Chapter 3

37 5 0
                                    

Axel...

"Nakakatampo ka talaga Rye. Hindi ko man lang alam na may anak ka na." pagtatampo pa ni Grey sakin. 

"Sorry na nga kasi. Tsaka diba madami nangyari noon and di na din kita na-contact nahihiya na ako kasi madami ka na din naitulong sakin noon." pagpapaliwanag ko sa kanya pero mukhang hindi pa kumbinsido. 

Kasalukuyan kaming kumakain sa isang fastfood restaurant. Pinilit pa talaga nya ako na kumain kahit wala naman akong gana. Naiinis pa din ako hindi dahil sa nangyaring away dahil dun sa pisteng condom na yun. Patay talaga yun sakin si Akira. Nakakapagtaka din bat may condom syang dala?! 

"Who's the father, Rye?" tanong sakin ni Grey na kinatigil ko kumain. 

"Him." simple kong saad at pareho naman kaming natahimik. 

Tinapos ko na lang kumain at hinintay matapos si Grey. Dahil matagal talaga matapos kumain 'tong Abo na 'to nag-facebook na muna ako. Nag-scroll muna ako nang bigla namang nag message sakin si Akira sa instagram.

akiracutietakushira

Okay ka lang ba sis? Wag ka na muna pumasok bukas if di mo pa kaya ha. Ako muna bahala sa work mo.

azirye.mullen

I'm good naman. May kasalanan ka pa sakin bwiset ka!

akiracutietakushira

Luh? Ano nanaman yun? Ayos ka ahh!

azirye.mullen

Yung condom! Nakita ni Boss! Patay ka talaga sakin bukas.

akiracutietakushira

Buang ka pala ehh bakit mo pinakita? Hay nako krzy azi HAHAHAHA! 

Hindi ko na nireplyan si Akira dahil sumasakit lang ulo ko. Hindi ko napansin na nag-order pa si Grey ng dessert. Grabe talaga 'to papatabain ako!

"By the way. Do you have any plan to tell him?" bigla namang tanong sakin ni Grey. 

"Nope." simple kong saad at kumain ulit ng ice cream. 

"Maybe. Just maybe he deserves to know." 

"I don't know. Kapag naaalala ko yung ginawa nya sakin iniisip ko na hindi nya deserve makilala ng mga anak ko bilang ama. Ayoko namang masaktan mga anak ko kung ayaw nya sa kanila and diba may fiance na sya? Ayoko na din pumasok sa eksena." 

"But Rye-"

"Sorry, Grey pero my decision is final." natahimik naman sya. 

"Can I see them?" paalam pa nya sakin at tumango lang ako. 

Napag-desisyunan na namin na ihatid ako ni Grey sa apartment na tinutuluyan ko. Napagod ako ngayong araw ang daming nangyari. Habang nasa sasakyan ako nakatingin lang ako sa labas at malalim ang iniisip. Wala pang isang buwan ako sa kompanya ang dami na nangyaring ganun. Pero mas tatapangan at pupurisigihin ko pa. Alam kong hindi lang isang beses yun mangyayari kaya kailangan kong maging handa. Tinuro ko kay Grey ang daan papunta sa apartment na tinutuluyan namin. 

"Pasensya na maliit lang talaga tong tinutuluyan namin." hingi ko nang tawad kay Grey. 

"No, it's okay." nginitian nya pa ako para makumbinsi ako na ayos lang talaga. 

Pumasok kami sa apartment at bumungad sakin ang cute kong mga anak. 

"Damn it. Its twin!" gulat na pahayag ni Grey. 

Billionaire Series: Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon