Chapter 7

16 0 1
                                    

Seconds passed but I just stared at her back. Walang nagpapatalo sa amin na akala mo may staring contest; walang kukurap. Hanggang sa mapabuntong hininga siya at nagkibit balikat. Tahimik niyang kinuha ang kape niya saka uminom doon.

What she was trying to suggest me to do made me decide to cancel that silly friend request immediately.

"Excuse me. I'll just go to the wash room." Hindi na niya ako hinintay sumagot at tumayo na. Nakita ko naman ang natapong kape sa lamesa kaya kumuha ako ng tissue para punasan ang hindi pa niya napunasan.

While waiting for her, I fished out my phone. Hindi ko alam ang password ng wifi nila kaya in-on ko 'yong mobile data. Notifications made my phone beep after another. Hindi ko pinansin 'yon at pumunta agad sa profile ni Lianna. Nakita ko doon na hindi pa niya ina-accept.

For an unknown reason, I felt disappointed.

Tinitigan ko muna saglit ang DP niya. Hindi ko alam kung saan ito kuha pero mukhang nasa bakasyon siya. She was wearing a red see-through and black spaghetti strap underneath. Nakashorts rin siya ng black. Half of her face was covered with her shades and bangs.

All in all, it took my breath away. Iilang babae lang ang nakakagawa sa akin nito.

Am I starting to like her? No. But if yes, it's only because of her physical appearance. It's her beauty that attracts me.

I was finally going to cancel my friend request when someone snatched my phone behind my back, "Hey!"

Tumayo ako agad at handa na sanang makipaghabulan sa sinumang humablot ng phone ko nang makita ko si Nisha. She has my phone.

"Look what we have here..." Nakita kong ini-scroll niya kaya mabilis ko itong kinuha sa kanya. Sinubukan pa niya ilayo but since I'm way taller than her, she failed. Napasimangot siya.

"Magpatangkad ka muna." I unconciously teased habang tinatago agad sa bulsa ang cellphone ko. My hand stayed in my pocket; still holding my phone. Mamaya ko na siguro icacancel kapag nakauwi na ako.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"What?" I asked. Hindi niya ako pinansin bagkus ay kinuha niya ang kaniyang bag at saka hinila ako paalis sa Starbucks, "Tara. May pupuntahan tayo."

Sumabay ako sa lakad niya kaya ikinawit niya ang kanyang braso sa akin. Pumasok kami sa dep't store at kumuha ng kung anong una niyang makitang sunday dress.

"Para saan naman 'yan?"

"Keisha. Nabasa ko 'yong dress niya last time kaya papalitan ko." Sabi niya habang inaabot ang credit card niya sa cashier. I was confused for a moment because the last time I checked, Keisha was never her friend. Sa katunayan ay magka-away ang dalawa. Hindi ko nga lang alam ang rason dahil hindi naman niya masabi sa akin.

"Let's go!" she excitedly exclaimed. With the paperbag in hand, she dragged me to the basement.

"Is she your friend now?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa area na pinagpark-an ko.

"Of course not." Tumango ako. Of course. Kung kaibigan niya ang bibilhan niya ng damit ay aabutin siya ng taon. Mabusisi siya na akala mo sarili niya ang bibilhan niya. But she does it also for her friends. And with what she did a while ago was far from that. She just randomly picked the dress. Ni hindi niya nga chineck 'yong size.

"Binilhan ko siya para lang may rason tayong pupunta sa party niya. We need to celebrate, you know..." tuloy niya habang taas-baba ang kilay.

Ignoring her last statement I asked, "Party for? Birthday ba niya?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon