Chapter 2

37 5 0
                                    

Pass out....

After that incident 1 week hindi pumasok si Boss. Nag-email na lang sya sakin na may business trip daw sya at medyo naka-hinga naman ako ng maluwag dahil dun. Naging okay naman ang takbo ng trabaho ko sa kompanya. Mabuti na lang din at wala muna si Boss dahil baka ma-aning ako lalo dahil sa nangyari. 

"Alam mo mabuti na lang at wala muna si Boss. At least walang asungot na pumupunta sa office nya." sabi ni Akira. Lunch break kasi namin ngayon at kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria ng company. 

"Asungot?" tanong ko kay Akira. 

"Shi Biantsa!" sabi nya habang may laman pa ang bibig. 

"Ano ba yan Kira?! Lunukin mo nga muna yan!" sabi ni Michael kay Akira.

"Si Miss Bianca kasi sis. Sorry na Michael ha ganito lang ako." 

"Hayaan mo na nga kasi yun. Laki ng galit mo dun ahh." sabi ko naman kay Akira. Pero sabagay kahit ako galit dun. 

"Hindi naman malaki. Sobrang laki lang." ngisi nya pa. 

Natapos na kami mag-lunch at bumalik na sa kanya-kanyang desk. Ako naman pumunta sa office ni Boss para kunin ang mga papeles na kailangan ng finance department. Medyo kabisado ko naman kung saang filing cabinet kukunin. Nang nakuha ko na ang papeles may tumuwag naman sakin. Nang makita ko na si Jared yun ay agad kong sinagot. 

"Red, napatawag ka?" 

"Wala naman sis. Kumain ka na ba? Samahan mo naman ako!" 

"Tange, may trabaho pa ko." 

"Iwan mo na yan. Ako bahala sayo." 

"Baliw." binabaan ko sya ng tawag dahil walang kwenta nanaman sasabihin nya sakin. 

Palabas palang ako ng office ni Boss nang biglang bumungad sakin si Sir Lucas. Napalayo naman ako ng konti para bigyan sya ng daan papasok. 

"Good afternoon po Sir Lucas." bati ko sa kanya at nginitian ako. 

"So how are you?" 

"Ahm. I'm good naman Sir. Hehe kayo po ba? Gusto nyo po ba ng kape?" 

"No need. I'm here to ask you something." medyo kinabahan naman ako sa sinabi ni Sir Lucas. 

"Do you know Dashiell right?" napakunot naman ang noo ko sa tanong ni Sir Lucas. 

"Yes Sir. He is my bo--" naputol pa ang sasabihin ko nang biglang dumilim ang mukha nya at pinutol ang sasabihin ko. 

"That's not what I mean." napatahimik naman ako sa sinabi ni Sir Lucas. 

Unti unting nag-iiba ang atmosphere dito sa loob ni Sir Lucas. Imbes na sagutin sya ay tumahimik lang ako at tangkang aalis ng bigla naman nyang hinawakan ang pulsuhan ko. 

"So you know him?" tanong nya ulit at unti unti na akong naiiyak. 

"Please Sir. Let me go." hindi ko na nakayanan, napaluhod ako sa harapan nya at napa-iyak. 

Alam kong nakakahiya pero hindi ko maiwasang mag-breakdown. Umiyak lang ako ng umiyak habang siya naman ay pinapatahan at bigla na lamang dumilim ang aking paningin.

"Mahal na mahal kita. I'm so sorry if I need to do this." 

Napabangon agad ako at biglang sumakit ang ulo ko. Humiga ulit ako pumikit. Sht, ano bang nangyari? Napatingin naman ako sa paligid at nagulat akong nandun si Boss. Nalaglag naman ako sa hinihigaan ko. 

"Shemay." 

"Are you okay?" tanong sakin ni Boss at inilalayan ako tumayo. 

"Okay na po ako. Ano po pala nangyari?" pagkatanong ko kay Boss bigla namang pumasok si Sir Lucas. 

Billionaire Series: Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon