II

33 1 1
                                    

Hindi ako makapagconcentrate sa trabaho dahil sa insedenteng yon. Lutang ang utak ko. Wala ako sa wisyo. Alam kong may nangyayari.

Tumingin ako sa bakanteng upuan sa bandang likuran ko. Si Sha ang madalas na nakaupo dito pero hindi na siya nakapasok dahil sa nangyari ganun din ang partner niya na kasama rin namin sa team.

“Jewelle are you ok, Pong told me what happen.” boses pa lang alam ko na kung sino ito. Di ako agad nakasagot. Parang ayokong magsalita. Ayokong magkuwento at ayokong maalala ung nangyari.

Naramdaman ko na lang na may kamay na humawak sa balikat ko. Agad ko itong inalis at nilingon.

“Are you ok?” tanong ulit ng boss ko. Si boss Ross. Napailing na lang ako. Sabay tango..

“I'm fine....?” patanong na sagot ko pero agad ko itong binawi. “Yes Im fine..... I think Im fine.”

Tinalikuran ko siya agad at hinarap ang computer ko at agad na nagkunyaring busy sa pagseset up. Mabuti na lang di na niya ako kinulit. Alam ko ugali niya, if his not satisfied with the answer tatanungin ka niya ulet but this time he gave me some space.

“Uy dhay.... anong nangyari... balita ko nahimatay si Sha?” tanong ni Avic. Isa sa mga close friends namin na teammate ko rin.

“Yeah.... di ko rin alam kung anong nangyari...” maiksing sagot ko. Wala talaga ako sa mood na pag usapan ito.

“Uy baka ano na un ah... alam mo na... hehe... magiging ninang na tayo niy..... ay teka me call ako... Thank you for calling Card Services how can I help you?”

Mabuti na lang at nagkacall si Avic at naputol na ang usaping un. Baka mag usisa pa.

Pinilit kong gawing busy ang buong araw na iyon. Alam kong nagtataka silang lahat bakit di ako masyadong nagsasalita which is weird kasi talagang madaldal ako.

Its my way na iwasan ang mga tanong na di ko pa kayang sagutin. Ayokong mapraning sa mga theory na maaari nilang idagdag.

I spent my lunch sa pantry sa 5th floor. Alam kong di sila kumakain dun. Better. Walang mag uusisa.

After lunch bumalik na rin agad ako sa desk ko at kahit me natitira pang oras ay naglog in na agad ako. Ayokong makipag usap... Basta ayoko....

8AM – I logged out and went back home.

Lan Danaya : Ang PaggisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon