~*Lianna's POV*~
"Anong susunod dito, 'nay?" Tanong ko sa kasambahay namin.
Kauuwi ko lang galing school at ngayon ay nagpapaturo naman ako sa kasambahay namin ng bagong putahe ng ulam; pinakbet. Sa ngayon ay ang alam ko palang lutuin ay adobo, caldereta, sinigang at nilaga. Expertise ko naman ang pag-priprito at pagluto ng pasta. Pagluluto nalang talaga ng mga pangtanghalian at pang-dinner ang hindi ko alam. I can also bake. Dahil mahilig si mommy sa baking ay tinuruan na niya ako simula pagkabata.
"Hayaan mo muna 'yang kumulo. Hatiin muna natin itong mga natitirang gulay." Tumango ako at sumunod. Ito mamaya ang pananghalian namin.
Sa kalagitnaan ng paghihiwa ko ng gulay ay nag-ring ang cellphone ko. Binaba ko kaagad ang kutsilyo at naghugas ng kamay bago ko ito damputin sa counter.
Unknown number. Sino naman kaya ito?
"Hello?" Alanganin kong sagot.
"Hello po. Sino po sila?" Tanong ko ulit nang walang sumagot. Pero alam kong naririnig niya ako dahil may humihinga sa kabilang linya.
"Hello? Who's this?" Nang wala pa ring sumagot ay binaba ko na. Baka prank call lang. Nowadays, marami na ang gumagawa no'n, mas lalo na ang mga batang walang magawa. I did that once when I was a kid. Natatandaan ko pa kung paano sumigaw sa inis 'yong tao sa kabilang linya. It was epic. Parang walang katapusan ang pagtatawanan namin noon ni Krystel.
After a good 30 minutes ay natapos na rin kaming magluto. Nagpaalam muna akong babalik ng kwarto para magpalit dahil amoy ulam na ako at para ready na rin ako mamayang paglabas ko. Nagyaya kasing lumabas 'yong mga kaibigan ko para naman daw kahit magpasukan na, atleast nasulit namin 'yong break namin.
Sa tagal ng break namin, hindi ko alam kung paanong hindi pa nila nasusulit. Para sa akin ay ayos naman. Nakapag-out of the town ako bago namasukan bilang part-timer sa isang fast food, the rest was work. Dahil sa gusto kong nakikihalubilo sa tao ay never kong naisip na trabaho ang pagiging cashier. Kahit na karamihan sa oras ko doon ay nagtatanong lang kung anong order nila, nag-enjoy ako. Their smiles when they order are enough for me. Kaysa naman nagkukulong lang ako rito sa bahay at walang ginagawa.
My phone started ringing as I finish tying my shoe laces. Inabot ko ito sa coffee table ko saka sinagot.
"Yes?"
"Liaaaaa!" Nailayo ko ang cellphone ko sa aking tenga nang matinis na boses ang sumalubong sa akin. Kahit kailan talaga 'tong si Nathalie. Akala mo nakalunok ng megaphone! "Hindi raw sasama si Rina! Ikaw nga mamilit do'n!"
"Hush. Bakit daw ba?"
"May date daw siya! Kinancel ko nga 'yong akin tapos bigla-biglang uurong dahil sa date na 'yan!" Naiimagine ko na siyang umiirap kahit kausap ko lang siya sa cellphone.
I let out a small laugh, "Ako na ang kakausap. Magready ka nalang diyan, okay?"
"Sabi mo 'yan ah?" Huminahaon ang boses niya, "Pilitin mo siya. See you later!" Um-oo ako saka binaba na ang tawag.
Tumayo ako sa aking pagkakaupo saka dumiretso sa tapat ng salamin. Kumuha ako ng pony tale sa drawer saka nagtali ng buhok. I checked myself once again before I went down to the kitchen. I am simply wearing a white shirt, denim jacket and jeans. This would do.
"Kain na, 'nak." Tawag sa akin ni mommy nang makita niya akong pumasok sa kitchen.
I went near her and kissed her cheek, "Hi,mom."
Naupo ako sa tapat niya at nagsimulang kumain. I ate with gusto dahil sobrang sarap, "Ikaw ba ang nagluto nito?"
Tumango ako, "Nanay and I both cooked it. Pero siya actually ang nagtimpla ng lasa."
BINABASA MO ANG
Letting Go
RomanceLianna and Tyler's Story: She's a beauty, kind, sweet, friendly... she's adorable. No one can resist her but she guards herself with her so called "high and sturdy" wall that she built for so long. And here came a man who she fell inlove with and ea...