V

19 0 0
                                    

Wala siyang maalala.. Thats weird.....

Dala dala ko pa rin sa isip ko ung conversation namin ni Sha kanina. She did not remember anything... Thats so weird. Ako nga halos di maalis sa isip ko ung eksena na yun pero siya nakalimutan niya lang ng ganun ganun.

Kahit na busy ako sa work ay di pa din ito nawawala sa isip ko.

“Uy te ayan na ang baby mo... Yihee...” sabay kiliti sakin ni Avic sa tagiliran habang nakatingin ito sa bandang kanan ko...

Si Ken... Nakakaloka... Bago lamang siya dito sa company pero madami nang babae ang may gusto sa kanya... Bukod sa matangos na ilong napakaganda pa ng mata nito.. Hazel nut brown... walang contacts un ah at matangkad si kuya. My very type of guy. Pero syempre ayokong magpahalata...

Teka baket dito siya sa bay namin umupo.. Alam ko sa ibang team siya... At dito na nga lang sa bay namin umupo ayaw pa akong tabihan eh bakante naman tong upuan sa tabi ko.

He seated 2 stations after me. Wow.. Wala naman akong sakit at di naman mabaho hininga ko ah..

Tumingin ito ng bahagya sa akin. Halos di ako makahinga dahil nakakamatay ung tingin niya. Parang may gusto siyang sabihin saken.. Ano kaya un.?? Pero wala pang tatlong segundo ay binalik nito ang tingin sa computer niya.

Natauhan na rin ako. Binaling ko na rin ang tingin ko sa PC ko. Buti avail ng ganitong oras. Wala masyadong call kaya nakakalandi din paminsan minsan.

Nagsend ako ng chat message kay Avic na busy sa customer niya.

       ME: Teh db sa Team Viv siya baket siya sa bay natin umupo???? >.<

      Avic: Gaga sbi ni Boss sa email magiging teammate na natin siya di ka rin ngbabasa ng EMAIL..

               Basa basa din pag may Time....

     ME: I was not informed... hehe.... di sana nakapagpekpek shorts ako... hahaha.

      Avic: Harhar madami kang kaagaw >.<

     ME: I dont care.... Baby ko kaya yan...

“Excuse me?” Boses ito ng isang lalake.. Ngyon ko lang ito narinig pero kumabog ang dibdib ko dahil anglaki laki ng chat window. Dahan dahan akong tumingala... “Is this station available? Sira kasi ung nasa dulo...”

Halos mahulog ako sa kinauupuan sabay shutdown ng pc.. Di ko sinasadya pero na shut down ko ito.

“AY oo available yan... Diyan ka na umupo...” pasigaw na sagot agad ni Avic dahil nagshrink na ata ang dila ko. “Pati yang makakatabi mo available...hehe” pabiro pa nito.

Naloka ako dun sa huling sentence niya.. Lalo akong pinawisan ng malagkit. Nataranta na rin ako dahil namatay na ang pc ko at kung ano anong button na ang pinindot ko.

He smiled... First time I see him smile... Angelic... Parang gusto kong I – pause ung moment na un. Sana ganun lagi. Nakasmile.

Then He sat beside me. Ambango Shet!!! sa isip isip ko... Amoy pa lang nakakaulol na.

“Jewelle are you ok? Nakalog out ka..” Sita sa akin ng Manager on Duty na si Karen. Hindi naman talaga siya manager.. Binigyan lang siya ng ganung papel pag wala pang totoong manager sa floor. Kontrabida to sa buhay ko kahit kaylan nakita nang nagmomoment ung tao. Minsan lang to...

“Ay nagshutdown ung PC ko...”paliwanag ko pero parang deadma si bakla sa akin.

“Uy Mr. Ruiz baket dito ka diba dun ka dapat sa Bay natin.” sambit nito kay Ken na may halong himas pa sa likod nito. Gusto kong putulan ng kamay.

“Ay ateng... May email si Boss Ross Team mate na namin siya simula ngayon.” sambit ni Mommy Tess, isa rin sa teammate at ka shift ko.

“Ay sayang naman pinagreserve pa naman kita ng station. Baka gusto mo dun ka na maupo muna wala ata ung boss niyo.” rugtong pa nito.

Napatingin at napanganga na lang ako sa kanya. Di ko kinaya ang confidence niya. Di ko kinagaya ang ganda niya. Walang katumbas. Nakakaloka.

“No Im fine.. Ill be ok here.” maiksing sagot nito at di man lang tiningnan ang nakakainis na ingratang babae. Buti nga.

“Ok If you need help Im just on my station...” sabay baling saken “Oi te mag log in ka na..”sabay lakas nito paalis sa bay namin.

“Its loading....!!!” pahabol na sigaw ko sa kanya.

“Pre anlakas ng tama ni Karen sayo ah..”patukso ni Wil sa bago naming teammate.

Maiksing ngiti lang ang iginanti nito.

“Hayaan mo siya.” -

Nanlaki ang mga mata ko.. Di bumukas ang bibig nito pero narinig kong sinabi niyang “HAYAAN MO SIYA”. Boses niya iyon pero di nanggaling sa labi niya. Alam ko ang narinig ko..

Tumingin siya sa akin at nailang na rin ako... Pinagpawisan na naman ako. Baka ilusyon ko lamang iyon.

Alam kong nakatingin pa rin siya saken kahit na Im trying to make myself busy sa pag aayos ng mga tools ko. I can see him on my Peripheral vision.. But I should show no Interest in him.. IM NOT LIKE KAREN...  

Lan Danaya : Ang PaggisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon