"Good afternoon, Sir. What's your order?" I asked the next customer, a genuine smile across my face.
I have been working as a part-timer for the last 3 months. It's my first time but I'm having a great time. Hindi naman kasi siya mahirap saka maraming mga empleyado lalo na ngayong summer para paghati-hatian ang mga trabaho. Ang tanging ginagawa ko lang ay maging cashier. Kalimitan ay ang maglinis ng mga lamesa.
"Here's your meal, Sir." Tinulak ko sa kanya palapit ang tray nang makumpleto na ng isa kong kasamahan ang inorder niya. Nagpasalamat siya saka sumunod ang isang babaeng customer.
"Good afternoon, Ma'am. What would you like to order?" Tanong ko habang nakatingala siya sa menu-ng nasa likuran ko. She looks gorgeous. Not the type of girl who would eat in a fast food chain. Nakasuot siya ng royal blue tank top na may shades na nakasabit at light makeup sa mala-anghel niyang mukha. Pwede na siyang maging artista.
"I'll have..." She took her time choosing her order. And it was... a lot. Two trays are already loaded with her food... at hindi pa siya nakuntento.
Tinignan niya ang dalawang tray saka ulit siya nag-order ng isa pang chicken burger sandwich. Nakakatuwa siyang tignan na kailangan kong mag-effort para hindi ako matawa. Baka kasama niya ang mga kaibigan niya kasi kung hindi...
"Ang takaw niya naman..."
Nanlaki ang mga mata niya maging ang sa akin nang marealize kong nasabi ko ng malakas yung iniisip ko.
I hurriedly cleared my throat, "A-ang ibig kong sabihin, ma'am. Uh... Y-yun lang po ba?"
Ni hindi na ako makatingin sa kanya. Nagkunwari nalang akong may pinipindot sa monitor. Pero nung lumipas ang ilang segundo nag-angat na ako ng tingin kasi hindi na siya umiimik. May sumilay na ngiti sa labi niya.
"That's all. And hindi lang naman ako ang kakain niyan. Sadyang matakaw lang yung kasama ko kaya marami." She chuckled after. Tumango lang ako at ginawaran siya ng awkward na ngiti.
Sinulyapan ko ang likuran niya pero wala yung kasama niya. Wala na ring sumusunod sa kanyang customer. I felt relieved kasi baka may magreklamo sa tagal niyang nag-order. Idagdag pang nag-uusap kami other than taking her order.
"I'll call someone to assist you, ma'am. Wait lang po." Tinignan ko kung sinong walang ginagawang crew saka ko yun tinawag. Lumapit siya saka kinuha ang isang tray. Si ma'am naman ang nagbuhat ng isa.
"Thanks, Lia. Nisha, by the way." Pakilala niya. Saglit pa akong nalito kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Napahawak nalang ako sa name plate kong naka-pin sa aking damit.
Nginitian ko siya, "Welcome--"
"Let me carry that." Parehas namin tinignan ang bagong dating. Ito ata ang kasama niya. Ang gwapo niya. Nakakastar struck. Baka naman talagang mga artista sila at hindi lang ako aware?
Hindi pa man nakakapayag si Nisha ay kinuha na ng kasama niya ang tray at nauna na sa kanilang upuan. Sinundan ko lang siya ng tingin. Doon sila banda sa dulo kung saan tamed ang ingay.
I heard someone cleared her throat kaya napalingon ako sa kanya. Si Nisha. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakita niya na sinundan ko ng tingin yung kasama niya. Baka boyfriend pa niya yun!
"Sorry sorry. Uh enjoy your meal ma'am." I let out a nervous laugh before she left. Buti nalang mabait siya at hindi siya yung tipong kahit sundan lang ng tingin yung kasama niyang lalaki ay parang gusto ka nang sabunutan.
Hindi ko tuloy mapigilan na sulyap-sulyapan sila kung may pagkakataon. Besides having a little crush with the one who's with her ay nacucurious din ako kung sila ba. Or kung artista ba sila, or mayaman. Well, obvious naman na mayaman sila. Sa pananamit at pagkain palang nila ay mapapansin mo na.
BINABASA MO ANG
Letting Go
RomanceLianna and Tyler's Story: She's a beauty, kind, sweet, friendly... she's adorable. No one can resist her but she guards herself with her so called "high and sturdy" wall that she built for so long. And here came a man who she fell inlove with and ea...