I'm dead.
Nalaman nang mga blockmate ko yung pagkakaroon ko ng boyfriend kuno. At ano ang reaksyon nila? Syempre natuwa.Kulang na lang magpaparty-party na.Kesyo nagdadalaga na daw ako at isa daw yung himala.
Nasabi ko bang may pagkanerd ako? Nagsusuot ako ng salamin pero sinusuot ko lang pagkelangan. May kalakihan din ang mga damit ko ayoko kasi ng fit saken yung damit parang di ako mahahinga ng maayos pag ganun ang suot ko.Kaya mas preferred ko yung maluluwag.
Huwag lang sanang umabot kay mama 'to. Kundi ay ewan yare talaga ako..
Pumasok na yung prof namin at may ipinakilala syang transfer students daw. Pumasok na ang isa sa kanila.
Singkit, matangos ang ilong, maputi na matangkad, buhok na nakaside view na parang pagkorean na nakajansport bag pero ang isang balikat nya ay hindi nakasuot ng bag. Ang cool ng dating niya.
“Hi! I’m Chester Chua. Nice meeting you” sabi nya tapos ngumiti.Yung mga kaklase kong girls nagtilian naman. Gwapo naman kasi talaga sya no doubt about it.
Pinaupo siya ni ma'am sa harapan at agad naman siyang kinausap ng mga kaklase kong babae na nasa harap. Next na student na pumasok ay..
“Annyeonghaseyo, I’m Jade Sy. You know, I’m just newbie here so please be nice to me" sabi nya sabay yuko. Tulad ng ginagawa ng mga koreana sa k-drama.
“Bakit magkamukha kayo ni Jane?” sabi ni Anne, isa sa mga usisera na kaklase ko. Mabait yan pero may pagka mean din. Isa siya sa mga unang kumausap sa akin nang unang araw pa lamang ng klase.
Tama siya. Magkamukha talaga kami ni Jade. Sigro, kung hindi lang ginupit ni kuya Joseph ang buhok kong hanggang bewang dati ay mapagkakamalang magkambal kami. Napatingin naman sa akin si Jade. Ang inaasahan ko na magiging reaksyon niya ay magugulat katulad ko, pero hindi ganun kasi tinitigan nya lang ako.
Na parang ang cold ng dating. Parang may galit. Parang may pain sa bawat pagtitig nya.
Nabasag ang katahimikan nung nagsalita sya.
“Talaga? Parang hindi naman” sabi nya sabay ngiti. Pero bakit ang ngiti niya iba ang dating sa akin. Para kasing pilit.
**
Bakit kaya parang may kakaiba akong naramdaman kanina nang tinignan ako ni Jade? Hindi ko maipaliwag.. Basta ang tanging alam ko lang ngayon, may kakaiba sa kanya. Nabigla ako nang may humapas sa desk ko.“Hoy! Jane, lalim ng inisip natin ah! Kasing lalim ng Ocean Park”
“Loka! Baka Pacific Ocean ang tinutukoy mo” Napailing iling na lang ako sa sinabi ni Kathleen. “Ayun nga! Parehas lang naman yung may word na ‘Ocean’ eh,” pagdadahilan niya. But knowing her, alam kong nalilito siya. Ayaw lang niyang ipahalata.
“Pero di nga? Wala naman akong iniisip” pagtatangi ko. Inakbayan naman niya ako bago nagsalita. “Ay sus, ako ba niloloko mo Jane? Kilalang kilala na kita mula patay mong buhok hanggang sa patay mong kuko sa paa," Hinampas ko nga. Asarin daw ba ako? Di patay kuko ko sa paa no! Pero yung sa buhok, ahm no comment.