CHAPTER FIVE

7 2 0
                                    

Aya's POV

Matatapos na naman tong linggo na to. Na-isstress na lahat ng Seniors! Palapit na ng palapit yung Finals. Nakaka-kaba na nakaka-excite thinking that in a few weeks.. GRADUATION na!

Bago matapos tong week na to, Friday bukas. Wala akong gala pero may malaki kaming mission nila Chad. Yun nga yung surprise nya kay Danica! For sure, mapapagod ako bukas.. Kailangan ko ng maraming energy. As in! Kaya matutulog na ko. ZzZzzzzZ. . . . 

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

"Guys.. dun tayo sa restaurant malapit sa Silent Hill ha?" nagmeeting na kami nila Chad para sa surprise nya mamaya kay Danica. All set. Lahat ng gagamitin nya.. este namin. Andun na. Ready na ready na sya. Kinakabahan sya kitang kita ko sa mukha nya.

"Wait saan yung silent hill?" tanong ni Sam. Hindi nya kasi alam yun. Kami lang ni Chad. "Alam ko na yun Sam. Ako na bahala. So.. basta dismissal andun na kami ni Sam ha!" tinap ko yung balikat ni Sam tapos nag nod lang silang dalawa sakin.

Hindi ko mafeel kung anong dapat kong mafeel. Ano nga ba dapat?! Lumipas yung oras ko sa school na parang katulad lang ng dati halos di mawala sa isip ko yung gagawin mamaya ni Chad kay Danica. Ngayon ko lang sya nakitang kaseryoso. Never. Never ko syang nakitang magseryoso kagaya neto!

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Dismissal.

From: Pakner

Mauna na kayo ha? Alam nyo na gagawin! =) kinakabahan ako dito, aya! pero sana kayanin ko.. kayanin natin.

Nagkomyut kami ni Sam papuntang Silent Hill.. I mean, sa baba ng Silent Hill. May mga benches and garden dun. Basta yun! Habang nasa jeep. . pinagusapan naming ni Aya si Chad pati yung mangyayari mamaya.

Wala kaming bitbit na materials para mamaya kasi andun na ‘yun as in ready na! Ewan ko kung saan kumuha ng tao si Chad, pero sabi nya nga ready na daw lahat dun.

After 25 minutes nakarating na kami sa baba ng Silent Hill. Wow!!! Mala-prinsesa ang datingan dito.

10 minutes later nagtext na si Chad!

From: Pakner

Malapit na kami. Actually.. andito na kami.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Nakita ko na si Chad sumesenya ng thumbs up. Hawak nya si Danica na naka-blind fold. Inaalalayan nya. Nakarating na sila sa area. Kung sa restaurant, nasa entrance na sila kumbaga. Tinanggal ni Chad yung blind fold.

Pagkatanggal ng blind fold, napanganga nalang si Danica sa nakita. Speechless as in. Ikaw ba naman, pagkatanggal ng blind fold makikita mo sa harap mo. . RED CARPET. Tapos yung grounds puno ng heart shaped-balloons. Pinaghandaan talaga ni Chad!

“Chad ano to?” nakatakip lang yung left hand nya sa bibig nya. Gulat parin sya sa mga nakikita nya. “Sssshhh.. .” sabi ni Chad.

Hinawakan nya yung kamay ni Danica, pumunta sila ng bench kung saan kami nakapwesto ni Sam. Ako daladala ko yung bouquet of red roses. Si Sam daladala yung cartolina na may nakasulat na… basta!

Pinaupo ni Chad si Danica. Tapos lumakad palapit samin si Chad. Kinuha nya sa kamay ko yung roses. Tapos nag wink sya. Ang saya nya.. ang saya nya tignan.

“For you…” sabay abot ng roses kay Danica. Di parin makapagsalita si Danica sa mga nangyayari. Gulat parin sya.

Sumenyas na si Chad kay Sam. Binuklat ni Sam yung cartolina nyang bitbit.

WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

Naka-lettering. Sure akong si Chad gumawa nyan. Sya magaling dyan eh!

Tapos kinuha ni Chad yung kamay ni Danica.

“Danica..” lumuhod si Chad sa harap nya.

Napatakip ng bibig si Danica sa tuwa.. abot langit yung ngiti nya. Si Sam naman kilig na kilig, hinahampas hampas pa ako! Langya.

“Will you be mine?” tumango si Danica sabay yakap kay Chad. “Yes! Yes..” sinabi nya ng paulit ulit habang yakap si Chad!

Maya maya lang may tumututog ng gitara.. Sikat to eh! Ito siguro yung ni-rentahan ni Chad.

Tinutugtog nya yung.. Waaaaaaaaaah!!

I'M YOURS by Jason Mraz

Nakaupo sila sa bench, habang kinakantahan sila nyan. Tapos after ng song, grabe. Nainloive ata ako sa boses nung lalaking yun! Ang galing nya kumanta. Swerte ng girlfriend nun. Pero mas swerte tong si Danica kay Chad! Sana swertehin din si Chad sakanya. 

Maya maya may biglang.. 

*Boom!!! Boom!!!*

Woooow! Fireworks! Wala ata to sa plano ni Chad, grabe. Sakntong sakntong pag-end nung song biglaang fireworks! Aaminin kong kinikilig ako para sakanilang dalawa. Lalo na sa ginawa ni Chad.. He loves her so much.. so much.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

From: Pakner

Aya thank u sa tulog nyo =) pasabi rin kay sam salamat. di ko magagawa to kung wala kayo. goodnight pakner =) 

Nakakatuwa na nakikita ko syang masaya. Feeling ko mission ko to sa buhay eh, ang magpasaya..  pasayahin sya. Habang andito ako sa tabi nya, ipaparamdam kong di sya nagiisa. 

Bakit Bestfriend ko pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon