The Art of Letting Go.

143 7 0
                                    

"Yung inaakala kong Happy Ending, Happy Family at Last Chance na dapat meron samin. Naglaho. Nasira at Gumuho."

Minsan inaakala natin na siya na talaga. Yung The One ba. Yun pala, isa siya sa pinadala ni God para subukin ka kung hanggang saan ang kaya mo, hanggang saan ang ibibigay mo at hanggang saan mo siya ipaglalaban.

Pero mahirap ng lumaban kung alam natin na nag-iisa ka na lang sa laban na dapat dalawa kayo.

Masakit maiwan, mag mukhang tanga, masabihan ng masasakit na salit at makumpara. Sino ba naman sila para gawin yun di ba?

Pare-parehas lang naman tayong tao. Nagmamahal, nasasaktan, ginagawa ang lahat para sa mga mahal natin at kinakaya lahat ng pagsubok at hirap sa buhay. Si God lang ang nag-iisang may kakayahan na mag dikta sa buhay natin.

Hindi porket minsan na tayong nasaktan at naiwan ay gagawin na natin ito sa iba.

Isipin mo na lang, Bakit mo gagawin sa iba yung naranasan mo na kulang na lang eh ang magpakamatay ka, hindi ka kumain at magpakalasing araw man o gabi. Isipin mo na lang din na nadurog at nawasak din ang puso mo ng mangyare yun sayo kaya bakit mo sila igagaya sayo.

Kailangan bago natin gawin ay pag isipan natin ng dalawang beses o higit pa. Dahil hindi natin alam, Kung sino pa yung taong sinasaktan, nasaktan, itinataboy at itinaboy natin ay sila palang tunay na nagmamahal satin.

Second Chance- Madaling mag bigay niyan sa ibang tao na sabihin na nating nagpapakatanga sa pagmamahal kagaya ko pero sa iba, It takes time para mapatunayan mo na deserving ka na mabigyan ng second chance.

Maswerte ka kung mabibigyan ka ng pangalawa o pangatlong pagkakataon. Pero lagi mong tatandaan na ang pagkakataon na ibinibigay sayo e hindi mo na dapat sayangin. Imbis na pag laruan at saktan mo ulit ang puso niya e gumawa ka ng mga bagay na makakapag pasaya sakanya. Mag effort ka ng todo yung tipong mapapakita mo sakanya na kaya mong gawin yung mga hindi mo kaya noon. Ipakita mo na deserving kang mahalin at tanggapin ulit sa buhay niya. Mas iparamdam mo sakanya ang pagmamahal, pagaalaga, pagaalala at pagiging kuntento mo sakanya kase ika nga nila YOU ONLY LIVE ONCE. :)

Hindi lang ito para sa mga Lalake. Para to sa lahat. Gusto kong ipaintindi sainyo na minsan ang pagpapakatanga ay mas nakakasakit. Matuto tayong tumayo o bumangon sa pagkakadapa natin. Punasan ang luhat at linisin ang sugat. At muling buksan ang puso. Hayaan natin na makakilala tayo ng bagong tao sa buhay natin. At tandaan, WAG NA WAG MONG GAGAWIN ANG MGA NANGYARE SAYO SA TAONG NAGMAMAHAL AT NAGPAPASAYA SAYO NGQYON. :)

-------------

Ngayon hindi ko pa alam kung saan at pano mag uumpisang makalimot at makapag bagong buhay ng wala siya.

Minsan bigla na lang akong ngingiti dahil sa biglang pumapasok sa isip ko yung masasayang alaala namin.

Habang ginagawa ko to, bumabalik sa akin lahat lahat ng nangyare samin.

Sa 2 taon at  4 na buwan kaming nagkasama e ganun ko na lang siya minahal. Kaya cguro ganun din ako kahirap makalimot.

Nagsisisi ba ko?

Hindi ako nagsisisi na minahal ko siya.

Hindi ako nagsisi na kahit ilang beses pang may nangyare samin.

Hindi ako nagsisi na sa lahat ng bagay hati kami. O kung anong meron yung isa meron din yung isa.

Hindi ako nagsisi na tumagal kami ng ganun katagal.

How Can I Unlove You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon