/02/

1 2 1
                                    


Nang makarating ang aking kabayo sa trangkahan ng palasyo ay walang segundong bumaba ako rito at Nakita ang aking lolo't Lola na napupuyos sa galit dahil saguro'y sa aking pag kawala at pag huli ng dating.

" Dyos mio! Olive tatlong segundo kang huli sa pagtitipon," Ang kanyang  matutulis na tingin na para bang tumatarak sa aking katawan " Ni ang pag pakikilala ng aking mga apo'y di ka nakadalo!"

Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at ganun na din sa aking lola " Paumanhin ho. Kamahalan hindi na muli itong muulit."

Ang kanyang galit na ekspresiyon ay di nawala dahilan ng pag hipo ng aking lola sa kanyang likod upang kumalma " Ni di mo nga alam na may kinakaharap na problema ang ating nasasakupan!"

Umawang ang aking bibig sa aking narinig at ipinasa sa dama ang tutang aking hawak " Papaano-."

" Hesus dios mio! Oliver ni hindi na nga Kita makita sa loob ng palasyo'y gabi ka pa kung umuwi !"

" Paumanhin ." Uniyuko ko ang aking ulo dahil hindi ko makakayang gumawa ng away sa pagitan namin

" Lennon mauna ka na sa at humingi ng Paumanhin sa Punong hari dahil sa ating pagiging huli at ako na ang bahala sa ating apo ," sa wakas nagsalita na ang aking reyna dahilan ng pagtahimik ng hari

" Ikaw ang bahala Solace masyadong pinapasakit ng batang iyan ang aking  ulo," siya'y naglakad paalis kasunod ng kanyang mga alalay na lalaki

" Wag kang mag-alala ganun man iyo'y mahal ka pa rin non," saad ng magandang ginang sa aking harapan dahilan ng aking pagtawa

" Na siyang tama aking reyna dahil siya'y kasing rupok ng tuyong patpat tuwing kayo'y galit na,"

Siya'y tumawa ng malakas at tumingin sa aming hari ng puno ng pagmamahal " Siya'y kabit lamang sa aking galamay, siya'y walang binatbat sa aking kakayahan."

" Ang aking ipinagatataka'y bakit halos  lalaki lamang ang taong nakapaligid sa ating hari ," kuryosidad kong taong dahilan ng kanyang pag hagikhik

" Mararanasan mo ito kung ika'y mag karoon ng iyong kapareha ,"

Timaas ang aking kanang kilay sa kanyang sinabi " Hindi kita maiintindihan ?"

" Aking prinsesa ika'y wala pang kaalam alam sa mundo iyan ang dahilan kung kaya't laging protektado ang inyong hari sa inyo," Natatawa niyang saad at hinalikan ang aking noo

" Ewan siguro'y tama ka nga aking reyna ,"

" Oh siya tara na dahil malamang ay nauubos na ang pasensiya ng punong hari ,"

Ako'y sumang ayon sa kanya at nagpatianod paakyat sa matayog na hagdan tungo sa pinaka dulong silid nito kung saan malimit ganapin ang pagtitipon ngunit ito ang unang best na kami'y pinahintulitang dumalo dito

Inilihis ko ito sa aking pag iisip. Siguro'y importante ang pag pupulong na ito kung kaya't idinalo kami dito. Nang marating namin Ang huling palapag ay kakarampot na lamang na alalay ang nakakasampa dito dahil ito ang pinaka pribadong parte ng palasyo't tanging mga dugong bughaw lamang ang nakakapasok

Dumiretso kami sa isang malaking trangkahang ginto at kami'y pinagbuksan ng kawal. Bumungad sa aking ispasyadong silid at may mahabang eleganteng lamesa sa gitna nito at puno ng mga respetadong maharlika'ng nag papataasan ng kanilang mga trono at kasuotan

Dumako ang aking mata sa lalaking nakaitim at may maskarang suot ito pa lamang ang unang beses na siya'y aking Nakita dahil di man kami imbitado'y pumupuslit kami sa tagong lagusan sa bawat parte ng palasyo at nakiki usyoso sa mga bisita na kaming magkakapatid lang ang nakakaalam

Nakaramdam ako ng eksaktong damdamin ng masilayan ko ang lalaking naka puti sa patag. Ngunit mas nangingibabaw ang estrangherong pakiramdam sa lalaking nakaupo sa dulo ng lasesa na nag hahayag ng kanyang kapangyarihan ang punong hari.

Arogante itong naka-upo suot ang kulay tsokolate matang mailap sa madla at nakatutok sa baso nitong hawak. Nang tamad niyong ibinaba ang baso'y nag kanda ugaga ang mga maharlika sa libot nito at biglang tumayo ang aking hari.

" Humingi ako ng paumanhin sa pag hihintay ninyo sa akin kamahalan ," tumango lamang ito at tamad na iwinagayway ang kamay sa ere

Nagsalita ang hari ng crusuade sa hilagang kaharian " Hindi ko batid kung paanong na puslit ang mga bandido sa aking kaharian kamahalan."

Tumayo ang reyna ng hilaga at dinaluhan ang kanyang kapareha " Ngunit nasisiguro naming hindi ito umabot sa inyo kamahalan."

Pag kalipas ng nakakamatay na katahimikan'y dumagundong ang malamig na boses sa bawat sulok ng silid dahilan ng aking pag igtad" Mayroon pa ba akong mapagkakatiwalaan sa aking paligid "

Tono man nito'y di galit ngunit nag dadala ito ng kaba sa sistema sa paligid. Walang nagtangkang magsalita at ang mahaharlikang nasa silid ay napainom sa kanilang inumin sa Kaba

" Kamahalan ipagpaumanhin-," di na natapos ng hari ng hilaga ang kanyang nais sabihin ng bigla nalang nitong iwinalit ang baso sa pader at nag likha ng matiniis na tunog

Ngunit walang nagtangkang magsalita at gumawa ng kahit anong hakbang tanging naririnig lamang namin ay malalalim naitong hininga na parang nag pipigil ng galit

" Kailangan makabuo tayo ng Plano bago pa man tuluyang maabot ng bandito ang gitnang kaharian," malamig nitong saad dahilan ng pag ka alarma ng aking hari't reyna at inilatag sa gitna ang isang mapa

Nakapaloob dito ang bawat pagitan, posisyon ng bawat kaharian. Napagigitnaan kami ng apat na kaharian samantala napakalayo ng agwat ng kaharian ng punong maharlika sa iba. Matutunton ito sa pinakamataas na bahagi ng hilaga kung saan napapalibutan ng pataas na puno Wala man itong harang sa libot ay walang sino man ang mag nanais na tumapak dito.

Ito'y napapalibutan ng mga kuta ng mga taong eksperto sa palaso ngunit ang kanilang kuta'y wala sa baba kundi nasa taas ng mga puno na maaninag ang kung sino mang magtatangka na dumaan dito.

Habang sila ay abala sa pag plaplano'y kami'y titinginan ng aking mga kapatid at Sila'y nag hahagikhikan habang nakatanaw sa Punong hari. Iyon ang kanilang napala sa pagbabasa ng librong tungkol sa romansa habang itinutuon ko ang aking sarili sa pag lilibot sa magandang tanawin ng kaharian

Ngunit hindi ko maikakailang napaka kisig tingnan ng punong kamahalan lalo na't nag bibigay ng kakaibang epekto ang kanyang pagiging prebado na nag uunlak sa aking tanggaling ang kanyang maskarang nagtatago ng kanyang pagkatao.

Hindi ko namalayan ang pagtagal ng pananatili ng aking tingin sa kamahalan ay nagtama ang aming paningin ngunit nang masilayan ko ito'y hindi man lang ako naramdam ng kaba kundi'y kiliti sa aking katawan at pag bilis ng pintig ng aking dibdib

Walang nagtangkang baliin ang aming tinging pinagsasaluhan lalo na't ako'y nahihipnotismo sa kanyang tingin. Ipinagmabuting iniwas ko ang aking paningin sa hari lalo na't nakaramdam ako ng pangangati ng aking paa na siya'y lapitan

Siguro'y sana nagbasa ako ng ilang libro ng romansa upang malaman ko ang aking estrangherong damdaming lumulukob sa aking katawan. Naputol ang aking malalim na pag iisip ng may kung sinong nagbukas ng pinto ng silid na nagkuha ng atensiyon ng maharlika sa silid

" Punong hari ipagpaumanhin niyo po ang aking pag putol sa inyong pulong, ngunit may karwaheng dumating lulan ang iyong ina't munting prinsepe,"

tumayo ito at inayos ang kanyang magarang kasuotan " Bago ako pagpaalam nais kong imbitahan kayo sa kasiyahang magaganap sa aking palasyo."

" Maaasahan niyo ang aming prisensiya kamahalan ," sabay nilang turan samantala ako'y nakatunganga lamang at tulala sa makisig niyang tindig

Naglakad ito at nilisan ang silid dahilan ng pag buntong hininga ng mga maharlika't naghihinang napaupo sa kanilang pwesto.

" Sa batang edad pa lamang ay masasabi kong siya'y handa ng mamuno ," bahagyanh turan ng aking ama sanhi ng pagsangayon ng lahat

" Pakikipaglaban at tagisan ng talino'y walang lulupig sa punong maharlika," pagsangayon ng isang hari

Pasinple akong hinawakan ang aking kanilang braso na parang may kinakahiyang pakiramdam ang aking sarili. Ano kaya ang reaksiyon nito ng magtama ang aming mata?












You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Olive's Wrath | From The Novel Of Lineage Series 01Where stories live. Discover now