First glanced ¹
Nakamasid ako sa labas habang binabaybay ng aking karwahe ang kahabaan ng Daan tungo sa aming palasyo. Maraming mga sibilyan ang nakapwesto sa tabi ng daan at nag aalok ng mga palamuti at kagamitan sa mamimili dahil ito ang magandang tiyempo upang mag bukas ng pagkakakitaan lalo na't ito ang araw na bibisita ang karatig kaharian sa Central.
Central ang malimit itawag sa aming kaharian sa kadahilanang napapalibutan kami ng ibang kaharian. Ngunit ang akala lamang nila ay isa lang itong normal na pagtitpon ngunit nag kakamali sila. Maraming karumaldunal na pangyayari ang nagaganap sa kanilang paligid na tanging mga dugong bughaw lamang ang nakakaalam.
Subalit hindi na nila ito kailangang malaman pa alang-alang sa kanilang kaligtasan at katahimikan ng kanilang buhay. Natigil sa ere ang aking pag-iisip nang mapukaw ito ng boses ng bantay sa likod at paghinto ng karwahe.
" Kamahalan, Nanaisin niyo po bang lumabas at lumanghap ng hanging?" Magalang nitong tanong
Kinagat ko ang aking pangibabang labi at idinungaw ang aking ulo at agad din itong tinago ng may muntikang makakita.
" Hindi na. Hindi ko nais lumikha ng gulo ," seryoso kong saad
" Kung ito ang inyong ninanais , masusnod ,"
Umusad Ang karwahe at nalampasan nito ang kabahayan at pamilihan at sinalubong ito ng nagtataasang Puno an nagagandahang bulaklak na napapaligiran ng mabeberdeng damo ng Gubat historya ang aking mahal na tahanan.
Idinungaw at nilinga-linga ko ang aking ulo sa paligid at nagalak ng makita ang magandang daan tungo sa aming palasyo na nalililiman ng matatayog na puno.
" Henon. Ihinto ang karwahe," seryoso kong utos upang kuhain Ang atensiyon ng aking bantay sa likod at ng tauhan sa unahan upang sundin nito ang aking pinag-uutos.
Narinig ko ang pag talon sa pagkakasampa ng aking bantay at dali-daling binuksan ang pinto ng karwahe.
" Kamahalan mayroon ho ba kayong kailangan?" Magalang niyang turan na aking ikinatango
" Sa tingin mo ba'y walang gaanong tao sa paligid tungo sa palasyo?"
Inilibot nito ang paningin sa paligid at at tumango-tango " Nasisiguro ako kamahalan dahil abala ang lahat sa paghahanda,"
Tumango ako upang pagsangayon at inilahad nito ang kanyang braso upang akiang pagdiinan ng suporta sa pagbaba. Paglapat pa lamang ng aking mga paa sa lupa at pagsalubong sa akin ng kabuuan ng tanawin na may malamyos na halimuyak ng bulaklak ako ay nakaramdam ng kaginhawaan at pag kalma ng aking Sistema.
" Henon. Nais kong iwan niyo na ako rito at dalhin ang karwahe sainyo,"
Nakita ko ang bahid ng pangamba sa kanyang ekspresiyon " Ngunit kamaha-."
Itinaas ko ang aking kamay sa ere sanhi ng kanyang pananahimik " Henon makinig ka na lamang sa aking utos."
Nagbuntong hininga ito at napakamot sa ulo " Kung ito ang inyong nais kamahalan."
Siya'y aking tinanguan at inilahad sa aking harapan ang aking espada " Maraming salamat makaka-alis ka na,"
Tumango ito at sumampa sa likod ng karwahe at sumipol sa tauhang nasa harap na ipagpatuloy ang pag usad. Minasdan ko ang karwaheng papaalis na nag iwan sa akin sa gilid ng daan bago ito nawala sa aking paningin.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng gubat at ang masasayang memorya naming mga kapatid Kasama ang aming ama't ina na naglalaro at tanging masasayang halakhak lamang ang naririnig. Panahong kami'y mga supling na walang alam sa tunay na mundo ng makakapangyarihan.
YOU ARE READING
Olive's Wrath | From The Novel Of Lineage Series 01
Storie d'amore" mi amor, mi reina, mi seductora zorra Oliver," - your husband king lucian cadvoux