PROLOGUE:

146 5 0
                                    


Prologue:

'Ahmm so hi po ako po si Carla Skyla Madrigal po mula sa ikalawang baitang 8 yrs old na po ako. Tas ako po ung pambato ng section po nmin kase daw po magaling daw po ako sa pagsasalita hihihi.' Sabe nya at yumuko
'So ito po ung papa ko' at pinakita nya ang drawing nya ng ama. na nagpagulat sa mga lalaking may ari nang school na mga judges.
'Hindi ko po alam name nya pero po naaalala ko po ung mukha nya po kaya po drinawing ko po sya. Sabe po nila pogi si papa hihihi. So gusto po ni papa na maging isang engineer hihihi. Ang taas po ng pangarap ni papa diba po. Kaso po maaga po syang nagkaaanak at ako po un. Hindi po maayos ung naging buhay nming tatlo nila mama at papa sa umpisa. Lagi pong galit si papa at ako po ung sinisisi nya kung bakit po hindi sya makapagtapos' huminga ng malalim ang batang si carla habang si kyle nmn ay nakatitig lng ng mariin sa anak na ngayon ay kinukuwento sya sa lahat
'Wag po kayong magalit kay papa ahh kase hindi nya nmn po ako nisasaktan o di po kaya pinapalo. Lagi lng po mad si papa kase sabe ni mama stress daw po si papa' muling huminto si carla sa pagsasalita.
'Kahit na pla may nagawa akong hindi maganda sa magina ko lalo na sa mama nya lagi nyang sinasabeng mabait ako at hindi nya hinahayaan masira ang reputasyon ko bilang tatay nya' sabe ni marc sa utak nya habang nakatingin sa anak na nasa stage
'Sabe ko po kay mama alis na tayo kase gusto ko ng matupad ni papa ang pangarap nya kase alam ko pag natupad nya na yon babalikan nya na kami ni mama at nung kapatid kong hindi nya pa nakikita' tumulo ang mga butil ng luha ni carla dahil sa nasabe nya habang ang mga nanonood ay tahimik na nakikinig lng sa kanya. Si marc nmn ay napahigpit ang kamao.
'Panong naging dalawa ang anak ko' ang tanong na nasa isip ni marc
'Nung paalis na po kami sa bahay ang sabe ko po kay mama i want to hug and kiss my papa' nakangiting sabe ni carla habang nakatingin sa drinawing na mukha ng ama
'Kaya po ang ginawa ko ay nung umuwi si papa tumabe po ako sa kanya buti na lng po lasing non si papa tsaka ko po sya hinalikan ng madami sa pisngi at noo po tas sabe ko kay papa habang tulog sya ay. 'Papa tuparin mo po ang pangarap nyo mawawala po kami ni mama saglit sa buhay mo alam ko po love na love mo po kami ni mama alam ko po pag natapos na ikaw iachieve your dream is hahanapin at babalikan mo kami ni mama'. Ayun po ung sabe ko tapos nihug ko po sya ng sobrang higpit hihihi' nakangiti nyang sabe at tumingin sa ina nya na nakatingin lng sa kanya.
'Its been 4 yrs po simula nung umalis kami ni mama kay papa. 3 yrs old na po ung kapatid kong hindi nakakakita'dun mas nagtuloy-tuloy ang pagluha ni carla at sandali syang napatahimik ang mga nakikinig at manonood nmn ay ang iba ay umiiyak ng tahimik ang iba nmn ay tumingin lang sa baba. Habang si marc nmn halata sa mukha nya ang gulat sa nalaman pati mga kaibigan ni marc ay nagulat sa nalaman.
'Nakita ko na po ulit si papa at hindi alam un ni mama at papa' nagulat si ciara sa narinig mula sa anak ganon rin si marc iniisip kung kailan sya nakita ng anak
'Nagtitinda po ako non ng sampaguita habang si mama po magtitinda ng mga pagkain sa tabe ng simbahan' dun mas lalong nagulat si marc sa nalaman na nangyare sa kanyang magina
'Abala po non si mama tas lumapit po ako sa isang couple pero napatigil po ako kase po nakita ko si papa' nakangiting mapait na ani ni carla habang sa baba lng ang tingin. Napakunot nmn ang noo ni marc si ciara nmn ay pinipigilan ang maiyak habang kalong-kalong ang tatlong taong anak na ngayon ay nilalaro ang kwintas na soot ng ina kahit hindi nya nakikita ito
'My papa hinahawakan nya ung tiyan nung babae kase medyo malaki na ang tiyan nung babae po. Tas narinig ko pong sinabe ni papa na excited na syang makita ang anak nya at pakasalan sya' napatahimik ang lahat at tanging mga mumunting iyak at hikbi lamang ni carla ang maririnig. Hindi na napigilan ni ciara ang mapaiyak sa nalaman niyakap nya nalamang ang anak na wala pang muwang sa nangyayare. Si marc nmn ay napatulo na ang luha hindi nya aakalain na makikita un nang anak. Napayuko na lamang sya at umiyak hindi nya kayang makita ang anak nyang umiiyak
'Natupad na ni papa ung pangarap nya pero hindi nya kami binalikan kase masaya na sya' pahina ng pahina na ani ng batang si carla napatingin nmn si marc sa bata at umiling iling pa
'At alam nyo po ba andito po ung papa ko' sabe ni carla na nagpagulat sa lahat maging kay ciara
'Kaya po ngayon po gusto kong may sabihin kay papa at sana payagan nya ako' nakatingin lamang si carla sa pwesto ng kanyang ama. Sa narinig ni marc ay napatingin sya sa anak na nakatingin din pla sa kanya
'Papa i love you po and i miss you po. I want a complete family po at gusto ko na rin po makakita na si carl. Kaya po umaasa ako na babalikan nyo po kami ni mama at carl papa' nakatingin lamang ang mag-ama sa isa't-isa.
'Pero po masaya ka na po. Magakakaroon ka na po ng bagong babaeng makakasama mo hanggang sa dulo ng buhay nyo po at magkakaanak ka na po. Papa sana po lagi ka pong ngumiti at iwas-iwasan rin po ang pagiging magalitin. Wag nyo pong hahayaan na maiwan ka po ulit mag-isa papa' nakangiting ani ni carla kay marc at si marc nmn ay nakatingin lng sa kanya na malapit ng lumuha muli. Bigla na lamang nagulat ang lahat sa ginawa ni carla dahilan ng pagtayo ng kanyang ina at don nakita ni marc si ciara na bitbit ang bunso nila. Tumingin muli sa harapan si marc at dun ay napatayo sya nakita nyang nakaluhod ang anak nya.
'Papa hayaan nyo po kami nila mama na mahalin ka po sa malayo kase hindi ka na magiging amin ulit papa kaya hayaan mo kami nila mama na mahalin ka ng mahalin papa' sigaw ni carla habang tumutulo ang madaming luha na galing sa mata nya at ang dalawang kamay ay magkahawak
'Sige na papa pumayag ka na po kahit un na lng po ang regalo nyo sa bday ko papa kahit un na lng po papa' malakas na sigaw ni carla habang nakaluhod pa rin don napaiyak ang mga manonood at binaba ni ciara ang bunso nya at hinila patayo ang panganay na anak na ngayon ay wlang tigil sa pag-iyak. Kinuha na rin ni ciara ang bunsong anak at mga gamit at tuloy-tuloy na lumabas. Hindi nmn maproseso sa utak ni marc ang nangyare at ginawa ng anak nya.

MY DAUGHTER'S WISHWhere stories live. Discover now