Chapter 16: Black Riding Hood

129 8 0
                                    

Chapter 16: Black Riding Hood

  

Kanina pa kami nagbabyahe at sa kamalas-malasan ay pa traffic ngayon. Kanina pa ako nakaupo dito kung kaya’t nananakit na ang pwet ko kakaupo. Hindi ko maiwasang di mapahulumbaba habang unti unting kong binabalikan ang pangyayari kahapon.

“Ayoko nga sabi! Hindi mo ba ‘yun naiintindihan? Sa iba na lang kasi,” pagdadabog ko habang hinihila niya ako papunta sa bilihan ng ticket.

“Papayag lang ako kung sasabihin mo kung bakit ayaw mo dito” Ngumiti siyang saglit bago itinuloy ang sasabihin. “Alam ko na. Nakakakot ka siguro no?” May pang-aasar sa tono nito habang nakangiti pa rin na abot tenga.

“A-ako? Takot? Hahaha. Sinong nagsabing takot ako?”

Nagshrug lang siya sa akin bago tumalikod at nagsalita. “Kung ganon, bibili na ako” Agad siyang naglakad patungong bilihan ng ticket at pumila kahit na hindi pa ako pumapayag.

Umupo muna ako sa bench malapit sa may puno habang inaantay siyang bumalik.

Kung iisipin, ito na ang pangatlo naming date, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay. ‘Yung una naming date ay noong pumunta siya sa school namin at sinabing boyfriend ko raw siya. Nakakatawang isipin na ako ang unang humaltak sa kanya papalayo sa school, pero sa huli, siya ang hulmaltak sa akin para pumunta sa mall. Not literally ‘haltak’ unlike me, pero ganun na din ‘yon.

Nang ikalawa naman naming date ang pinakamalala sa lahat. May kakaiba sa kanya noon. Tila ba nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata niya dahilan upang mapapayag agad ako. Pero di ko naman lubos maisip kung bakit sa library niya ginustong pumunta. Like hello? Pwede namang umuwi na lang siya ng bahay niya at magpahinga hindi ‘yung nang-iistorbo siya ng ibang tao. Well, kahit papano na-appreciate ko naman dahil mas gusto niya akong makasama kaya naman talagang kinilig ako ‘nun.

“Bakit ka ngumingiti mag-isa d’yan?” Wika niya na siyang ikinasimangot ko naman. Bumalik na pala siya.

“Kanina ka pa nand’yan?”  Hindi niya ako sinagot sa halip ay naglahad ng kamay. Tinginan ko naman siya na may pagtataka.

“Tayo na?” Ngumiti siya sa akin. Tumango ako habang nakangiti at inilagay ang palad sa nakalahad niyang kamay bilang sagot sa tanong niya.

Pagpasok namin ay hindi ko maiwasang mapatili sa takot. Nabawasan ang takot ko nang hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at saka bumulong “Wag kang matakot, akong bahala sa’yo” Kikiligin na sana ako kundi lang siya muling nagsalita.

“At saka bakit ka ba natatakot? E, hindi naman totoo ‘yan,” sabi niya habang nakaturo sa kalansay na katabi ko.

Napairap ako sa inis. Kinalas ko ang pagkakahawak ng kamay niya at naglakad ng mabilis. Narinig ko siyang sumigaw pero di ko pinansin. Bahala siya diyan! Panira ng mood.

“Teka lang, bago tayo umuwi sabihin mo muna ang sagot mo,” hingal na sabi niya habang nakaunat ang magkabilang kamay upang maging harang sa daraanan ko.

“Sagot saan?” May pagtataray at inis sa tonong wika ko.

“Kung tayo na. Alam mo na,” aniya sabay kamot sa ulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Instant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon