KABANATA 2

2 1 0
                                    

Age doesn't matter

Kinabukasan ay maganda ang gising ko. Kahit kulang sa tulog ay hindi noon nahadlangan ang ganda ng ngiti ko. Binati ko ang lahat ng nakasalubong kong kasambahay ng malaki ang ngiti. Ang iba'y nagtataka pa dahil sa napakasiglang pagbati ko. I had never experience this kind of energy until now. I didn't know that having a crush on someone can make you feel this good, until last night.


"Good morning, Mommy, Daddy!" masiglang bati ko sa mga magulang kong kasalukuyang nakaupo sa hapag at pasensyosong naghihintay sa akin.


Tinignan nila ako na para bang nababaliw na ako bago ako binati ni Daddy. Lumapit ako sa kanilang pareho upang humalik sa pisingi bago ako pumwesto sa upuang nakalaan para sa'kin. Si Mommy naman ay hindi pa din natitinag sa nagtatakang tinging ipinupukol sa'kin. Nakita ko siyang bumaling kay Daddy at bumulong bago nagtanong sa'kin.


"What's with you today, Anak? Are you okay? May masakit ba sayo? Gusto mo bang huwag nalang pumasok?" sunod sunod niyang tanong.


Gusto kong sumimangot ngunit hindi ko magawa dahil sa napakagandang pakiramdam na naroroon pa rin sa'kin. Imbes na gawin ay tinawanan ko lang siya bago ako umiling iling, nananatiling nakangiti pa din. Nakita ko kung paanong nabahiran ng panic ang kanyang mga mata, na hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin. Nagsandok ako ng pagkain at nagsimulang kumain, binabalewala ang nagtatanong nilang tingin.


Hindi na yata pa nakatiis si Mommy at talaga namang tumayo pa at mabilis akong dinaluhan sa aking kinauupuan. Sinalat niya ang noo ko at leeg, inaalis ang pokus ko sa pagkain. Kahit kailan talaga ay napaka OA.


"Wala ka namang sakit. Anong mayroon at napakaganda ata ng umaga mo, Amelia Cassandra?" nagdududa ang kaniyang tingin na ipinupukol sa akin. Humalukipkip pa talaga sa aking gilid!


"Mommy, wala akong sakit. Omygad! What's wrong with you two?" nagsisimula ng bumangon ang iritasyon ko ng makitang pati ang Daddy ay nakatingin ng seryoso sa'kin.


Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong tumaas ang kilay ni Mommy.


"Really? Then why aren't you throwing tantrums like you always do? Naipipinta pa ang muka mo, gayong araw-araw ay para kang pinagsakluban ng langit at lupa tuwing umaga?" nanalas ang tingin ni Mommy bago ako tinanong na nakapagpapula ng aking pisngi.


"Are you somehow.. inspired, Anak? May sinagot ka na ba sa mga nanliligaw sa'yo?" lagot at napatayo pa si Daddy! Si Mommy talaga ay napakalawak ng imahinasyon!


"Look, Mom.. Dad. I don't have any boyfriend or someone, alright? And please, are you not happy that I didn't throw tantrums early in the morning? Omygad!" muntik pa kong mapasigaw sa inis.


Nakita kong nagkatinginan silang dalawa bago parehas na bumaling sa'kin. Naunang nagsalita si daddy at mabilis na humingi ng paumanhin. Si Mommy naman ay may pagdududa pa rin sa mga mata ngunit hindi na nagkomento pa. Huminga ako ng malalim upang sana ay mabawasan ang iritasyong bumangon mula sa kaloob-looban ko. Makalipas ang ilang sandali ay muli akong nagsalita, ngayon ay nakangiti nang muli.


"I'm sorry a while ago.. I almost yell at the both of you.. Anyway, masanay na kayo sa gantong mood ko. Araw-araw na ito." ngumisi ako bago mabilis na tumayo at humalik sa kanila.


Binilisan ko ang lakad ng marinig ang tanong ni Mommy na bakit. Kinuha ko ang bag ko na nasa sofa bago ako lumabas at inaya ang aming driver upang humayo na.


Bawal pa akong magdrive katulad ni ate, sabay sana kami ngayon kaso ay maaga ang pasok non. Si kuya naman natutulog pa.




Pagkarating ng eskwelahan ay agad akong sinalubong ni Ismael, manliligaw ko 'daw' kahit hindi naman ako pumapayag magpaligaw. Nakahanda na agad ang kanyang ngiti habang papalapit sa kotseng kinalalagyan ko. Bago bumaba ay nagpasalamat ako sa driver at sinabing itetext na lamang siya kapag magpapasundo na. Iiwas na sana ako at liliko ngunit mas mabilis si Ismael, nasa harapan ko na agad at amoy na amoy ko pa ang mamahalin niyang Lacoste.


GRAM OF EUPHORIA  Where stories live. Discover now