FASTFORWARD
Mika
Ang sakit sa puso na hindi namin nakuha yung 4peat para kay ate Aby. Alam kong gustong-gusto ni ate Aby na makuha ito bago man lang siya grumaduate pero hindi namin nabigay sa kanya.
Pero ate Aby told us ba okay lang daw yun. May next season pa para makabawi.
Yung issue naman sa amin ni Kiefer hindi pa rin tumitila and I've heard na break na daw sila ng girlfriend niya.
Naging magkaibigan din kami ni Kiefer kahit papaano pero hindi lang namin masyadong sinisiwalat sa public dahil baka magkagulo nanaman. We've been close though.
Nalaman ko na nagbreak sila ni Trinca dahil may ibang mahal si Trinca at ayaw niyang maging selfish kay Kief.
Well, later on pupunta ako kila Dani. Naging kaclose ko ang mga Ravena dahil kay Dani at Thirdy. Sabi nila idol daw nila ako. Kaya minsan nagihiya din ako sa kanila. Syempre, alam niyo naman eh. Ravena sila. Lahi sil ng magagaling na athlete.
"Daks, susunduin ka ba nila Dani at Thirdy? "
"Oo, dadaan daw sila dito eh, bakit? "
"Masamang magtanong damulag?"
Tignan niyo ang isang ito, tahimik sa court pero kung makabully ang lakas, kasing lakas ng mga palo niya sa bola.
"Excited ka ng makita si Phenom nu? Ikaw ha! Kunwari ka pa na gusto mong makita sila Dani at Thirdy pero ang gusto mo talagang makita at makasama doon ay si Kiefer."
"Hoy Victonara, shut up kung ayaw mong isumbong kita sa liniligawan mo."
"Ikaw naman daks, hindi ka mabiro eh. Alam ko naman na ang pakay mo sa Cainta ay sila Dani at Thirdy. Na magbobonding kayo eh. "
Kita niyo ang takot nito kay Bang. Opo si Bang Pineda.
"Oh siya daks magayos ka na at maya-maya andyan na ang mga Ravena. "
Kaya naligo na ako at nagbihis. Ang sinuot ko ngayon ay Gray na V-Neck, denim shirt and Roshe Run na color brown.
*beep beep*