"Bakit ba kasi ang tagal mong sagutin yung phone?!?" sumabog ata eardrums ko dun, feel ko yun ha.
"Eh bat ang aga mo kasi tumawag, alam mo naman na 10am ang gising ko!" nakakainis naman, bago pa sya magsalita.. "Teka anong oras na ba?"
"7:36 ata." WHAT THEEE?!? 7am palang?! 3 hours pa dapat yung tulog ko kung hindi na istorbo. Waaah! Nakakainis.
Akala ko pa naman mababawi ko yung pagpupuyat ko kagabi sa movie na pinanuod ko!
"Ano?! Ang aga aga pa nangiistorbo ka na! Bakit ba?"
"My god! Nakalimutan mo na? Magkikita tayo ngayon. . ." Ano daw?! Makikita kami? Napagusapan ba namin yun?
"Saan? Sino? Kelan? Paano? Teka teka.. BAKIT?!?" nagigising talaga diwa ko sa lalaking 'to eh!
"Pwede ba, tumayo ka muna sa kama mo. Itetext nalang kita! Maligo ka na. Bye see you!" sabay end ng call. Aba bastos!
Grrrrr. Nakakainis. Tulog pa ako ng mga oras na to e. . . Pero haay. Bahala sya! Basta matutulog muna ako.
Nakahiga parin ako sa kama, nagpagulong gulong sa inis na sobrang aga ko nagising. Pffffttttttt. Sinusubukan kong matulog pero matitiis ko ba naman BESTFRIEND ko?!
Sino ba naman makakatiis diba? Wala naman siguro. Lalo na eh pag yung bestfriend mo eh parang kapatid mo na talaga. Yung tipong nasa sinapupunan palang kami ng mga nanay namin eh, tinakdang maging magkaibigan kami. Ay teka teka, di nyo pa nga ako kilala eh. .
Ako nga pala si Aya Santos. Senior high sa Bridgeschool. Dito ako grumaduate ng kinder, gradeschool… At aasahan na dito na din sa Highschool. Loyalty award te?! Only child ako, Ewan ko ba bat hindi na nabuntis mommy ko simula nun. Dahil narin siguro sa ka-busyhan nila pareho sa work. Haaay, kahit ganun naman sila ka-busy di naman nila nakakalimutan ang kanilang prinsesa!
Bestfriend ko yung tumawag kanina si Chad. Since kinder pareho na kami ng school ni Chad. Yup, Only child ako pero kahit kalian hindi ko nafeel yun dahil sakanya. Lahat ng events ko sa buhay kasama sya, kung magkakaroon nga ng photo album ang buhay ko, bawat page siguro andun sya. Si Chad, wala na syang daddy. Namatay ata dahil sa car accident nung 8 years old kami. Yung mommy nya lang nagpalaki sakanya. At as a single mom, mahirap magpalaki ng anak. Unang una dahil lalaki sya.
_______________________________
Pagkamulat ko ng mata ko. . 8:30 AM na! Waaaah! Ang bilis ng oras. Baka magalit sakin si Chad sa lagay na to. Chineck ko na rin yung phone ko baka sakaling nacancel na yung lakad naming. Hehe. Pero. .
From: Pakner
Hoy Aya! 9:30 tayo magkita sa Silent Hill. Ok? Pumunta ka or else. . Wala. Basta pumunta ka ha? This is important.
From: Pakner
Aya 8:34 na! Baka hindi ka pa nakakaligo?
From: Pakner
Pakner! Wala ka nanamang load o ayaw mo magreply o natulog ka ulit? Hay nako Aya sinasabi ko na nga ba!
Ang galing nya noh?! Alam nyang wala akong load tapos, kahit may load ako di rin ako magrereply at alam nyang balak ko rin matulog. Sabi sainyo e! Nababasa nya ang utak ko!
Bakit ba napaka-importanteng magusap kami ngayon?! Pwede naman ng phone call nalang sa Silent Hill pa, well. .
Yung Silent Hill place naming yun dati dun kami naglalaro nung gradeschool. Halos kami nga lang tao dun, ewan ko kung kami lang nakakaalam o hindi lang naming nakakasabay yung ibang tao pumunta dun. Basta SOLO naming yun. Parang bundok na hindi yung style, tapos view na ng city makikita mo sa baba.
BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend ko pa?!
Novela Juvenil"In love ka sa bestfriend mo, pero di masabi-sabi ang totoo Nabibitin, sayang ang friendship Paano na ang feelings mo na di mo kayang ilabas"