Heartache

45 1 0
                                    

Naging masaya naman kami. Minsan pumapasok sa isip ko, ano nga bang nangyare at naging ganto yung nangyare samin.

Pag katapos nilang mag break non naging ok naman kame. Naging sweet sa isa't isa at naging masaya.

Tumagal naman kami, araw nga lang. Umabot kame ng monthsary namin. (Jan.28)

Pero nung kinagabihan, di naging maganda yung nangyare. Una nag away kame dahil sa maliit na bagay.

Yung pakiramdam na ang cold na namin sa isa't isa. Di ko naman sinasadya na makita yung picture ng kachat nya.

Di ko din nagustuhan.

Siya yung kachat ni Angelo. Yung babae na yon!! Nainis ako. Nangigil. Kumulo dugo ko. Kaya ginawa ko lahat para maitext lang yung babaeng yon.

Tinext ko sya. Pangalan nya? Itatago ko na lang sa initial na JMR.

Inaway ko sya dahil sa sobrang galit ko na kinadahilanan din ng pag aaway namin ni Angelo.

Magkatext lang kame ni Angelo hanggang sa makauwi ako pati hanggang mag madaling araw.

Di ko alam yung pag uusap naming yon eh magiging katapusan na pala. :(

Lahat ginawa ko. Lahat pinilit ko para lang bumalik kame sa dati at para di nya ko iwan. :( Pero wala rin pala, iniwan parin nya ko.

Iyak lang ako ng iyak. Hanggang sa sinumpong na ko ng hika at nakatulog ng hinihika. :'(

Hanggang sa magising ako napapaiyak parin ako. :(

Sinundo ako ng mga kaibigan ko sa bahay namin. Pumunta kame sa bahay nung isa sa nag sundo samin ng baby ko.

Nung andon na kame, umiyak ako sakanila. Inilabas ko doon lahat. :3

Iniisip ko parin non, bakit kaya nya nagagawang bumalik saken tapos sasaktan at iiwan din naman pala nya ko ulit. :(

Sabe ko non, ititigil ko na lahat. Yung nararamdaman ko pati lahat ng pwedeng maging dahilan ng ikakasakit ng puso ko sakanya.

Di ko naman inaakala na magiging ganun ulit yung mangyayare. Na iiwan din nya ko ulit. :3

Pero nung hapon na nag gm ako nag text sya saken. Nag sorry sya sa ginawa nya pati sa ugali nya.

Alam mo yung ang sakit kase kailangan mo ng masanay sa mga ginagawa nya saken. Sinabe pa nya na kailangan pansinin ko sya. Pero para saan pa?

Eh di naman na kame tapos iniwan na naman nya ko. :(

Naiiyak parin ako kahit na ganon yung mga sinasabe nya. Nasaktan kase ko ng sobra. Dahil lang sa babae na yun nagkagulo na. Nag bago na naman lahat ng samin. :3

Pagka tapos ng araw na yon, naging mukhang maayos naman lahat.

Kaso di na nga lang gaya ng dati na mas pinapakita nya na ok kame.

Pero ramdam na ramdam ko sa sarili ko na di na ok. Di na kame ok. :3

Hanggang sa nag inuman kaming magkakaibigan, dun na nagsimula lahat.

Mas pinaramdam na nya na wala na talagang pag asa na maging maayos ulit.

Sobrang nalungkot ako dun sa pinarinig nya. :( Nangyayare na naman saken yung natutulog ako tapos bigla akong hinika at umiiyak. :'(

Sobrang hindi ko kinaya yon. -_-

Ibang iba na yung pakikitungo nya saken non, kahit sa practice hanggang sa makita at mapansin ko na kachat na naman nya yung babae na yon.

Dun na nagsimulang mag init yung ulo ko.

Nagparinigan kame sa facebook. Nakisali pati yung babae kaya pati sya dinamay ko na. Inaway ko sila don.

Kahit na nakakahiya eh ginawa ko parin para malaman nila na mali ginagawa nila.

Dahil din don, tuluyan na kaming di nagpansinan. Di na nag usap at nagkibuan. Di ko naman kasalanan kung bakit nangyare yon. Pwede naman kasing magtino at ayusin ang sarili di ba?

Hi. Panibagong update na naman.
Enjoy sa pagbabasa. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How Can I Unlove You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon