Pagiging Magkaibigan

198 5 1
                                    

Chapter 1 :

Hindi kami ganun kaclose noong High school. Hindi ko din alam na kung saan kami lumipat ng bahay eh dun din ang location ng bahay nila. So wala talaga akong idea nun na pag bumibili ako sa tindahan sa kabilang kanto e malapit na pala ang bahay nila dun.

Minsan dumaan ako para bumili, may nakita akong dalawang lalake na nakaupo sa bike. Si Angelo pala yung isa pati kaibigan niya. Parang nanloloko sila nun pero di ko na lang pinansin. Syempre di ko naman sila close eh. Pag-uwi ko online agad hinanap ko siya sa Facebook then boom! Add agad nung nahanap na. Inaccept naman niya ko. :) Nagkachat kame pero di pa ganun kakomportable sa isa't isa.

Lumipas ang araw, hindi na kami ulit nagkausap. Yun na ata yung huling paguusap namin. Syempre bakit naman ako aasa na ichat niya ko e hindi naman niya ko kaano-ano di ba? Eh di hindi ko na pinansin.

Merong isang computer shop na natayo sa M.Clara St. malapit lang sa school namin. Nagbuo sila ng "Clan" sa Cellphone (Mga jeje pa nung mga panahon na yun). Ako naman 'tong si Friendly sumali. Para may makatext at para magkaron ng bagong kaibigan syempre. Halo-halo ang mga members dun. Mga taga-school namin at yung iba taga shop at mga tambay din. Minsan napatambay kami dun. Puro lalake pala dun konti lang babae. Ako naman medyo Shy type pa. Haha Kala mo naman talaga. :D

Nakilala namin yung ibang members and hindi ko ineexpect kasali siyaaa!! Kasali si Angelo. Kilalang-kilala niya yung mga nagbabantay sa shop na yun. Emeged!!! :) :) :)

Kaya after sa school tatambay ako saglit sa shop na yun. Alam niyo nakakainis din siya kase mahilig niya kong asarin. :( Tawag niya sakin "NOO", Malapad daw kase noo ko eh. :( Kaya yung mga naging kaclose ko dun sa shop Noo na tawag sakin minsan. Pero ok lang,matalino naman eh. ;)

Kapag andun ako sa shop patago ko siyang hinahanap. Bakit? Ewan ko din eh. Namimiss ko lang cguro yung pangaasar niya sakin. Lagi ko silang nililibre. Lagi kaming food trip dun. Isa rin kase sa nagpapasaya sakin ay yung Pagkain. :D Laging masaya kaya lagi din akong andun. Parang pamilya ko na nga din sila eh kase nakakapaglabas ako ng sama ng loob ko sakanila at binibigyan naman nila ko ng mga advice na makakatulong sakin. :) Minsan akong hindi pumunta dun para tumambay. Medyo nagtagal kaya hindi ko alam kung pumupunta pa siya dun o hindi na. Nung naisipan ko naman na dumaan kahit saglit nagulat ako nung nasabi sakin na matagal na siyang di napapadpad dun kaya medyo nalungkot ako. Hindi na din siya nagtetext nung mga panahon na yun. Kaya matagal din kaming hindi nagkausap at nagkakwentuhan.

3rd year high school na ko. Wala parin kaming contact pero tuloy parin ang buhay. :) Sumali ako sa Dance Troup ng school namin. Eh sa sineswerte ko ba naman,Nakapasok ako! :) Meron na naman akong bagong pamilya at mga kaibigan. Hanggang sa naging kaclose ko ang isa sa babae na kagrupo ko pangalan niya ay Dianne. Dati rin siyang Jr. nung grupo nila Angelo kaya kilala niya lahat ng miyembro dun. Sa sobrang close namin kami lagi ang magkasama at magkausap.

Isang araw nung umalis kami:

Me: Baby sino yang katext mo?

Dianne: Si Kuya Angelo. Yung Sr sa grupo na sinalihan ko dati.

Me: Ah. Patext nga ko 'jan. Tagal na din namin di nakakapagusap eh.

Dianne: Osge. Wait lang.

Binigay sakin ni Dianne yung phone niya. Sh*t!! Siya nga yung katext niya. Ako naman atat magtext pero di ko pinahalata.

Me: Hi Kendy! :) -reese

Angelo: Uy. Hi din kendy! :)

Me: Long time no text ah. Kamusta ka naman?

Angelo: Eto ok lang naman. Ikaw kamusta? Kunin ko number mo ha.

Me: Okay lang naman din ako. Smart ako eh (pero binigay ko parin yung number ko). Text ka na lang. Pakilala ka ha. Sge bye na. Balik ko na tong phone kay Baby. Bye Ingat!

Angelo: Sge. Bye :)

Yeeeeeeessss!!!! may number na niya koooo. Makakatext ko na siya ulit. Makakausap ko na din sya. :)))

So ayun, nagkakatext na kami ulit. :)

Isang araw pinuntahan ako ni Diane sa bahay namin dahil aalis kami.

Pag daan namin sa tindahan andun si Angelo tapos sumabay siya samin sa paglalakad.

Nagkakwentuhan hanggang sa umabot sa bahay nila.

Nung nasa kanila na, nahiwalay na siya samin. After nun nagkatext kami agad.

Pilit niyang inaarbor yung DomoKun na shirt ko. Sabi ko hindi pwede kase bigay ng Mama ko yun.

Bibilhan ko na lang siya. :) :)

Kinabukasan umalis ulit kami ni Diane. Pumunta kami sa SM San Lazaro dahil yun yung pinaka malapit na mall samin.

Bumili kami ng DomoKun Shirt, I.D Lace at Slippers. :)

Habang patapos na kami bumili tinext ko siya...

Me: San ka?

Angelo: Sa practice. Bakit?

Me: Ah. May bibigay kase ko. :) San ba yan?

Angelo: Ano yun? Sa M.Clara Halcon lang.

Me: Ah sge. Text kita pag papunta na kami.

Ng matapos kami ni Diane dumaretso agad kami dun para ibigay sakanya.

Nung andun na kami medyo nahiya kami kaya sa kabilang kanto kami nakipagkita sakanya at sinabi namin sa text.

Me: Punta ka na lang dito sa kabilang kanto. Kahiya eh.

Angelo: Ok sge. Papunta na.

Nung nasilip namin ni Diane malapit na sila. Kasama niya yung kaibivan niya, Si Christian.

Nasa harap ko na siya. Medyo speechless. Pero nabigay ko sakanya yung Shirt.

Me: Oh. Eto na yung inaarbor mo. :)

Angelo: Uy. Thank you. :)

Me: Sge. Alis na kami. :)

Umalis kami agad kase nakakahiya.

Habang naglalakad, nagtext siya.

Angelo: San kayo pupunta?

Me: Kila kuya Mark. May ibibigay tska iinom din kase kami. Punta kayo?

Angelo: Ah. Sge. Text na lang. Pag tapos ng practice kami pupunta.

So ayun stop na kami sa pagtetext. Start na practice eh.

Di naman niya ko binigo, pumunta nga sila kila Kuya Mark.

Kasama niya sila Christian, Patrick at Alvin. Inuman lang ang eksena. :D

Hanggang sa umuwi kami ni Diane hindi kami nagpansinan. Pero magkatext naman kami kahit nasa isang place. Nagpaalam ako sa lahat, sakanya lang hindi. Pero sa text naman nakapag paalam ako. :)

Hanggang sa lagi na kaming nagkakasama sa lahat ng inuman. :)

--------

Hi! Pahinga muna saglit. :) Sana magustuhan niyo yung story. Thankyooouu. :)

How Can I Unlove You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon