Tuesday
Normal na araw lang naman.. Pero ipapakilala nga pala ni Chad si Danica ba yun. Pero recess na di ko pa sya nakikita. Si Sam lang kasama ko buong break, pati pagakyat ng room sya rin kasama ko.
"Bat ang tahimik mo ata ngayon ha? May problema ka ba Aya?"
"Ha? Ano? Ako? W.. a.. la.. naman."
"Sure ba yang WALA NAMAN na yan?"
"Oo naman. Ay oo nga pala, ipapakilala ni Chad satin si Danica ngayon pero bat hindi parin natin sya nakikita."
"Baka absent yung ungas na yun!" Oo nga naman baka absent si Chad.
Last period na namin to, hindi ko pa sya nakikitang dumadaan sa hallway. Bakit? Wala naman akong load ngayon para itext sya. Haaay.
"Okay. Class dimissed. Wag nyo kalimutan yung reminders ko class"
Yeeeeheey! Ang saya marining nung mga linyang yun. Diretso na kami ni Sam bumaba.. maya maya nag ring yung phone ko.
Nagflash sa screen. .
CALL FROM PAKNER
___________________________
"Chad? Absent ka ba? Bat di kita nakita?"
"Hindi hindi! Wait, punta ka ngayon sa garden okay?" ang saya saya ng boses nya. Feel ko.
"Ahhh uh.. Si Sam kasama ko."
"Ok okay basta pumunta kayo."
___________________________
Akala ko absent sya, nawala rin sa isip ko na ipapakilala nya na yung babae na liligawan nya. Kaya sinabi ko na agad kay Sam na pupunta kami sa garden ngayon. Well, gusto rin naman makita ni Sam yung babae.
Pagdating namin sa garden. Nakatalikod yung babaeng kausap ni Chad, mahaba yung buhok, morena, matangkad at sexy. Siguro sya na yung sinasabi ni Chad na Danica na nililigawan nya.
"Sam, sya na siguro yun noh?"
"Yang babae?"
"Hindi Sam, yung halaman.. Malamang yung babae!" kainis tong si Sam, nakita na yung tinutukoy ko. Magtatanong pa. Gandang banat.
Paglapit namin kay Chad, nagsmile agad sya. Tapos humarap yung babae.
"Guys, si Danica. Gusto ko lang ipakilala. Nililigawan ko." nakatitig lang si Chad sakanya, ngayon ko lang nakita si Chad na halos pati mata nya nakangiti.
"Wow, hello. Ako si Sam. Nice to meet you Danica!" inabot nya yung kamay nya tapos nakipag-shake hands. "Nice to meet you too.. Sam!"
Pero bakit ganun expression nya? Di man lang ngumiti or baka ganun talaga sya?
"Hehe. Hello. Aya here!" nakipag-shake hands rin ako. "Ah ikaw pala." sabi nya. Anong ako pala?!
"Uh? Ako yung?"
"Yung sinasabi ni Chad na kaibigan nya since kinder."
"Ah oo. Ako yun. KAIBIGAN nya since kinder.. oo. Kaibigan."
Maganda nga sya. Walang duda, kaya sya nagustuhan ni Chad eh. Pero bakit parang ngayon ko lang sya nakita?!
"Oh, mauna na kami Aya at Sam ha?" nag nod lang kami ni Sam. Bakit ang bilis? Well, may pupuntahan pa ata sila. Naglakad na rin kami ni Sam papuntang gate. Bumili kami ng fishball sa labas ng school.
Nakakainis lang. Naalala ko nun si Chad pa yung nauna nagturo sakin na kumain ng fishball. Nung una akala ko street food lang talaga na echepwera. Pero nung natikman ko, di na ko tumigil kakakain..
Maya maya lang dumating na rin si Manong. Pinasabay ko na si Sam tutal malapit lang naman yung bahay nila samin. Kesa magkomyut pa sya delikado na.
"Sige Aya, thank you sa paghatid ha. Kuya driver salamat po." binuksan nya na yung pinto tapos lumabas.
"Bye Sam!" tapos nag nod sya sinara nya na yung pinto.
After 15 minutes siguro nakauwi na rin ako. As usual, tinignan ko muna yung pagkain.. Eh hindi ko gusto yung ulam. Sucks. Matutulog nalang ako neto.
Pagkalapag ko ng gamit sa kama ko.. May nagtext!
From: Pakner
Aya! Bukas ng gabi pupunta ako sa bahay nyo ok? =)
Waaaah! Totoo ba to? Ang tagal ko na syang di nakakasama. Akala ko nakalimutan nya na ko. Hindi pa pala. Pakner talaga! Pero ano namang agenda nya sa pag punta dito. . Eh madalas sa Silent Hill lang kami nagkikita.
Tungkol ba to sa studies? May plano kaya syang magbakasyon or ano? O baka naman may ibibigay sya sakin na pagkain. Hay pagkain na naman!
Hindi ko na sya nireplyan, alam nya na siguro na payag naman ako at always welcome naman sya sa bahay na to! Kahit ka hindi sya magtext pumunta nalang sya dito. . Okay rin eh!
Lagi naman wala si mommy at daddy. Lagi sila nasa hospital. Uuwi sila gabing gabi na, aalis sila masyadong maaga hindi pa ako gising. Oh diba?
Kaya thankful ako na pinupuntahan puntahan rin ako ni Chad.
Tinanggal ko na yung sapatos ko deretso higa sa kama wala ng bihis bihis pa! Uso pa ba yun? Haha!
BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend ko pa?!
Ficção Adolescente"In love ka sa bestfriend mo, pero di masabi-sabi ang totoo Nabibitin, sayang ang friendship Paano na ang feelings mo na di mo kayang ilabas"