~*Tyler's POV*~
"Pasensya na po, Sir. Hindi po talaga kami pwedeng maglabas ng kahit anong personal informations ng employees namin."
"Kahit yung lugar lang kung saan siya nakatira." Pamimilit ko sa manager nila.
Matapos kong malaman na na kay Lia iyong bracelet ay gusto ko na siyang hanapin kaagad. Gusto ko nang makuha iyon sa kanya sa lalong madaling panahon. Baka kung ano na ang ginawa niya sa bracelet.
Hindi ako makampante kahit pa sinabi ng guard kanina na huwag akong mag-alala dahil isasauli din sa akin iyon kapag narealize ni Lia na hindi iyon sa kanya.
Pero hindi ko kilala si Lia so I can't help but think for the worst thing that could happen. Baka itago niya iyon at hindi na isoli sa akin. Or worse, baka isangla niya para lang magkapera!
"Pasensya na, Sir, pero hindi talaga pwede--"
"Do I look like a rapist to you?" Putol ko sa sinasabi niya. Napasinghap siya maging si Nisha na kanina pa walang imik habang nasa tabi ko.
"Ofcourse not, Sir! Hindi po iypn ang ibig kong sabihin. Sa katunayan nga po ay malayong pagkamalan kayong rapist..."
"Then why not give me her address? I can assure you na wala naman akong gagawing masama sa kanya. I'll just have to get something from her."
Umiling siyang muli. "It's against our policies, Sir. Excuse me po. Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho."
Napakuyom ako ng aking mga kamay para pigilan ang sarili kong ihagis ang mga upuang malapit sa akin.
Nisha chuckled beside me bago niya ako hinarap. Mas kumunot ang kanina ko pang nakakunot na noo.
"Your charms will not work every time you use it you know. Tignan mo ang nangyare..."
"Shut up, Nisha. She's just too old to be charmed by me."
"Oh, please..." Umirap siya saka umunang lumabas ng fast food. Sumunod nalang ako.
Sinundan kami ng tingin ng guard hanggang sa makaabot kami sa kanya. Nisha stopped for a moment and asked him something. Lumapit ako para marinig sila ng maayos.
"Sa tingin niyo po, kailan po siya babalik? Anong oras po ang shift niya?" Tanong ni Nisha.
"Kung hindi po ako nagkakamali ay 10am-6pm po ang shift niya."
"How sure are you?" Singit ko. Okay lang naman sa akin na maghintay dito kung iyon lang ang tanging paraan para makita ko siya.
"Ano kasi, Sir. Shift ko na po bago pa man po siya pumasok. Usually ay dumarating po siya ng 9:30 or 9:45. Saka hanggang 8pm po ang pasok ko kaya sigurado po akong 6pm ang uwi niya. Nagpapaalam pa nga po siya sa lahat bago umalis. Mabait na bata." Nakangiti si Manong guard habang nagkukwento. Ganun ba talaga kabait yun? But I can't be so sure.
"Ah ayun yung isa sa mga kaibigan niya dito." Tinuro niya ang babaeng kakatapos lang magpunas ng lamesang ginamit ng isang customer. "Juliet!" Lumingon ito sa amin at lumapit.
"Bakit, manong? Goodmorning ma'am, sir." Nagbow siya bago muling tumingin sa guard.
"Hinahanap nila si Lia. Anong oras ba ang balik niya?" Tanong ng guard.
"Nako! Manong, ma'am, sir. Last day na po niya kahapon. Bakit niyo siya hinahanap?"
Now how could I find her?
"Basta. Uhm pero alam mo ba kung saan siya nakatira?" Nisha was the one to ask.
"Hindi ko po kabisado yung address nila eh. Yung jeep lang na sinasakyan niya araw-araw pauwi ang alam ko. Laging siya po kasi ang naghahatid sa akin sa paradahan bago siya umuwi." Napabuntong hininga si Nisha.
"Hindi na ba siya babalik?"
"Babalik pa naman po siya. Hindi pa po niya nakukuha yung last pay day niya eh."
"When?" Agad kong tanong. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"This week po."
"Can you be more specific? Tomorrow perhaps?" Sinita ako ni Nisha sa atat kong makakuha ng sagot mula sa kaniya.
"Stop it, Tyler. You're scaring her..." Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin sa babae. It doesn't look like she's scared. Maybe intimidated, but not scared.
"Sandali lang po at itetext ko siya." Umalis siya sa harap namin at saglit na may pinuntahan. Kinuha ata ang kanyang cellphone.
Pagkaalis naman niya ay nag-excuse si Nisha sa guard saka ako hinila palabas. Nagpatianod nalamang ako sa higpit ng hawak niya.
"You should be more patient! Tayo ang may kailangan sa kanila kaya magpakababa ka naman!"
"Fine! I'm sorry! Sorry na, okay? Hindi ko lang mapigilan..." Lumapit ako sa railings ng hagdan saka sinandal ang siko ko doon. Tinakpan ko ang mukha ko.
This situation is frustrating. How can I let this happen anyway? Kung sana lang ay hindi inilagay ng guard sa paper bag na iyon ay malamang nasa akin na ang bracelet. Or kung sana ay hindi pa cli-naim ni Lia yung paper bag edi sana hindi ko na siya kailangang hintayin o hanapin.
Kung sana ay mas iningatan ko pa iyon... hindi sana mawawala.
"Fuck..." In the end, alam kong kasalanan ko ang lahat. Hinilamos ko ang mukha ko saka umayos ng tayo. Sakto namang paglabas ng kaibigan ni Lia. Una ko siyang nilapitan. Sumunod naman sa akin si Nisha.
"Hindi pa rin daw niya sigurado, Sir. Basta this week daw. Marami pa raw po kasi siyang aasikasuhin dahil sa palapit na pasukan nila."
Nagkatinginan kami ni Nisha. She knows that I hate waiting. Exemption nalang kung ang usapan ay si Frances. Sa kanya lang mahaba ang pasensya ko besides my family. And since kay Frances din naman iyong bracelet, I think I need to wait. Kaya humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko saka ako tumango sa kanya.
"Can we have her number instead?" Nagdalawang isip siya bago niya tuluyang ibigay sa amin ang number ni Lia. Inabot ko sa kanya ang phone ko saka siya ang nagtipa ng numero.
"Sinabi mo bang may naghahanap sa kanya?" Tanong ni Nisha sa kanya nang maibalik ni Juliet sa akin ang phone. I listened to their conversation as I busied myself with my contacts.
"Hindi po. Sasabihin ko po ba?"
"Oh, no no. It's okay."
"Hindi. Okay lang po. Baka gumawa siya ng paraan para makapunta dito at mameet niyo na siya."
"Hindi. Wag na. We'll wait."
Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin kay Nisha. Sasagot na sana ako ng mas mabuti nga kung itext nalang ng kaibigan niya nang sa ganun ay hindi ko na kailangan maghintay ng ilang araw pero pinigilan niya ako. I think she has other plans. And I'm sure that I won't like it.
"Kami na ang bahala. 'Wag mo nang sabihin na hinahanap namin siya. Tutal na sa amin na ang number niya, we'll be the one to contact her and meet her somewhere." Nisha smiled at her and she smiled and bowed in return.
Nang makapasok muli yung babae sa loob ng fast food ay nilingon ako ni Nisha. She gave me one of her meaningful smiles. I became curious but I didn't ask nor speak. Tinitigan ko lang siya.
Kinuha niya ang susi ng sasakyan sa akin saka niya ito pinatunog. She went to my car and went in first. Saglit akong nanatili sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa aking sasakyan na parang kita ko si Nisha sa loob nito.
"What is she planning to do?" Umiling ako. After asking it out loud, I fished out my phone again and dialed Lia's number.
It rang four times before someone answered it.
"Hello?" Said a lovely voice from the other line.
BINABASA MO ANG
Letting Go
RomanceLianna and Tyler's Story: She's a beauty, kind, sweet, friendly... she's adorable. No one can resist her but she guards herself with her so called "high and sturdy" wall that she built for so long. And here came a man who she fell inlove with and ea...