Chapter 3

306 16 1
                                    

THE TEARS OF UNBELOVED

CHAPTER 3

Sabado ngayon.

Ginugol ko ang oras ko sa pagbabasa ng educational books.

Sa Lunes yung Quiz Bee eh, sa La Salle daw yung venue.

"San kaba naghihirap?" tanong ni Papa.

"Tutulungan kita" dagdag niya pa.

"Hindi naman mahirap" saad ko.

"General Mathematics yan" saad niya.

"Kaya ko" saad ko.

"Talaga?" di siya makapaniwala.

Yan naman talaga siya eh.

Apaka yabang, kala niya siya na yung matalino.

"Di ka makapaniwala?" tanong ko.

"Hindi mo yan alam" saad niya.

"Talaga? Sana all" saad ko at itinutok yung focus ko sa libro.

"Thalia, ba't mo ginanun yung Papa mo?" tanong ni Mama, halata sa mukha niya ang galit.

"Yung ano?" tanong ko.

"Pag disrespect mo sa kanya" saad niya.

"Pag disrespect ba ang pagtanggi ng tulong?" tanong ko.

"Hindi mo pa siya napapatawad sa ginawa niya sayo Last night?" tanong niya.

"Ba't ko naman siya papatawarin?" tanong ko.

"Ama mo siya" saad niya.

"Nanghingi ba siya ng tawad?" tanong ko.

"Thalia!" singhal niya.

"Bakit? Bakit niya nga ba yun ginawa?" tanong ko.

"Dahil —" di ko siya pinatapos.

"Dahil pinagtanggol niya si Tacia at para ipagtanggol si Tacia kailangan niya akong sampalin" saad ko.

"Hindi mo naman dapat yun ginawa kay Tacia!" sigaw niya.

"Bakit? Bawal bang ipagtanggol ang sarili ko?" tanong ko.

"Dapat di mo nalang siya pinatulan" saad niya pa.

"Bakit?" tanong ko.

"Dahil—" di ko siya pinatapos.

"Malamang, siya ang paborito. Siya talaga yung kakampihan. Sana naman sinabi niyo sakin na bawal pala siyang patulan dahil siya yung paborito niyo. Para malaman ko naman kung saan ako lulugar" litanya ko at umalis.

@Zean_Brave_Zc_Heart

THE TEARS OF UNBELOVED (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon