Prologue

64 6 0
                                    

"Mama, want po." inabot sakin ni Adreanna ang isang barbie doll na nakita nya sa toy section. 

"Anything else baby?" tanong ko kay Adreanna. 

"Mama, 'to din po." inabot naman din ni Aidan ang toy car.

"Mama, dada po?" ngumiti lang ako sa kay Adreanna ng malungkot at inaya na sila bayaran ang pinamili namin. 

Ang hirap pala sagutin ang anak mo lalo na kapag daddy na ni;a ang hinahanap. Minsan din naririnig ko din silang umiiyak sa tita nila kung bakit wala silang daddy. Para sakin ang hirap sobrang hirap to the point na gusto ko na lang magpa-kamatay pero nung dumating silang dalawa sa buhay ko nagbago lahat. Totoo talaga yung sabi nila na 'The baby is truly a blessing.' 

Pagkatapos namin bayaran ang pinamili namin nag-request pa sila na maglaro muna sa isang playground dito sa mall. Napakasama ko namang ina kung hindi ko pagbigyan ang mga anak ko. Minsan lang naman din, minsan ko lang din sila makasama kaya ayos lang. Makita ko lang masaya ang anak ko ayos na sakin. Binilinan ko muna si Adreanna na bantayan ng mabuti ang kapatid nya. Sa kanilang dalawa ni Aidan sya ang matanda ng limang minuto. Iniwan ko muna sila saglit para makapag-ikot ikot sa paligid, pang-tanggal buryo lang habang hinihintay ko matapos maglaro sila Adreanna. 

Habang naglalakad ako hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako. Humingi ako ng pasensya sa nabunggo nang nag angat ako ng tingin nabigla ako sa nakita ko. 

Bakit sya andito?  Akala ko ba nasa America pa din sya. 

"Sht, ang init. Sa susunod miss tumingin ka naman sa dinadaanan mo." sabi sakin ng lalaking kaharap ko ngayon. 

"Miss naririnig mo ba ako?" 

"Josh." tawag ko sa pangalan nya pinipigalan ng umiyak sa harap nya. 

"How did you know my n---" naputol ang sasabihin nya ng bigla namang nag ring ang phone nya. Hindi ako makagalaw. Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko. 

"Yes, Bianca I'm on my way may dinaanan lang ako." 

Bianca. Sila na pala ulit napatawa ako ng sarkastiko sa isip ko. 

"I'm sorry kung nabangga kita." aalis na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang pulsuhan ko. 

"Miss, hindi mo ba nakita ginawa mo sa shirt ko." malamang nakita ko duh chos lang . 

"And also you look familiar." sabi nya. Bigla naman akong kinabahan. Ex mo ko. Gusto ko sanang sabihin pero para saan pa. Mapapahiya nanaman ako. Tama na. Tama na yung isang beses nya ako pinahiya sa madaming tao. 

"Haha. Baka ano may kamukha lang akong artista hehe." sana naman kagatin mo yung excuse ko jusko gusto ko nang umalis. Ayoko nang makausap ka pa! 

"Hmm, okay pero hindi pa din kita mapapatawad sa pagtapon ng kape sa shirt ko." huh? Lakas pa rin ng amats nito. 

"Excuse me po. Ikaw po yung may hawak ng kape bakit natapunan naman ako ng konti sa shirt ha nagreklamo ba ako? Nag-sorry na din ako diba kahit pareho naman tayong may kasalanan." gusto ko syang irapan. Totoo naman ehh pareho naman namin kasalanan. Dami pa din issue nito. Badtrip. 

"Rye!" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. 

Save the bells!

"Babe! Buti naman andito ka na hehe." lumapit ako kay Red agad naman ako binitiwan ni Josh. Nagulat din si Red nang makita nya si Josh, unexpectedly. 

"Tara na hinihintay na tayo ng anak natin." buti naman at sinabayan ni Red. 

Nakita ko pa din na nakatitig si Josh saming dalawa. Lalakad na sana kami papalayo kay Josh ngunit lumingon muna ako sa kanya ulit at nag-sorry ulit. Tumango na lamang sya at naglakad na din palayo. 

Billionaire Series: Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon