Jane’s POV
“Patrick,” mahinang tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin gamit ang namumugay niyang mga mata at inantay ang sunod kong sasabihin. “Gusto mong sumandal?” nahihiyang tanong ko. Hindi siya sumagot sa tanong ko sa halip ay isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa ginawa niya. Mas lalo akong napangiti nang naramdaman ko ang paghinga niya sa balikat ko. Nakikiliti ako.
Pilit kong pinipigilan ang pagtawa ko. Mahirap na, baka isipin pa nilang baliw ako. Nilibot ko na lang ang aking mata sa mga katabi namin sa loob ng jeep. Ang iba ay matutulog din gaya nitong katabi ko na nakasandal sa balikat ko. Ang iba naman ay nakikinig sa kani-kanilang mga earphone at ang iba na tulad ko, ay pilit na inaaliw ang sarili sa pamamagitan ng pagtitingin tingin kung saan saan.
“Patrick,” sabi ko habang dinadampi ang kamay ko sa mukha niya. Naalipungatan naman siya sa ginawa ko. “Hmm. Bakit?” Tanong niya matapos inangat ang ulo mula sa aking balikat. “Saan ba tayo papunta?” balik na tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi kami dito. Sumasakit na rin ang pwet ko kakaupo. Idagdag mo pa na wala ako ni isang idea kung pa saan ba ang distinasyon namin.Luminga linga naman siya upang mapagmasdan ang paligid. “Andito na tayo,” sabi niya ng nakatingin sa akin. Ibinaling niya ang tingin niya sa harapan bago magsalita. “Para po” sabi niya upang mapahinto ang jeep. Nang huminto na ito ay ibinaling niyang muli ang tingin sa akin. “Tara na” sabi niya habang nakangiti. Tumungo naman ako bilang tugon.
**“Okey. Pakiexplain nga kung bakit tayo nandito,” nangagalaiti kong tanong. Tumingin naman siya sa akin na animoy isang inosenteng bata. “Bakit? Masama bang pumunta dito?” sabi niya habang hinahawakang mabuti ang kulay asul na libro. “Hindi naman pero, kung ang ipinunta mo lang dito ay para matulog.. Gosh! Nakakahiya!” napasigaw ako sa inis.
Mayamaya lang, ay may lumapit sa amin ang librarian at sinaway kami. Gosh! Nakakahiya talaga. Tumayo na ako upang kumuha ang libro. “Ang utak talaga ng isang ‘yon. Nga naman, hindi siya gagastos kung dito kami. Ano naman ipapabili ko.. Libro? Baka bookstore ‘ to?”Hirap man, ay pilit ko pa ring dinala ang tatlong makakapal na libro papunta sa inupuan ko kanina kung saan nandoon si Patrick na natutulog. Pagdating ko ay ibinagsak ko ang libro sa mesa. “Fuck” sabi niya na halatang nagulat at biglang napagising. Nakakatawa ang ekspresyon niya ng mukha niya. “Saying something?” pang aasar ko pa. Inirapan naman niya ako. Tss. Kalalaking taong kung makapag irap wagas.
“Tara na nga,” sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinigit papalasbas. Muli kaming pumunta sa sakayan ng jeep. Kanina pa siya tahimik sa tabi ko. Iniisip ko tuloy galit siya sa akin. Pero, dapat lang din naman akong mainis no! Ikaw kaya ang mag expect na date niyo ‘yun pero dadalhin ka lang pala sa National Library.
Hinawakan niya ang kamay ko bago kami bumaba. Akala ko bibitawan niya pagpasok naming ng mall pero mali ako. Medyo naiilang na ako dahil kanina pa magkahawak ang kamay namin. Pinagtitinginan din kami ng ibang nadaraanan namin. Wala naman kaming ginawa kung hindi ang magwindow shopping lang.
“Bilhan mo ko nun,” sabi ko habang nakaturo sa mga nakasalubong naming mga kabataan na may hawak ng ice cream na hugis J. Ang cute. Nacre-crave ako sa ice cream. Tinignan naman niya ako na tila ba hindi makapaniwala. Ay, bahala siya dyan basta bibili ako. “Ate, pabili po” sabi ko sa babaeng nagseserve ng ice cream.