Minsan kahit anong gawin nating pagmo-move on hindi parin natin maikakaila na naaalala natin yung masasayang alala niyo na magkasama kayo at kahit papa o ay meron paring pagmamahal na natitira sa puso mo para sakanya.
--------
July- Birthday ni Patrick. :)
Nagkaron ng maliit na celebration ( inuman lang). Magkakasama kaming lahat. Ako,Kuya Jeff,Christian,Pj,Bee at si Angelo.
Nauna ng pumunta sa bahay sila Kuya Jeff,Christian,Bee at Angelo.
Naiwan kami ni Pj sa pinagpapraktisan nila dahil kumain pa siya at ako naman tinulungan ko pa si Karl sa project niya.
Pag dating namin kila Kuya Jeff, dalawa lang sila na natira dun. Bumili kase ng iinumin sila Christia.,Bee at Patrick.
Magkasama nga kami pero hindi kami nagpapansinan. Pilit kong tinatakip yung mukha ko sa likod ni Kuya Jeff at para na rin matakpan si Angelo.
Nagpatugtog lang kami habang naghihintay. Napatugtog niya yung dalawang paboritong kanta ko. Yung Rainbow at I'll Make love to you. Kumakanta siya pati ako. Nakakamiss lalo. -.- :3
Maya-maya dumating na sila. Inayos nila agad yung iinumin.
Nung nagpapatugtog na, pinagtripan nila kami ni Angelo.
Nagpatugtog sila ng Starting Over again at Maybe this time.
Hindi ko na lang pinansin kase biro lang naman eh. :)
Hanggang sa nagsabe sila na bibili lang sila Christian,Pj at Patrick.
Pag balik nila nagpatugtog agad sila.
Yung bibiling sinasabi pala nila e paraan lang para makapag-download ng mga kanta na mapapangasar samin ni Angelo.
Pinatugtog nila ulit yung unang dalawang kanta (Starting over again at Maybe this time). Pagkatapos nun yung Forever. Yung theme song namin.
Kunwari wala lang sakin pero nung narinig ko na kumakanta siya kinilig ako pero di ko pinapahalata.
Sobra kong namiss yun.
Hindi kami nagpapansinan talaga. Yung mga kaibugan namin mapantrip talaga. Kami parin pinagtitripan. Pilit kaming tinatanong. Lalo na ko.
Gusto nila na maging ok kami. Na maging ok gaya ng dati. Para sa anak namin.
Hanggang sa pag uwi. Di kami nag-usap. Sumabay ako kay Pj. Nagtext ako sakanilang lahat. Nagpasalamat. :)
Nagreply si Christian. Nagulat din ako dahil nagreply din si Angelo.
Nagpasalamat sa yosi. Hahaha
Pag tapos ng araw na yun nagpapadaan na siya ulit ng gm sakin. Nakakapagtaka pero hinayaan ko na lang.
Hanggang sa nagkakausap na kami at ilang beses na rin nagkakasama sa inuman.
Nakakapagtext na kami ulit.
Yung pagtetext namin hindi na puro galit. Puro biruan na.
Nakakatuwa na kahit papano nakakapag-usap na kami ulit kahit na hindi pa ganun kaayos.
Magkatext kami lagi tuwing madaling araw. Inaabot kami ng mga 4 o 5 am na.
Nasabi niya minsan...
Angelo: Pwede ko bang makasama si Gella kahit saglit lang? Kung ok lang.
Me: Oo naman.
Angelo: Akala ko kase bawal eh.
Me: Bakit naman?

BINABASA MO ANG
How Can I Unlove You?
RomanceHow Can I Unlove You? Isang tanong na napakahirap sagutin. Mahirap ipaliwanag at gawin. :) Itong storya na to ay tungkol sa isang kwento ng Babae na nagmahal ng sobra-sobra sa isang Lalake. Sana makapulot kayo ng aral. :) Hi. I'm Reese. 17 yrs.old...