaman akong nakatitig sa kanya! Napatakip ako ng mukha at nahihiyang umalis mula sa pagkakahawak niya. Tila natauhan din naman siya at mabilis na lumayo sa akin.
"Ah yes, yes.. I'm sorry. I'm.. I mean, I will get going now. Sorry.." dali dali akong umalis doon at tumakbo papuntang kwarto.
Pagkarating doon ay agad akong dumiretso sa banyo upang maghilamos. Sa palagay ko'y nag-iinit ang aking mukha sa pinaghalong hiya at.. at. Ano ba? How many times do you have to embarassed yourself in front of him huh, Amelia Cassandra!
Omygad! Napatili ako ng maisip ang isa pang dahilan ng pagpula ng mukha ko. Kinikilig ako!
Confirm! Crush ko nga siya!
112021Nocturnalqueeen
YOU ARE READING
GRAM OF EUPHORIA
RomanceDARLING SERIES NO. 1 Would you let him sniff your neck to lessen his cruelty? Amelia Cassandra Rivera, at the age of seventeen, thought that she already found her soulmate. She fell in love at first sight with the man that almost the same age as he...