Inangat niya ang mukha ko at hinawakan ang magkabilang pisngi. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Mas lalo lang kaming mapapagalitan nito.
"Sorry Ma'am," sabi niyang nakatingin kay Ma'am tapos ibinaling ang tingin sa akin bago itinuloy ang sasabihin. "Kinakantahan ko lang po kasi ang mahal ko" dagdag pa niya.
"Yiiiiee" Ayan, inasar tuloy kami ng mga kaklase namin. Pati si ma'am inasar din kami.
Napailing na lang ako. Namataan ko si Kath mula sa labas ng room na tila ba may hinahanap. Kaya naman kumaway ako ng palihim. Napansin niya ako. Alam ko yun, kaso bakit sumimangot siya nung napansin niya ako?
Nag away na naman siguro sila ng boyfriend niya, kaya kung makasimangot akala mo'y pasan ang mundo. Pero, kahit alam ko na may boyfriend siya ni minsan ay hindi niya pa ito napakilala sa akin.
Minsan tuloy naisip ko na hindi tunay na kaibigan ang turing niya sa akin. Para kasing hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Siguro hindi lang talaga ito ang tamang panahon para makilala ko ang bf niya.
"Huwag kayong ganyan," tumayo si Chester at hinarap ang mga kaklase ko. "Namumula tuloy ang baby ko" sabi niya sabay pisil sa ilong ko.
"Ayiiiieee" mas lalong lumakas ang hiyawan at pang aasar sa amin. Natigil lang ito nang nagsalita si ma'am. "O'siya tama na yan lovers. Maglelesson na ako" sabi niya. Phwew! Save by the bell. Narinig ko namang ang samut saring reaksyon ng mga kaklase ko
"Bakit ba kasi may ganitong subject pa," sabi ni Anne, ang nagrereyna-reynahan sa section namin habang hinihilot ang sentido na halatang pilit na iniintindi ang nakasulat sa board.
"Kaya nga eh. Di ba nila alam pasakit lang 'to sa mga estudyante," saad naman ng kaibigan niyang si Kate, bago ibinagsak ang kanyang libro sa desk.
"True! Magagamit ba natin yang algebra na yan sa pagmamarket ng mga products," dagdag muli ni Anne.
Infairness, may point siya dun. Ano nga bang kinalaman ng algebra pag naging marketer na kami? Wala naman di ba? Kasi more on talk yun. Verbally.
"Stop eavesdropping. Masama yan" bulong sa akin ni Chester habang nakatingin kay Ma'am Ching na kasalukuyang nagtuturo.
"Teka lang," lumapit ako sa kanya at bumulong "Bakit nga pala kita katabi ngayon? Sa pagkakaalam ko, doon ka nakaupo sa unahan?" sabi ko na nakatingin din kay Ma'am Ching. Mula sa peripheral vision ay nakita ko na lumapit siya sa akin.
"Ayaw mo ba akong katabi?" sabi niya sabay pout. Hilig talaga niyang magpout no?
"Hindi naman" Hinawakan niya ako sa bewang at hinigit papalapit sa kanya.
"Nakakaantok magturo si Ma'am" Tama siya. Nakakaantok naman talaga. Mahina kasi ang boses ni Ma'am dahil na rin siguro sa edad niyang 40+ and to think na halos buong oras namin sa kanya ay nakaharap lang siya sa board at nagsusulat ng kung ano ano ay talagang maaantok ka.
BINABASA MO ANG
My Instant Boyfriend
Roman pour AdolescentsHaving an instant boyfriend do really possible?