Tahimik lamang akong nakikinig sa aking mp3 na iniregalo sa akin ni kuya noong kaarawan ko. Nakapikit ako upang mas lalong madama ang kanta. Minulat ko ang aking mata nang may pumitik sa noo ko. Nakita ko si Kathleen, ang bestfriend ko na nakabungisngis habang hawak hawak ang cellphone niya.
“Ano naman ba ‘yun Kathleen?” pabirong tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang earphone na nakakabit sa akin. Mas lalong lumapad ang ngiti ng bruha bago sumagot. “Eh kasi naman.. tinawagan ako ng boyfriend ko. Sabi niya magde-date daw kami mamaya” sabi niya habang tinutulak tulak pa ako. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Ganyan talaga ‘yan kapag natutuwa, lalo na kapag kinikilig.
“Oh? Anong gagawin ko?” bored na tanong ko sa kanya. “Samahan mo ‘kong bumili ng damit” sabi niya habang nakadirit ang magkabilang kamay na para bang nagdadasal. “Please” dagdag pa niya sabay puppy eyes. Ugh! Ang kulit talaga nito.
Luminggon linggon naman ako sa paligid at nag isip ng maidadahilan sa kanya. “Jane Martinez, don’t you dare to lie to me. Alam kong kanina pa tapos ang klase niyo” Ano ba naman ‘yan. Mukhang wala na talaga akong magagawa kundi ang samahan ang isang ‘to. Kung bakit ba naman kasi tumambay pa ako dito sa school garden imbes na umuwi na lang sa bahay. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa damuhan. “Oo na, sasamahan na kita”
Nagsimula na akong maglakad. “Bruha!” Tawag sa akin ni Kathleen. Huminto naman ako bago luminggon sa kanya. “Bakit ganyan na kaikli ‘yang buhok mo? Di ba ang sabi ko sayo ‘wag kang magpapagupit ng buhok”
“Si kuya ang may kasalanan niyan,”sabi ko ng naghihinayang din tulad niya. Dati, hanggang bewang ang buhok ko pero dahil sa magaling kong kapatid naging hanggang leeg ko na lang. “Nakakainis naman. Wala na akong tatalian. Pero ang cute mo ha, kamukha mo na tuloy si Dora” Napailing iling na lang ako nang naalala ko ang reaksyon ng mga kaklase ko kanina. Tulad ni Kathleen, ang iba ay nanghinayang pero mas marami ang nagsabing mukha daw akong Dora lalo na’t mahilig pa akong magbag pack. Idagdag mo pa na hanggang balikat lang ako ng mga kaklase ko, minsan nga wala pang balikat. Paano ba naman 5 flat lang ang height ko.
Tuloy tuloy lang kaming naglalakad papunta sa parking lot kung saan may nag aabang na kotse para sunduin siya. Habang nasa byahe ay napansin kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ako ito mula sa bulsa ko at binasa. Mula ito sa unknown number na kailang ulit nang nagte-text sa akin mula noong nakaraang lingo.
"I think, we should have a date"
At tulad ng dati, ay binura ko na lang ito kahit hindi pa nagrereply na kanya. Nakakainis na kasi. Paulit ulit na lang. Sinubukan ko namang tanungin kung sino siya pero ang sagot niya ay.. Kilala ko na daw kung sino siya. Nakakainis talaga. Isn’t it obvious na hindi ko siya kilala kaya ako nagtatanong.
Sa kakaisip ko ng kung ano ano ay hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Pagkapasok na pagkapasok namin ng mall, ay agad kaming pumunta sa NBS. Teka, akala ko ba damit ang bibilhin niya?
“Bakit tayo nandito?” takang tanong ko. “May pinapabili kasing folder si papa sa akin eh” sabi niya na nakasimangot. Ipinakita namin ang mga bag namin sa security bago pumasok. “Bruha, pupunta muna ako sa doon ha” Itunuro niya ang lugar kung saan makikita ang mga folder. Tumango naman ako bilang sagot. Naglibot libot lang ako hanggang sa nahagip ng aking mata ang isang libro na matagal ko ng gustong bilhin.