chapter 9: his girl

39 2 0
                                    

(30v)
----------

(dedicated to Kafuka_aya and adonnasandova, thanks big time for following. i'd try my best para maging maganda ang chapter na ito. xoxo -xephruz)
----

"Hija, ano bang nangyari sa iyo?"
umpisa ni mommy nakahawak sa mga kamay ko trying to convince me to tell her my problem.

Hindi kami close ng mommy ko. Si daddy ang super close ko. And shempre, paborito ako noon, sayang lang at kinuha na sya ni God ng maaga.

Natulog na lang ako. Masama pa din ang pakiramdam ko at masama pa din ang loob ko kay bestfriend.

Ayaw ko na munang mag-isip ng kung anu-ano. Ayokong ma-stress.

Nagising ako sa paghaplos ng isang kamay sa buhok ko. And when I open my eyes, it's Yñigo.

"Why are you here?" pinilit kong bumangon at umupo dahil medyo okay na din ang pakiramdam ko.

"I need to check on you." Tipid nyang tugon habang sinasalat ng kanyang kaliwang kamay ang noo at leeg ko. "I guess you're feeling okay now."

"Kinda.." tipid kung tugon. At sumandal sa headboard ng kama ko.

"Kumain ka na?" Kaagad ko namang napansin ang dala nyang McDonald's meal. "Here, i brought you, your favorite" showing me the double cheese burger. Actually its a meal. And medyo disappointing kasi it's a meal. "What's the problem?" napakunot noo sya while i only look at the food.

"We didn't eat by meals, me and Rojan." mahina kong saad. Lalong kumunot ang noo ni Yñigo, he's pissed. "Okay! Fine! I alone don't eat by meal."

"So, should i order you another one?" nasa boses pa din nya ang naiinis sa sinabi ko. I know, hindi sa pag-iinarte ko sya naiinis. When i mentioned my bestfriend's name, nag-arched ang eye brow nya.

Kinuha ko na lang ang hawak nyang food. Kahit disappointed, kaylangan kong kainin para hindi bawas ganda points kay Yñigo.

Super lucky nga ako having him around. Lalo pa ngayon. I badly needed a company.

Siguro nga masyado ako naging dependent kay Rojan to the point na hindi na sya magka-girlfriend again because ako parati ang pinaprioritize nya. Nakalimutan na nga ni best ang magka-lovelife because of me.

Masyado na ba akong nagiging selfish? Should i let him go to find his happiness?

Mukhang napakahirap naman na bitiwan ang isang bagay na nakasanayan mo na. Tsss..

"Taste so good" nakangiti kong saad though maduduwal na ako sa daming onion ng DC burger ko. I used to eat DC burger with less onion or if possible without onions.

Pero si Yñigo ang may dala nito kaya kahit santambak na union pa ang DC burger, kakainin ko pa din. Shempre, kailangan ko magpa-empress.

"So are you staying here the whole day?" tumayo na si Yñigo at kumuha ng tissue for me. All i thought ee iaabot nya sa akin, pero lumapit sya sa akin and seriously looking at my lips.

Is he gonna kiss me? Oh my! Hindi pa ako nakaka-toothbrush. Bawas ganda points na naman. Hindi ko din naisip na magmumog man lamang. Grabe!

Shock! Baka may panis na laway pa ako. Geee! Please, kailangan kong mag-disolve right now. :(

Napapikit ako sa kahihiyan at naramdaman ko na lang ang kamay nya na pinupunasan ang gilid ng labi ko ng tissue.

Shocks! Kala ko panis na laway, hindi pala. And i also thought, he will kiss me. Assuming ako masyado. Dyahe!

May mayonnaise lang pala ng DC Burger na lumabis sa sa gilid ng labi ko.

"So are you staying here all day?" pag-uulit nya sa tanong nya na nakalayo na sa kama.

"A-ahm. Ma-maybe." nauutal kong saad.

"Then i will stay here with you. Okay lang ba?" humarap pa sya sa akin at nagpapacute.

Natawa naman ako sa expression ng mukha nya kaya umuoo na lang ako. Tutal wala naman akong kasama. Mas mabuti na din yon kesa mabato lang ako mag-isa dito sa unit ko.

Si Yñigo ang nagluto ng lunch namin. Grabe! Pogi points talaga sa mga guys kapag masarap magluto. And i super envy them. Sana ako din masarap magluto. Hindi lang siguro itinadhana sa akin na maging magaling sa kusina.

Kumakain kami while watching t.v. It's Asia's got talent and super fan ako ni Van ness at Mel-C ng spicegirls.

"Shad, can you be my girl?" nasamid naman ako sa tinanong ni Yñigo habang nahihiya akong tiningnan sya.

Uminom muna ako ng tubig and clear my throat. "Seriously?"

"Am i joking?" Seryoso ang mukha nya kaya naman napaseryoso na din ako.

"You know i--"

"Just answer me, Yes or No" mahinanhon pang-aagaw nya ng sasabihin. Abah! Agad-agad? Hindi ba ako pwedeng mag-isip muna. My Gosh!

Pero askin' me to become his girl? Sino bang engot ang tatanggi?! Shempre, oo agad. Papakipot pa ba ako. Sabi nga nila, palay na nga ang lumalapit sa manok, tatanggi pa ba?

"Sige na nga," then i smiled..

"What do you mean by 'sige na nga'?" naku! Napaka-slow talaga ni Yñigo. Gwapo sana, slow naman. Kakawala ng kagwapohan.

"Yes! I want to be your girl." nakangiti kong saad.

Then he pulled me closer and kisses me on the lips. Nagulat naman ako at first, but then i found my self responding for every na ginagawa nya.

We almost run out of air when we stop kissing. Natawa pa sya before he kiss me on my pore head.

"Thank's!" At nagpatuloy na syang kumain.

Thank's? Why thank you lang ang sinabi nya? Wala man lamang bang i love you?! Tsss...

Ayoko na ako ang mauunang magsabi ng i love you. I want him to say those three words and if that happened, sure ako na i can let go of my best friend, little by little.

Umikot lang kasi ang mundo namin sa isa't isa kaya kapag wala ang isa, parang nawala na ang kalahating bahagi ng pagkatao ko.

That's the reason why i never got the chance to have a long lasting relationship.

Madali kong nakakayanan ang pagka-heartbroken ko dahil Rod always there to catch me when i fall.

And at the same time, i'm the one pushing away all the girls na nagkakagusto kay best.

Maybe, little by little, i let those bitches into his life. Basta lang wag nilang sasaktan si best kung hindi magtago na sila sa Mars!

After naming mag-lunch, hindi ako hinayaan ni Yñigo na maghugas ng pinagkainan. Although medyo maselan ang mala-singkamas nyang kutis, nag-volunteer pa din syang maghugas.

Oh! Sinong mahaba ang hair ngayon? Inggit na inggit ang lahat ng babae sa kagandahan ko dahil pinagsisilbihan ako ng hottie. :D

Nagpahinga kaagad ako at si Yñigo naman ay nanuod ng t.v. He's watching CSI Miami sa AXN. Gusto ko sanang manuod kaso pinagbawalan ako ng prince charming ko.

Wait! Ano bang date ngayon? I should have mark this date :)
Its January 21.

Then i start to close my eyes, kaso hindi ako mapalagay. What if pag gising ko, wala na ang prince charming ko.

Bumaling ako sa direction kung nasaan sya. Sobrang seryoso nyang manood, hindi man lamang ako nililingon.

"Shad, take a rest. I'll still be here when you wake up." saad nya na hindi man lang ako nililingon. How'd he know that i'm still awake? Pinakikiramdaman ba nya ako. "Shad," warn pa nya.

"Okay." tipid kung tugon at ipinikit ko na ang mga mata ko. Sweetdreams to me :)

Magmahal at masaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon