CHAPTER FOUR

18 2 0
                                    

Wednesday 

Or should I say it's a typical Wednesday? Ilang araw nalang.. Finals na. Tapos ang hinihintay ng lahat ng Seniors. GRADUATION! Yipiie! Kanina ko pa tinetext si Sam hindi sya nagrereply, Asan na ba kasi yung babae na yon? 

"AYA!!" aruy sakit sa tenga ng boses!

Nilingon ko kung sino man yung tumawag sakin, sa likuran nanggaling eh. Pagkalingon ko.. Si Sam! Waaah! Tyaka sya magpapakita kung kailan ubos ubos na yung load ko kakatext sakanya. 

"Hoy babae! Kanina pa kita tinetext!" nag giggle lang sya. Ano giggle lang yung katapat nung galit ko?! Pero infairness ang cute talaga netong si Sam! 

"Natutuwa ako malapit na kasi yung graduation. Alam mo na.. teka nag take ka ba sa Townsquare University?" 

"Uh.. hindi. Bakit?" 

"Wala lang.. Hehe. Ano tara akyat na tayo?" 

Umakyat na kami sa room. Medyo maaga pa kaya siguro pagpasok namin halos 8 estudyante lang yung andun. Magkakahiwalay pa sila tapos puro kung anu ano ginagawa! Ay ewan. 

Bakit hindi nanaman kami nagkita ni Chad? -_____-

To: Pakner 

Hoy Chad! Tuloy ka ba mamaya sa bahay? =D 

______________________________

Hindi sya nagrereply.. Siguro gumaganti yun sakin. Hindi kasi ako nagreply sakanya kagabi! Pero alam naman nya na paghindi ako nagreply ibig sabihin okay lang ata wala kami dapat pagusapan. 

Lumipas na siguro yung 2 subjects.. tapos recess na. As usual, kami rin ni Sam yung magkasabay sa recess. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa Summer Vacation namin last year.

Haay.. ya. Summer na naman. Ano kaya maganda gawin? Sana GV all the way yung summer ko.. or baka naman.. KV all the way?!? { GV = Good vibes } { KV = Kilig Vibes

Tapos 3rd subject.. 

4th subject.. ZzZzzZzZ nakakaantok na! 

5th subject. . . . . Ang bagal ng oras. Maya maya lang nag ring na yung bell! Lunch na. 

Pagbaba namin ng canteen ni Sam. . . OA. Over Aksyon yung pila sa bilihan ng rice, pasta and stuffs.. Grabe! Yung tipong pila pa lang gugutumin ka na. Kainis yung mga ganitong sitwasyon ha! 

No choice. Kailangan namin pumila! 

"Hay na ko Sam! Ang haba nagugutom na ko. . " 

"Konting tiis nalang." 

Aba! Maya maya lang may sumingit sa harap ko! Tatlong babae ata yun. . Ang kakapal ng make up sa mukha. Coloring book ang tema! Pero pamilyar yung mukha nung isa eh. . 

TEKA! 

Si. . . DANICA?!? 

"Excuse me nga! Excuse me nga. Kami muna dito."  sabi nya. Dun sa nasa harap ko dapat kanina. Sininigitan nila! -_____- 

Kinalabit ako ni Sam kasi nasa likuran ko sya eh. 

"Aya! Yan si ano diba. ." nag nod ako. Tapos sa sobrang inis ko di ko na napigilan sumabog.

"ANG HABA HABA NG PILA NAKUHA PANG SUMINGIT! TSS!" nagparinig ako. Sure akong narinig nila yun tapos nagtawanan yung dalawa nyang kasama. Nakatingin lang sakin si Danica, akala ko ngingitian nya kami ni Sam pero iniwas nya agad yung tingin nya.

Ano yun?! 

Hindi nya kami nakita or nagbulag bulagan sya. Bakit ganito?! Akala ko pa naman nagustuhan sya ni Chad dahil sa ugali nya. . Ganito na ba yung type ni Chad ngayon. 

Bakit Bestfriend ko pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon