IV

12 0 0
                                    

Wala na akong sinayang na oras at binilisan ko na ang pag uwi. Normally dadaan muna ako sa palengke pero gusto ko nang umuwi nang maaga.

Habang papalapit ng papalapit ako sa bahay lalong lumalakas ang kabog ng puso ko. Takot akong matulog ulet doon. Takot akong mangyari ulet ang nangyari. Takot akong harapin ang mga housemates ko dahil siguradong mag tatanong sila.

Pumasok na ang tricycle sa mismong subdivision namin, Rizal Village. Di naman gaanong kalakihan ang mga bahay dito pero maaayos at tahimik at madaming puno. Di gaya ng tinirhan ko dati.

Nang lumiko na ang driver sa Padre Damaso St. malayo pa lang ay nakita ko na si Megan na nagsasampay. Ang aga naman niyang naglaba pero mataas na din naman ang sikat ng araw nun.

Pumara ang tricycle sa tapat mismo ng bahay.

"Goodmorning teh, kumusta calls?" Agad na bungad nito. Di ko ineexpect na ito ang itatanong niya.

"O-ok naman." Binigyan ko siya ng hilaw na ngiti.

"Oi me niluto pala akong adobo kain ka ah madami un" aya nia habang pinipiga ang damit at nagpatuloy sa pag sampay.

Dali dali na akong pumasok sa loob ng bahay at sinalubong ako ng alagang shitzu ni sha na si Mimi. Tahol ito nang tahol. Pero kahit gaano kalakas ang tahol nito ay dinig na dinig ko ang yapak ng paa ni Sha mula sa taas.

"Hahaha basta mag usap tayo pagpasok ko s Monday. Pinagrest muna ako ng doctor eh." Mukhang may kausap ito sa telepono. "Ok naman na daw ako pero dinagdagan lang yung rest ko para di na daw maulit ang himatay himatayan ko." Sabi ni to sa kausap.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. For sure magtatanong ito.

Di pa rin tumitigil si mimi sa pag tatahol. Nagpapapansin.

" Teka andito na ata si Jewelle" lalo akong kinabahan. " Usap na lang tayo mamaya" paalam nito sa kausap.

Dali dali kong nilapag ang bag sa may sofa. Gusto ko siyang iwasan kaya naisip kong pumasok muna sa banyo.

"Teh..." pabukas pa lang ako ng pinto ng banyo. Nilingon ko siya at pababa na siya ng hagdan. Too late to make iwas.

"Hi teh... kumusta..." wala na akong ibang maisip na sabihin.

"Hinanap ba ako sa opis?" Tanong nito sa aken.

"T-tinanong lang nila ako kung anong nangyari...."i answered, but I think I need to confront her about it too. "Ano ba talaga nangyari?" Painosenteng tanong ko. Maybe I can pretend I did not see anything.

"Well....."she answered and smiled.... "Guess what?..." me excitement pa sa mukha niya "Im pregnant...." she revealed loudly.

Parang nahugutan ako ng tinik.. Im surprised but mostly confused...

"Thats the reason why you fainted?" I asked, whispering..

"Well the doctor said I just need to rest for 3 more days..."

"You saidd..... you saw.... something...." i silently asked. Wondering...

"Saw anything.....? Well, nakita kitang nakaidlip then nahilo na lang ako then fainted." Sagot ni Sha habang papunta siya sa may sink at naghugas ng kamay.

"Yun lang?" I curiously asked.

"Mmmm oo un lang. Well kung meron pang iba I dont remember."

Lan Danaya : Ang PaggisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon