*Kriiiiiiiiing kriiiiiiiiiiiing*
"WHAAAAAAAAAAAAAAT THE?!!? Monday nanaman.... Ayaw ko na" Antok na antok talaga ako pero wala kailangan kong pumasok ngayon. Kasi kailangan ko. 4th year na ako at hindi na pwedeng petiks petiks nalang noh!
Pag pasok ko sa bathroom, nakita ko yung sarili ko sa salamin. Ang ganda ko pala pag umaga. Charot. Nakatitig lang ako siguro mga 10 minutes bago ako nagshower.
Maya maya nakabihis na rin ako. 6:54 na nung lumabas ako ng kwarto.
"Goodmorning my Princess!" Oh diba? Sabi sainyo prinsesa ako ng daddy ko eh.
"Goodmorning!" nagsmile ako sakanya palabas na rin sya para pumunta sa hospital. Yup, he's a doctor. He's a very busy doctor.
"Mam! Kain na po kayo" nilapag na ni Ate Riz yung bacon, fried rice, egg and apple sa tapat ko.
"Salamat ate riz!"
Nom nom nom nom. Grabe!!! Siguro di na ako kakain ng recess. . sa lagay na to.
_______________________
7:30 na ako nakarating ng school. Tinext ko agad si Chad kung nasan sya.
To: Pakner
Pakner! Where are you?
After 3 minutes..
From: Pakner
Sa garden ng hs!
Sabi ko na andun sya. Pero bat hindi ko naisip na puntahan sya dun? Naglakad na ako papuntang garden. Malayo layo rin yun.
"Chad." waaaaaah, nakakapagod. Hinahabol ko parin yung hininga ko. Nakakainis.
"Oh? Hahahahaha. Aga aga ganyan hitsura mo. Pasalamat ka may tubig ako dito ha." inabot nya sakin yung bottled water nya. Isang lagok lang tapos okay na. Nahabol ko na hininga ko.
"Aya, gusto ko syang ligawan. Hindi ko alam. Basta Aya ha? Tulungan mo ko. Bestfriends forever diba?" nakasmile lang sya. Pero ako di ko alam magiging expression ko. Pero syempre. .
"Oo naman Chad, basta ikaw. ."
"Bukas, ipapakilala ko sya sayo. Okay ba? Mamaya pala baka hindi kita masabayan paguwi hihintayin ko sya sa training nila eh."
"Ah. . ganun ba." napayuko nalang ako tapos. . "Sige Chad. Alis na ko. Kita nalang tayo!"
Bakit ganun? Tuwing ioopen nya yung topic na yun, nawawalan ako ng gana. Balak nya pa lang ligawan yung Danica pero nawawalan na sya ng oras sakin. . paano na kung sila na? Maeechepwera nalang ba ako ng ganun? Hindi ko ata kaya.
Buong araw iba mood ko, hindi ako masyado nagdaldal. Si Sam lang yung kinausap ko sa lahat. Si Sam matagal ko na rin kaibigan to, pero mas close nga lang kami ni Chad.
"Sam, may liligawan ata si Chad. ."
"Talaga? Eh bat ganyan reaksyon mo? Diba dapat natutuwa ka?"
"Kaya nga Sam. . hindi ko rin alam. Dapat talaga na matuwa ako pero bakit ganito. Hay, sabi nya tulungan ko daw sya sa panliligaw. Eh ano namang alam ko dun?! Hahaha"
"Haaay nako Aya. Bestfriend mo yang si Chad, siguro hindi mo lang matanggap na magkakaroon na ng liligawan yang si Chad. Normal lang yan!" HA? Anong normal dun?!?
"Siguro nga. . Hehe. Sabay na tayo maglakad palabas ng gate. Ano tara?"
_______________________
Paguwi ko ng bahay diretso agad ako ng kwarto. Ewan ko pero inaantok talaga ako. Natulog ako for 1 hour tapos nag open ako ng laptop.
Inopen ko facebook ko.
I checked my notifications. Waaaaah! One week palang ako di nag oopen ng facebook 93 na agad. Araw araw ba nag oopen tong mga tao sa facebook?! At pagbukas ko. .
GAME REQUESTS LANG PALA.
Akala ko pa naman nag comment sila sa photos ko or nag wall post sakin. Eh halos puro GAME REQUESTS lahat to eh!
*ting*
Si Chad, chinat ako.
Chad Alvarez: Pakner!
Me: Yes?
Chad Alvarez: Bukas ipapakilala ko sayo si Danica ha! =)
Me: Oh ok ok. =D
_________________________
Ano pa nga ba? Dapat ko syang suportahan sa gusto nya. At si Danica yung gusto nya, dapat ko syang suportahan tulungan para maging masaya si Chad.
Ayun ako sakanya, dapat ko syang pasayahin.
dapat ko syang pasayahin.
dapat ko syang pasayahin.
dapat ko syang pasayahin.
FLASHBACK
Nung 8 years old kami namatay yung Dad nya sa car accident at hanggang ngayon wala paring hustisya. Almost 8 years na rin yung nakakalipas, Wala pa daw talagang improvement sa case na yun.
Nung araw ng pagkalibing ng Dad nya. . pumunta kami sa bahay nila para icomfort si Chad.
"Chad. Don't worry andito ako sayo. I'm sure your papa is watching over us from heaven."
"Thank you Aya. ." ganun lang yung expression nya nakatingin lang sa window.
"Bye Chad. . Smile" and on that day I promised to myself that I will make him smile everyday I don't want to make him feel alone. I don't want to leave him. .
Andito lang ako palagi sakanya. He's happy, i'm with him. He's sad, i'm with him. Kung may problema sya sa mommy nya minsan, i'm with him. I always do because I love to.
Ganun rin naman sya sakin. Kung minsan wala parents ko at gusto kong mag-mall sya sumasama sakin at magshoshopping ako sya yung critic ko. Akala nga nung iba sya boyfriend ko, but i'd always tell them. . We're just bestfriends.
BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend ko pa?!
Tienerfictie"In love ka sa bestfriend mo, pero di masabi-sabi ang totoo Nabibitin, sayang ang friendship Paano na ang feelings mo na di mo kayang ilabas"