Chapter 8

12 2 0
                                    

Addicted...


Almost 2 weeks na ang lumipas simula nung pumunta kami sa private resort ni Dashiell at sa loob ng dalawang linggo na yun wala akong ginawa kung hindi iwasan sya. Hindi ko pa din makalimutan yun lintek na halik na yun! Napapansin ko din ang pagbabago ng mood ni Dashiell paminsan-minsan. Nagiging sweet sya sakin minsan. Minsan naman mainit ang ulo pero babalik sa pagiging sweet. 

Oh, di 'ba? May saltik ang boss ko. 

Alam ko naman na nangako ako na tutulungan ko sya na bumalik ulit ang alaala nya pero sa hindi ganitong paraan! Nai-stress ako dito sa boss kong 'to. Maloloka talaga ako. 

"Sis, tawag ka na ni Boss. Ay hindi pala ex mo!" sabi naman ni Akira at sinundan pa ng tawa. 

"Alam mo sarap tanggalin nyang dila mo." napa-irap naman ako. 

Nasabi ko kasi kay Akira ang nangyari mula sa resort at kung anong meron saming dalawa ni Dashiell. Except sa pagiging ama ni Dashiell sa mga anak ko. Kaya heto puro sya pang-aasar. Pero nalulungkot din ako dahil hindi pa kami nakakapag-usap ni Red. Nakakamiss din ang baklang yun. 

Pumunta naman na ako sa office ni Boss dahil sabi nga kanina ni Akira tawag ako ng magaling kong boss. Pagka-pasok ko sa opisina nya nakita ko naman na parang problemado siya sa buhay. Yung mukha nya hindi maipinta nang makita nya ako para namang nagliwanag ang mukha nya. 

"Love, come here kiss me." ngumuso pa sya sakin. Agad naman sumama ang mukha ko sa sinabi nya. 

"Nakainom ka na ba ng gamot mo?" 

"Hindi pa. Hindi mo pa ako binibigyan ng KISSpirin." tumaas naman ang sulok ng labi nya. Susuntukin ko sana sya ng bigla naman nya akong hinila para maupo sa lap nya. 

"What the hell? Seriously, office hours boss ano ka ba?" 

"I miss you. Let me hug you. Promise hug lang." naramdaman ko namang niyakap nya ako. 

"Akala mo ba hindi ko naramdaman ang pag-iwas mo sakin? Grabe ka akala ko ba tutulungan mo akong makaalala?" pagpapaawa pa sakin ni Dashiell. 

"Oo nga pero hindi sa ganitong paraan. Baliw ka ba? Tsaka may fiance ka ano na lang sasabihin sakin?" 

"I don't care basta gusto ko ganito tayo." 

"Whatever." I rolled my eyes. Buti na lang din hindi nya nakita na umirap ako. Baka ano pang gawin nya sakin. 

Nararamdaman ko ang pag-halik nya sa batok ko kaya medyo nakikiliti ako sa ginagawa nya. Hindi ko din maiwasan na mapadaing sa sarap dahil sa ginagawa nya. Sinipsip naman nya ang banda sa batok ko at pinatakan ng munting halik. Naglalakbay na din ang kamay nya papunta sa loob ng blouse na suot ko. Tinatanggal nya ang ilang butones ng pang-itaas ko at hinalikan naman nya ako sa balikat ko. 

Alam kong hindi pwede at bawal pero nagugustuhan ko pa din ang halik nya. Halik nyang nakakalasing at dinadala ka sa ibang dimensyon. Akmang tatangalin naman nya ang bra ko nang nakarinig kami ng katok. Doon lang ako natauhan at agad na tumayo. Inaayos ko naman ang sarili ko dahil nakakahiya! 

Binuksan naman ni Dashiell at pumasok naman si Sky. Napatingin pa sya sa pwesto ko at nakita ko ang pagbabago ng mood ni Dashiell. 

"Alam mo Sky kung hindi lang kita kaibigan baka nasapak na kita." bungad ni Dashiell sa kanya. 

"What?" 

"Nothing." walang ganang sagot ni Dashiell. 

"Nagpunta lang ako dito dahil gusto ni Tita na maniguradong okay ka." sabi naman ni Sky sa kanya. 

Billionaire Series: Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon