Madalas iniisip ko, pano na nga ba ko sa mga susunod na araw, buwan at taon na di namin sya kasama? Mangyayare parin kaya na magkasama sama kame?
Nung una sabe ko sa sarili ko di ko na hahayaan na bumalik yung pagmamahal ko sakanya. Bakit? Kase ayoko ng masaktan. Ayoko ng maiwan ulit ng taong mahal ko. :(
Nagdaan ang mga araw,
Hindi naging madali ang lahat para samin, lalo na sakin.
Siguro nga hindi ganon kadaling ibalik lahat yung nakaraan. Yung nakasanayan at makagawa ng panibagong masayang alaala na gagawin dapat namin kasama ng anak namin.
Pag katapos ng ilang buwan nagkasama at nagkausap din kame kahit papano.
Oo andun padin sa point na umasa ko na bumalik kame sa dati pero wala eh. Pinaparamdam nya na wala na talagang pag asa na bumalik lahat sa dati.
November- Nagkaron ako ng problema sa bahay namin. Pinalayas ako kasama anak namin. Alam nya yun kase medjo maayos pa kame. Yung tipong parang ang sweet namin.
Hindi sa sinusumbat ko pero naging isa sya sa dahilan kung bakit nangyare yon.
Nahuli kase kame ng tatay ko na nasa bahay nila kame. Dahil nga sa sobrang galit pamilya ko sakanya eh ayun di nila naintindihan yung paliwanag ko kaya nagkasagutan kame.
Nagtiis ako sa mga sinabe nila pero hindi ko lang nagustuhan yung nangyare kinabukasan. Yun yong ilalayo dapat saken ng tatay ko yung anak namin kaya napilitan na kong lumaban.
Sobrang sama ng loob ko non kase pati trabaho ko nadamay nung araw na yon.
Nag punta muna ko sa bahay ng kaibigan ko na si Francheska. Dun tinanggap nila ko na para bang parte kame ng pamilya nila.
Sobrang pasasalamat ko sakanila non kase kahit nasa trabaho ako eh inaalagaan at binabantayan nila ng maayos yung anak ko.
Ilang araw bago mag Nov.28 (3rd anniv. na namen) eh nagkausap kame ni Angelo na sakanila muna kame matutulog ng anak namin para makasama nya kame.
Pumayag namab ako kaya kunabukasan non eh nag ayos agad kame at pumunta don.
Habang nasa trabaho ako alam ko naman na binantayan nila maigi si Gela.
Kahit papano eh nagpapasalamat ako dun. Nagtagal kame ng ilang araw don hanggang sa umabot na ng 28. :)
Hindi ko alam kung dapat bang maging masaya talaga o hindi. :3 Nag message ako sakanya non. Alam ko naman na nabasa nya kase nasave nya yon. ;)
Pag katapos ng araw na yon? Umalis na kame dun at umuwi na. Naging maayos pa nga eh. Umabot pa yon ng December. :)
Kaso bago pa lang mag pasko, nag iba na ihip ng hangin. Naging malamig na sya saken. :(
Wala akong clue kung bakit nangyare yon. Hanggang sa umabot na ng mismong pasko eh ang cold cold na. :(
Yun pala malaman-laman ko, may iba na pala. -_-
Ginawa ko naman lahat pero bakit ganon? Bakit hindi nya magawang ibigay yung kasiyahan na dapat madeserve ko? :'(
After christmas wala na talaga, umabot na ng Year End Party nf grupo namin. Wala padin. ;(
Bagong taon na eh ganon parin. Hay! :(
Nag bilang na ko ng mga araw para sa birthday ko. :3
Dun may naramdaman ako na prang kakaiba. :) Natuwa ako kase sya yung pinaka unang bumati saken. Yung wala pang 12 midnight eh bumati na sya. ;)
Sobrang saya ko non. Tapos kasama ko pa sya sa training.
Ang saya din ng birthday ko dahil sa mga kaibigan ko lalo na sa mga kagrupo ko pati na dahil sakanya. :)
Inuman lang non, hanggang sa lima na lang kaming natira tapos kame na yung topic.
Bumili kame ng kaibigan ko na si Kanari. Pagkabalik namin dun ko lang nabasa na nagtext pala sya.
Nagulat lang ako sa sinabe nya na "Hihintayin din kita".
Hindi ko alam kung anong ibigsabihin non pero kinilig ako. :)❤
Magkasama kami sa pag tulog.
Tapos ang sweet pa nya sa text kahit na pabiro pa. :)
Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko pero Sobrang saya lang. ❤❤❤
Hanggang sa dumating na sa point na aalis sya dahil pupunta sila sa Raket nila sa Tanay Rizal.
Dun sobrang namiss ko sya kahit na isang gabi lang sya nawala. Di ako nakapag focus sa practice non kase wala sya. Tho nag tampo sya dahil sa mga nasabe ko nung magkatext kame eh pinalitan ko naman yon ng mga messahe na alam kong mapaparamdam ko na sweet ako sakanya. :)
Pag kauwi nila, magkasama agad kame.
Yung di ko ineexpect na gagawin nya eh ginawa nya kahit kasama nya ko. Yun yong nakipag break sya sa girlfriend nya dahil saken. :) :)
-------
Hi. Ngayon lang nakapag update. :)
Sorry guys. Medjo busy lang.
Eto muna. Pero dadagdagan ko pa yan. :)

BINABASA MO ANG
How Can I Unlove You?
RomanceHow Can I Unlove You? Isang tanong na napakahirap sagutin. Mahirap ipaliwanag at gawin. :) Itong storya na to ay tungkol sa isang kwento ng Babae na nagmahal ng sobra-sobra sa isang Lalake. Sana makapulot kayo ng aral. :) Hi. I'm Reese. 17 yrs.old...