KABANATA 5

1 0 0
                                    

Tipsy




Maaga akong nagising kinabukasan kaya't nagkaroon ako ng tiyansang magpaalam sa mga magulang ko bago sila tumulak paalis. Pinayagan naman ako lalo't sinabi kong kasama si Alirah; na nakilala nila dahil sa madalas na pagpunta upang dumalaw. Sinabihan lang ako ni Mommy na umuwi bago mag alas-syete ng gabi. Pabor naman iyon sa oras ng event na alas tres ng hapon magsisimula.



Muli akong bumalik sa pagtulog noong natapos kong sagutan lahat ng assignments ko, bandang alas diyes ng umaga. Nagising ako noong mag a-alas dos na nang hapon. Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili. Kumakalam ang sikmura ko dahil hindi ako nakapag tanghalian kaya't lalo kong minadali ang pagkilos upang makakain kahit kaunti lamang.



Pagbaba ko ay naabutan ko si Alirah na nakaupo sa sofa habang nakabusangot ang mukha. Napatingin naman ito sa'kin at pinagtaasan ako ng kilay bago nagsalita.



"Mabuti at bumaba ka pa, Amelia." sarkastikong sabi nito. Napakamot naman ako sa'king batok bago pilit na tumawa.



"Sorry, nakatulog ako. Hindi ko namalayan ang oras." Tumaas ang dalawang kilay nito at magsasalita pa sana noong iniba ko na ang usapan.



"You look extra beautiful today, Alirah. Sabihin mo sa'kin, may sinagot ka na ba sa mga manliligaw mo?" nanunuksong tanong ko. Magaling talaga 'kong magligaw ng usapan. Haha.




Pinamulahan naman ito ngunit pansin kong tila naging balisa ang mga mata nito, parang may kung anong hinahanap. Naningkit naman ang mga mata ko habang pinapanood siyang iikot-ikot ang mata. Maya-maya'y naging kalmante ito at tila nakahinga ng maluwag, nagtaka naman ako.



"May hinahanap ka ba? Bakit parang balisa ka?" kunot noo kong tanong. Bumuntong hininga ito bago sumagot.



"Wala. It's just that, feeling ko kanina pang may nakatingin sa'kin.." ani nito. Muli nitong nilibot ng tingin ang buong sala kaya't gumaya ako rito. Wala naman akong nakitang ibang tao bukod sa'ming dalawa. "..halika na nga, baka nagkamali lang ako. Siguro'y gutom lang 'to, napakatagal mo kasi." dugtong nito. Napailing-iling nalang ako bago ito inayang lumabas na.



Nagpahatid lang kami sa driver ko papunta sa bahay nila Ismael, nakalagay sa waze ang address nito. Mahigit bente minutos ang ibinyahe namin paroon. Iginugol namin ni Alirah ang oras na iyon upang mag-ayos ng sarili. Nag lipstick lang ako na mapusiyaw na kulay pula at kaunting polbo; inayos ko rin ang pagkakapusod ng aking buhok.




Bumaba agad kami noong makarating kami sa harap ng bahay nila Ismael, sinabihan ko ang driver na itetext nalang kapag magpapasundo na. Napatingin pa 'ko kay Alirah noong bahagya itong yumuko, inaayos pala ang heels na suot. Katulad ko ay mapusiyaw lang rin ang lipstick na ginamit nito at kaonting polbo. Nung umayos ito ng tayo ay napatindig na rin ako ng ayos.




Tinignan ko ang gate nila Ismael, bahagyang bukas iyon at nagsisipasukan ang ilang mga bisita na sa pagkakatanda ko'y schoolmates rin namin. Naglakad na kami patungo roon at bago pa man makarating sa gate ay nakita ko ng sumungaw ang ulo ni Ismael, mukhang may hinihintay. Nagtama ang mga mata namin at kita ko ang pagngiti nito, lumabas pa ang dimples. Sinalubong kami nito ng ngiti at iginiya papasok ng kanilang gate.



"Thank you for coming, Alirah and AC. I hope you'll have a great time here. Anyway, tamang-tama ang dating ninyo, paparating na si Kuya." salita nito habang iginigiya kami sa mga lamesang nakakalat sa bakuran nila.




Malaki ang bahay nila Ismael, siguro'y mansiyon iyong matatawag dahil sa laki at ganda. Malawak rin ang kanilang bakuran, napakalayo ng agwat ng gate at ng mismong mansiyon.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GRAM OF EUPHORIA  Where stories live. Discover now