KABANATA 4

1 1 0
                                    

Keep that in mind




I slept that night with a grim on my face. Paggising ko tuloy ay matindi ang pagkakabusangot ng aking mukha. Kumain ako ng tahimik at walang kinibo kahit isa. Bumati lang ako sa aking magulang noong paalis na'ko.



Pumasok ako sa eskwelahang hindi natatanggal ang simangot. Lahat ay ilag bumati sa akin, naiilang. Hindi ko nalang inintindi iyon at nagtuloy-tuloy ang lakad ng parang wala sa sarili. Lutang.



Did he really mean what he said last night? Do I really look like a kid to him? Or did he notice my actions thats why he said that..



Mabagal ang aking paglalakad habang nag-iisip. Tuloy ay hindi ko napansin si Ismael na nagjojogging papalapit sa kinaroroonan ko, tinatawag ako. Nagulat pa ako noong huminto ito sa aking harapan, bahagyang nakakunot ang noo. Doon lamang ako nagising mula sa malalim na pag iisip.



"Are you alright, AC?" aniya, may bahid ng pag-aalala ang tinig.



Tumango ako, bahagyang lutang parin. Noong nahimasmasan mula sa malalim na pag-iisip ay nagsalita na'ko.



"..Yes. Sorry, Ismael. Anyway, what is it? May sasabihin ka ba?"



Napakamot ito sa kaniyang batok at bahagyang namula ang pisngi, animo'y nahihiya. Nagsalita ito gamit ang kaniyang malamig na tinig ngunit naroroon ang lambing.



"About yesterday.. Have you decided already? It's okay if you won't come with me.. I'll understand.." mabagal na ani nito, tila ba nananantiya.



Napag-isipan ko na ang tungkol sa bagay na iyon, kahapon pa noong lulan pa lamang ako ng sasakyan pauwi. Napag desisyonan kong samahan si Ismael; hindi para magbigay pag-asa, kung hindi para ipaalam sa kaniya na may tinatangi na ako at hindi siya iyon. Para narin itigil na niya itong mga ginagawa niya.



"Uh yeah.. about that. Pumapayag ako, Ismael. Ngunit sana lamang ay intindihin mo rin ako sa kung ano mang ipagtatapat ko sa'yo.. bukas ng gabi.." napangiti naman ito sa sinabi ko, halatang hindi na pinagtuonan pa ng pansin ang mga huling winika ko.




"Thank you, AC. I swear, it will be fun! Kung hindi ka komportableng mag-isa lamang doon ay pe-pwede mong isama si Alirah, o kung sino mang gustuhin mong isama.." nakangiti nitong usal, masayang masaya. "Ihatid na kita.." kapagkuwa'y dugtong nito.




Tumango na lamang ako bago nagsimula muling maglakad. Tahimik lang kaming naglalakad. Walang nagsasalita sa'min. Wari baga'y hatid lamang, wala ng iba pa.



Pagkarating sa harap ng classroom ay nagpaalam rin agad si Ismael. Nalalapit na rin kasi ang kanilang laban kaya't paspasan ang kanilang pag e-ensayo.



Umupo na ako sa upuang nakalaan para sa'kin. At dahil hindi pa man nagsisimula ang klase ay nagmuni-muni muna ako. Iniisip ko pa rin ang sinabi sa'kin ni Kuya Isaiah kagabi. I don't really know if he knew something or he's just like that.. malamig ngunit mapagmatyag. May kakaiba sa kaniyang awra na talaga namang panlalamigan ka.. at matatakot.




Naroroon ang takot sa kaibuturan ng aking puso, ngunit nananaig ang kagustuhan kong aminin sa kaniya ang nararamdaman ko. Alam kong maaga pa para sabihing mahal ko na siya.. kakaunti pa lang ang aming interaksiyon para sabihing may gusto na ako sa kaniya.. ngunit tila mahirap yatang pigilan ang pusong tumibok para sa taong tinatangi nito. But I think that's okay.. he looks harmless.




Nagising ako sa'king imahinasyon noong tumunog ang bell, tanda ng pagsisimula ng klase. Sakto namang pumasok si Ma'am Casabal, kasunod si Alirah. Nagtama ang paningin naming dalawa ng kaibigan ko, nagkangitian kaming dalawa bago ito lumapit sa kaniyang silya, isang row mula sa'kin.



GRAM OF EUPHORIA  Where stories live. Discover now