Chapter 6 (SPG)

23 4 1
                                    

First..

WARNING: SPG AHEAD NOT SUITABLE FOR BELOW 18!

NAGING maganda naman ang stay naming mag-ina sa vacation house ng magulang ko. Medyo maayos na din ang lagay ni Mommy kahit papaano ang dalawang kids naman laging nasa kwarto kung nasaan ang Abuela nila. Minsan din kapag gising ang lola nila tinuturuan ni Mommy ng simpleng Español.

"Te kwero abuela." natuwa naman ako sa sinabi ni Adreanna.

"Te kwero din po abuela." sabi din ni Aidan na kinaluha ni Mommy.

Agad ko namang nilapitan si Mommy para punasan ang luha nya. She's so fond of my babies. Nasabi ko na din kayla Daddy ang plano ko na dito muna si Adreanna and Aidan agad namang um-oo sila Mommy. It's Monday 5 AM palang umalis na ko sa bahay para hindi na rin ako ma-late sa trabaho. Kuya Axel and Kuya Maxwell insisted me to ride our chopper para hindi ako ma-hussle sa byahe.

6:30 AM nang lumapag ang chopper namin sa rooftop ng company nila Daddy. The Sotello Corporate. Nagpa-salamat ako sa nag-drive sakin ngayon. Nakakapanibago dahil 5 years din ako hindi naka-apak sa kompanya na 'to. May nakita akong babaeng nag-aantay kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Good morning Miss Sotello. I'm Macey your brother's secretary." pagpapakilala nya sakin.

"Hi." yun lamang nasabi ko.

"Let's go Miss." she warmly smiled at me at sinundan ko naman sya.

"Oh my gosh, sino yan?"

"Bat yan andito?"

"Shh, alam ko anak yan ni Mr. Sotello yung nabuntis ng maaga. Gosh landi landi."

"Talaga? Sayang ganda pa naman."

Madami akong naririnig na bulungan pero sina-walang bahala ko lang yun. Ganyan talaga ang marites kapag may nakikitang mas maganda pa sa kanila lalo ka lang nila paguusapan. Shems, feel ko ang famous ko.

"I'm sorry for those people Miss Sotello." hingi ng tawad sakin ni Macey.

"Oh, don't be sorry. Hindi mo naman kasalanan." I smiled at her to assure her na hindi naman ako affected sa sinasabi nila. Kasi totoo naman.

Nakalabas na ako ng kompanya nila Daddy at dali daling pumara ng taxi. Tumingin naman ako sa relo ko.

Sht.

Mal-late pa ata ako! Gosh. Mabuti na lang at hindi masyadong traffic at nakadating ako agad sa company ni Sir Dashiell. Inabot ko ang bayad ko sa driver at dali daling pumasok. Kinuha ko naman ang id ko sa bag at sinuot yun.

Buti na lang at hindi pa nasasara ang elevator at nakasingit pa ako. Halos patakbo akong pumunta sa desk ko. Jusko! Nakakapagod.

"Hoy sismars ayos ka lang?" tanong sakin ni Akira. Tumango naman ako.

Binigyan naman ako ng tubig ni Akira. Ininom ko naman yun. Binati naman ako ng iba ko pang ka-officemates at nginitian ko lang sila.

"Andyan na ba si Boss?" tanong ko kay Akira.

"Oo, mukhang bad mood nga si Boss eh. Siguro hindi naka home run."

"Gaga." sabi ko.

Gagawa na sana ako ng report for today ng bigla naman ako pinatawag ni Sir Dashiell. Nasa pinto palang ako ng office nya nang may naririnig akong sigaw.

"Dashiell you're being so unfair here! Why did you cancel our wedding?!" napatakip ako ng bibig ng marinig ko ang sigaw ni Bianca.

"So what?"

Billionaire Series: Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon