Chapter 8: Impossible

634 172 45
                                    

Jane's POV

Hindi ako makatulog. Argh! Kasalanan 'to ng epal na Patrick na 'yun. Matapos ang lahat ng sinabi niya bigla ba namang umalis. Napatulala ako nang muling nanumbalik sa aking isipan ang nangyari.

 **

"Nyemas ka! Bakit ambilis bilis mong magpatakbo? Gusto mo bang magpakamatay?!" sabi ko habang pinapalo siya sa dibdib.

 

"Welcome" Walang kabuhay buhay niyang sabi. Natigilan ako sa pagpalo. Oo nga pala, di pa pala ako nakakapagpasalamat. Aish! Manners Jane. Kinalimutan mo.

 

"Thank you and sorry.. Pero dapat lang yun sayo. Matapos mo akong iwanan kanina.. buti na lang binigyan mo ako ng.. Teka! Ano nga palang gusto mong name ng panda na binigay mo-- hmmm"

 

"Ang ingay mo," sabi niya matapos akong halikan. Shems. Natameme ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin.

 

"Tatahimik ka rin naman pala," inakbayan niya ako kaya naman tinulak ko siya ng pagkalakas lakas dahilan upang mapaatras siya. Tinalikuran ko siya at humarap sa gate.

 

"Che!Tumigil ka nga!" Sigaw ko habang binubuksan ko ang gate namin.

 

"You're blushing" Tumabi siya sa akin

 

"Hindi no!" Sabi ko ng nakatingin pa rin sa gate

 

"Now, you're defensive" Sa tono palang ng pananalita niya, alam ko nang nangaasar siya. Pero bakit ganun, kinikilig ako. Arrggh! Kainis! Hinarap ko siya.

 

"Hindi ah!" Ngumiti lang siya. Mas mabuti na yun,kesa naman mangasar siya. Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko.Yung tipong parang 5 inches na lang ang pagitan.

 

"You know what? You look more beautiful when you are blushing," sabi niya bago umalis.

 **

Tama na nga ang kakaisip sa kanya Jane. Ni hindi ka na nga nakatulog dahil sa kanya. Time check! 4:00 am na. Pinilit kong pumikit pero wala talaga.Hindi talaga ako makatulog ng maayos. Ipinaghanda ko na lang ng almusal sila mama. Peace offering ko na rin 'to kasi anong oras na ako nakauwi kagabi.

"Goodmorning ma," sabi ko pagbaba na pagbaba ni mama mula sa hagdan.

Nasa second floor kasi lahat ng kwarto. Two storey lang ang bahay namin. Hindi masyadong magarbo at di rin kalakihan. Sapat lang para sa aming apat.

Umupo siya sa tapat ko. "Ikaw ba lahat ang nagluto niyan?" tanong niya saken habang nakaturo sa mesang bilog na pinagpapatungan ng mga pagkaen na niluto ko. Halatang hindi makapaniwala na nakapagluto ako ng pagkaen na hindi nasunog.

"Opo," sabi ko sabay ngiti.

"Naku, ang anak ko.. nagdadalaga na" hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya naman ngumiti na lang ako. Kung kanina halos hindi ako inaantok ngayon, inaantok na ko.

My Instant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon