"He's my angel. And he's my forever."
------
Sa bawat araw na magkatext kami e lagi siyang bumabanat ng mga pick up lines. Syempre ako, Kilig-kilig naman. :) :) Hindi niya alam na nafofall na ko sakanya. :3
November 27,2011 :
Yang araw na yan magkatext lang kami. Simula umaga hanggang gabi.
Nagtatanong siya kung kelan ko siya sasagutin. Di ko ineexpect na magtatanong siya ng ganyan kase di naman siya nanliligaw eh. Moves lang pala niya yung pagbanat-banat ng mga Pick up lines. Pero wala eh. Dahil sa nafofall na din ako sakanya.....
November 28,2011 (around 3 or 4am.) :
Sinagot ko na siyaaa. Kami naaa! :)
Totoong kami na. :) :)
Nagiinarte pa siya nun. Ayaw niya nung number pero sabi ko naman Ok na yun. :) Pinalitan namin yung tawagan namin na. KENDY. Ginawa naming. BEB :)
Sa unang gm niya nun nakalagay sa huli "Bebebebeb<3" ,. Sabi ko kasi wag muna namin ipagsasabi na kami na kaya ganyan yung code niya.
Ako naman iba din. "Twoeyt<3" "RIAM".
~Hindi ko inaakala na yung dating nangaasar at nanloloko sakin e siya pa pala yung makakatuluyan ko. :)
Lumipas ang araw simula ng naging kami. Masaya kami at sweet sa isa't isa. :)
December na, Christmas naa!! :) :)
Simbang gabi. Lagi kaming magkakasama ng dalawang kaibigan ko. Si Dianne at si Antoinet. Dapat makakasama ko siya kahit isang beses nun kaso lasing siya eh. Uminom sila ng mga kagrupo niya.
Hanggang sa matapos ang simbang gabi dun lang ako nagkaron ng pagkakataon na makasama siya. :)
December 24,2011 -
Sinama niya ko sa bahay ng Manager ng grupo nila. Ang pangalan niya ay Jeff. Isa siyang beki. Mabait,makulit at masayang kasama. Di niya ko hinahayaang ma-OP.
Uminon kami. Sinalubong ang pasko. Siya kasama ko sa pagsalubong imbis na pamilya ko. :) Inuman hanggang madaling araw hanggang sa lumipat kami sa isang bahay ng kaibigan nila na kagrupo din pala nila. Siya naman si Kaye. :)
Una parang ayaw sakin ng ibang kaibigan niya. Cguro kase mas gusto nila yung Ex ni Angelo. At dahil bago pa ko ganun na lang reaction nila. Pero di ako nagpakita ng kahinaan. Hinayaan ko sila kase alam ko naman na matatanggap din nila ko and maybe one day we can be friends. :)
Natapos ang inuman 5am na. Di na ko makakapasok sa bahay namin. -.-"
Sinabi ko sakanya yun at ang sabi niya..
Angelo: Akong bahala. Dun ka na samin matulog.
Nagulat ako nung sinabi niya yun. First time ko lang kase na matutulog sa bahay ng Lalake at takot din ako dahil baka kung anong mangyare.
Pero no choice,dun na ko natulog. Kesa naman walang tulugan.
Magkatabi kaming natulog sa kwarto niya. Pag dating dun nahiga agad ako pero nakatalikod sakanya tas diretso tulog. Ganun din siya. :)
Nung umaga na ginising kami ng mama niya para kumain. Ako pa unang ginising. :D
Nung nagising ako ginising ko agad siya. Nagpapaalam na kong umuwi kase anong oras na. Mamamasko pa kame. Hahaha
First christmas namin na magkasama kami. Ilang araw na lang din 28 na. :) :) :)
~ December 28,2011
First monthsary namin. :) Tumagal kami ng 1 month. :D :)
Bumili ako ng Red Ribbon Cake. Gift ko para saming dalawa. Pinuntahan ko siya sa bahay nila kase yun yung napagusapan namin habang magkatext kami. :)
Nung andun na ko. Niyakap niya ko ng mahigpit sabay bati ng "Happy first monthsary beb. :)"
Deep inside sobrang kinikilig ako pero hindi ko pinapahalata. :D
Nagtagal ako sakanila. Nung araw na yun may sayaw din pala sila. So as a girlfriend, sumama ko at sinuportahan siya. :) :) Nagpasama ako kay Dianne at kay Kuya Mark para di naman ako ma-out of place sakanila. :)
Dun kami nagkaron ng first picture as mag Bf/Gf. Medyo panget pero ok na din. Haha! Atleast may picture kami sa unang buwan namin. :)
~~~~~
Sorry kung medyo di maganda ang pagkakagawa. First time po eh.
Pero sana magustuhan niyo. :) :) :)

BINABASA MO ANG
How Can I Unlove You?
RomanceHow Can I Unlove You? Isang tanong na napakahirap sagutin. Mahirap ipaliwanag at gawin. :) Itong storya na to ay tungkol sa isang kwento ng Babae na nagmahal ng sobra-sobra sa isang Lalake. Sana makapulot kayo ng aral. :) Hi. I'm Reese. 17 yrs.old...