Aya's POV
Katatapos lang rin ng Finals namin. Buong linggo yun! Haay, nakaka-stress. Atleast, malapit na yung graduation diba! Andun yung excitement pero yung kaba syempre.. Isang linggo na yung nakalipas nung naging si Chad at Danica. Maraming pagbabago.. napakarami. Kahit masakit sakin na kahit isang text man lang sakanya tulad ng ginagawa nya sakin dati. Kahit na samahan man lang nya ako dun sa nagtitinda ng fishball tapos sabay kaming kumain.. okay na sakin yun eh. Kaso wala.. wala syang oras para sakin.
Hindi ko alam kung bakit si Danica yung sinisi ko, pero alam kong wala naman syang kasalanan dito. Siguro yung pagiging bestfriends nga namin may hangganan.. siguro, ata ewan..
Nakahiga parin ako sa kama ngayon nagmumuni-muni.. tapos may biglang kumatok. "Mam! Telephone po.. si Chad ata" biglang bulis yung tibok ng puso ko. Tugs tugs tugs..
Binuksan ko yung pinato, tapos inabot sakin ni Ate Riz yung phone. "Hello.. Chad?"
"Alam mo agad ha.. haha." Siyempre sino ba naman hindi makakaalam ng boses nya.. for almost 16 years ko ng naririnig to makakalimutan ko ba..
"Napatawag ka?"
"Gusto ko sana mag-lunch tayo mamaya kasama si Danica.. alam mo na hehe"
"Ahhh ganun ba, sige try ko. Text ka nalang kung tuloy." Pupunta ba ako o hindi? Matagal ko na ring di nakakausap si Chad ng personal. Namimiss ko na sya. Kaya para sakanya.. sige. "Okay bye. See you laterr pakner!" in-end ko na yung call. Naglakad ako papuntang wardrobe room ko.. Hindi ko alam kung ano isusuot ko mamaya.
Dress? Baka masyado naman pormal. Tshirt? Baka naman magmukha akong ewan dun!
Polo kaya tapos Jeans? Waaaah! Okay na yun. Sanay naman si Chad nakikita akong nakapamba-pambahay lang.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
11:23. Nagpahatid na ako kay Manong dun sa usapan naming resto na kakainan. After 25 minutes ata nakarating na kami. Wala kasing traffic tsaka medyo malapit lang naman pala tong resto na 'to. May katabing coffee shop sa gilid. Tapos may tiangge dun sa bandang left side.
"Mukhang napaaga ata ako. . ." sabi ko sa sarili ko pero maya maya lang nakita ko na yung kotse nila Chad. Nagpark sila sa harap ko. Binuksan ni Chad yung pinto nya tapos nag-wink sakin. Tapos pumunta sa kabilang pinto.. bubuksan yung pinto para kay Danica.
Ginawa nya rin sakin to dati, he's a super duper gentleman. Isn't he?! Bumaba na si Danica, naka-dress tapos naka-wedge sya. WHAT THEEEEE?! Tapos ako dito.. Polo and jeans dagdagan mo pa ng sneakers!
"Hi Aya!" nagsmile ako sakanya. Pero diba nung siningitan nya kami hindi man lang nya ako binati halos parang di nya ako kilala nun o hindi nya ako kinilala nun eh.
"Ano tara na?" aya ni Chad, pumasok na kami sa loob ng resto. Chinese resto na may pagka-classic ang dating. Sossy! "Aya... Danica, gusto ko lang maging close kayo. I mean, importante kayong dalawa sakin. Kaya sana.. alam nyo yun." nakatingin lang ako kay Chad..and using my peripheral vision kitang kita ko yung pag-smirk ni Danica sakin and then she rolled her eyes.
Bakit?! WAAAAAAH! Para ka Chad, makikisama ako sakanya. Kahit ngayon lang.. kahit ngayon lang. Tiis ganda..
Umorder na si Chad, tapos dumating narin yung pagkain in 10 minutes. Wala masyadong nagsaslita, medyo awkward situation. Pero maya maya..
"Chad.... kainin mo to. Masarap 'to!" Sinusubo ni Danica yung prawns kay Chad. Di lang sumasagot si Chad, nakatingin sya sakin..
"Uh oh.. Danica! May allergy dyan si Chad." binaba ni Danica yung kamay nya sabay sabing "Ganon.."
Nagnod lang ako sakanya pati si Chad. ting ting ting. Ganyan kaingay yung utensils ni Danica after nung sabi ko sakanya. Naiinis sya kasi napahiya sya o ano? Anong problema nya?
"Chad I think I have to go... may pinapagawa pa kasi sakin si Mommy eh. Danica, una na ko." tumayo na ako sa kinauupuan ko. Tapos si Danica nag nod lang pero di sya nakatingin sakin. Kumakain parin sya.
"Ah aga mo naman.. sige next time ha. Thanks Pakner!"
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Di ko nakayanan. Pinabayaan ko ng solohin nila yung oras nila. Alam kong nakakagulo lang naman ako kung mag-sstay pa ako diba. Tutal sila naman talaga yung lovers.. at ako.. isang dakilang KAIBIGAN lamang.
Hindi ko alam kung saan lulugar sa ganitong sitwasyon. Nasanay na akong si Chad lagi kong kasama sa bawat espesyal na nangyayari sa buhay ko.. kahit nga hindi espesyal eh.
Well.. chineck ko nalang yung facebook ko. Online si Sam! SAKTO!
Aya Santos: Sam Hipolito buti online ka =D
Sam Hipolito: Wala kaya magwa! Bket may ssbhin kb?
Aya Santos: Naglunch kami ni Chad kasama gf niya!
Sam Hipolito: Talaga? ano ngyri? =)
Aya Santos: nabadtrip ata yung gf nya sakin eh =/
Sam Hipolito: Oh bkit??
Aya Santos: Pinagpipilitan nya kasi kainin ni chad yung prawns..
Sam Hipolito: may allergy si chad dun db?!
Aya Santos: Kaya nga yun yung sinasabi ko e. pagkasabi ko nun.. dindabog nya na yung utensils.
Sam Hipolito: Ay baliw, bka naman napahiya kc siya!
Aya Santos: Oo nga e. bayaan mo na =)
Di narin naman nagreply si Sam dun. Kaya nag-stroll stroll nalang ako sa 9gag! Hahahahahahahaha. Ang saya ko pag nakikita ko posts dito kahit minsan ang sarap pagahahmpasin.
___________________________________
Super unproductive ko ngayong araw na to. Pero okay lang kahit saglit lang nakausap at nakasama ko si Pakner! Kahit saglit lang narinig ko yung boses nya... kahit dati sawang sawa ako sa boses nya. Ngayon parang ang hirap na marining ulit yun.
Parang ang laki laki na ng gap between us. Kasing laki na ata ng Antartica. Haaaaaay!
BAKIT BA KASI GANITO KAKUMPLIKADO YUNG LAHAT? PWEDE NAMANG KAIBIGAN NYA AKO KAHIT MAY GIRLFRIEND SYA DIBA?! Pero bakit ha Aya.. hindi mo ba naiisip nagiging selfish ka. Woooh! Ang gulo. Hindi ko mafeel ang dapat kong mafeel. Tinatamad na ako lumabas ng kwarto. Nagshower na ko maya maya 7pm na, bigla na akong dinalaw ng antok. Okay..
BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend ko pa?!
Teen Fiction"In love ka sa bestfriend mo, pero di masabi-sabi ang totoo Nabibitin, sayang ang friendship Paano na ang feelings mo na di mo kayang ilabas"